CHAPTER 21

192 12 0
                                    

"Alam kong nagtataka kayo sa sinasabi ni Anne" saad ni tita Rana. Tita at tito na lang daw ang tawag namin sa kanila.



"Matanong ko lang Rana bakit may ganoong kapangyarihan ang anak niyo na parang naiiba sa inyo" nagtatakang saad ni haring Francis ang tatay nila Franz at Chesca.




"Sa totoo niyan ay hindi lang plant manipulator ang kapangyarihan ko air user din ako" saad ni tita Rana.





"And ako naman ay water user kaya ganoon kalakas na lang ang kapangyarihan ni Ali esta Ralicia" saad ni tito Ross.




"Ramdam ko na gusto niyo siyang tulungan kanina sa leveling ngunit pinigilan kayo ni Anne. Pinigilan lang kayo niya para hindi malaki ang pinsala at walang ni isa ang mapahamak sa inyo" paliwanag ni tita.



"Pero may na pahamak na isa. At si Tacia iyon" saad ni Aira sabay baling kay Tacia. Napatango naman si tita.




"Pinigilan kayo ni Anne kanina dahil may rason siya. At hindi niya talaga pwedeng tulungan si Ralicia" mahinahon na saad ni tita habang hinahaplos ang buhok ni Ralicia.




"Bakit po? Hindi namin kayo maintindihan" naguguluhan na saad ko kasi napagsalitaan ko pa ng masama si Roxanne.




"Gusto niyong malaman........ Dederetsyohin ko na kayo. Bawal makialam o tulungan ni Anne sa kahit anong laban si Ralicia. Dahil magkadugtong ang buhay nila. Kapag ang  isa sa kanila ang namatay ay parehas silang mawawala. May nagsumpa sa kanila na hindi ko alam kung sino. Alam ko na ginamot kayo ni Ralicia lalo kana Tacia ayaw niya kasing may nakikialam ng laban niya kaya kahit nanghihina ginawa niya pa rin iyon. Hindi ko siya masisi at hindi din ako galit sa inyo sana sa susunod lang alam niyo na. At si Anne kapag nasugatan ng malala si Ralicia nanghihina din si Anne." Mahabang kwento ni tita na nagpatahimik sa amin. Dapat pala nagtanong muna kami bago namin siya pagsabihan ng masama. Kami na lang nandito dahil umalis na din ang ng hari at reyna dahil kailangan na sila sa mga palasyo nila.




"Pero sa pag gagamot po. Kanina po kasi ayaw ni Ate Roxanne na ipagalaw ni Ralicia" magalang na tanong ni Natalie.




"Kaya din pinigilan ni Anne ang manggagamot ay hindi kakayanin noon ang natamong sugat ni Ralicia at baka yung manggagamot pa ang mamatay. Ang tito Ross niyo at ako lang ang nakakagamot sa kanila sa ngayon. Dahil alam namin kung ano ang igagamot sa kanila" pagkwento ulit ni tita.





"Huwag kayong mag alala hindi galit iyon sa inyo. Nagpapalamig lang yun at nagpapahinga" pagpapakalama naman sa amin ni tito Ross.




"Pasensiya na po na pagsalitaan pa po namin si ate Roxanne kanina" paghingi ng pasensiya ni Irish. Ngiti lang ang sinukli nila tita at tito na nagsasabi na okay lang.




"HM kami na bahala ni Ross dito kay Ralicia pwede na kayong magpahinga" saad nito sa amin. Gaya nga ng sabi ni tita Rana ay lumbas na kami ng silid na iyon.





"Guys tara na sa kanya kanya nating dorm" saad ni Luke. Tango lang ang sagot namin hinatid muna namin ang mga babae  sa dorm nila bago kami nagtungo sa dorm namin.





Nakahiga ako ngayon dito sa aking kama ngunit hindi ako makapagpahinga ng ayos dahil hindi naman ako pagod masyado. Tumayo ako sa higaan upang magtungo sa kusina. Nadatnan ko naman doon si Brix na umiinom ng tubig.





"Ohhh bro tubig" alok na saad niya sabay inom ng tubig. Kumuha ako ng baso at nagsalin.





"Maglalakad lakad lang ako sa labas" saad ko hindi ko na inantay ang sasabihin niya dahil lumabas na ako ng dorm namin.




Hapon na malapit na din magdilim gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin. Wala masyadong mga taong pagalagala ngayon dahil ang iba ay nagpapahinga na. Nagtungo na lang ako sa garden kung saan malapit ang canteen ng school. Tahimik kasi dito ngayon walang katao tao. Hindi pa man ako nakakalapit sa pwestong gusto kong pagpahingahan.




"I'm sorry hindi ko na naman na protektahan siya" rinig kong saad ng isang nilalang kilala ko ang boses na iyon kaya nilingon ko kung saan iyon nanggaling. At tama nga ako kaya nilapitan ko siya. Nakatungo siya ngayon habang umiiyak napapansin ko kasing tumataas ang balikat niya at naririnig ko ang paghikbi niya. Inabutan ko na naman siya ng panyo napatigil naman siya at nag angat ng tingin.




"A--nong ginagawa mo dito Alex" saad niya sabay kuha ng panyo sa kamay ko at pinunas niya sa mga luha niya.



"Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin napadpad ako dito at may narinig akong umiiyak" casual na saad ko sabay upo kung saan siya na kaupo. Tatayo na sana siya para umalis ng hawakan ko ang braso niya para pigilan. Kaya na upo siyang muli.  Tahimik ang namayani sa aming dalawa.




"I'm sorry" paghingi ko ng paumanhin kita kong napatingin siya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin napailing na lang ako.




"Okay lang alam kung inaalala niyo lang ang kalagayan ng kapatid ko" mahinahon niyang saad.




"Napagsalitaan ka pa namin. At sorry na din nababasa mo pala ang nasa isipan namin" saad kong muli kasi siya lang ang nakilala ko na lahat nababasa kung ano ang nasa isipan.




"Yeah. Isa iyon sa kakayahan ko" saad niya habang ang mga tingin ay nasa kalangitan.





"Na ikwento na sa amin nila tita Rana ang tungkol sa inyong dalawa ni Ralicia" saad ko naalala ko na naman ang mga sinabi kanina ng mga magulang nila.




"Tita ha!" naka ngising saad niya kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.




"Yeah! Now we know" tipid na saad ko.



"Noong mga bata pa kami hindi kami pinaglalaban nila mom and dad. Kung may training naman kami sila mom and dad lang ang nakakalaban namin. Dahil muntik ng mawala sa amin si Ralicia dahil sa maling nagawa ko" pag kwento niya may nakita naman akong mga butil na pumapatak galing mata niya.



"Bakit? Oh huwag muna pala ikwento naiintindihan na kita ngayon" saad ko pribadong kwento na iyon kaya wala na ako kung anong meron sa kanila.



"I'll almost hit her noong kami ay mga bata pa nag eensayo ako noon bigla na lang siyang sumulpot" pagkwento niyang muli. Naluluha na naman siya kaya hinawakan ko ang baba niya iniharap sa akin. Pinunasan ko ang nga luhang iyon ngayon ko lang siya nakita sa malapitan maganda at ang amo ng mukha niya.




"Shhhh... I know na hindi mo naman sinasadya iyon pasalamat ka na lang at naligtas ang kapatid mo" mahinahon na saad ko para tumahan na siya. Nagtagal lang kami saglit at maya maya umalis na din dahil kailangan na namin mag pahinga.





"Good night magpahinga kana. And sorry again" saad ko sa kaniya ng maihatid ko siya sa pintuan ng dorm nila. Ngumiti pang siya sa akin bago tuluyang pumasok sa kanilang silid.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon