Masayang naguusap habang naglalakbay sa gubat ang mag-asawa patungo sa kanilang paroroonan ay may isang nilalang ang lumitaw sa kanilang harapan na siyang ikinagulat ng mag-asawa. At ang nilalang na iyon ay ang matandang Tasno na siyang nagbibigay ng balita sa lahat dahil sa nakikita nito."May magaganap at kayo ang naatasang pangalagaan siya. At sana inyong makita ang naatasan sa inyo" tila makahulugang wika ng matanda na nakakapagtaka naman kung ano ang kanyang pahiwatig.
"Po! Ano pong sinasabi niyo" naguguluhang saad ng isang ginang.
"Malapit na malapit na sila" makabuluhang saad ng matanda at biglang naglayo.
"Ano kaya ang sinasabi ng matandang iyon at anong naatasan" naguguluhang saad ng ginang sa kanyang asawa.
"Hindi ko din alam kung ano ang ipinaparating ng matandang iyon" naguguluhang saad din ng asawang lalaki sa babae.
* * * * * * * * * *
Sa kabilang banda naman habang papasok sa isang masukal na gubat ang isang ginang na may dalang sanggol may ngising sumilay sa kanyang mga labi. Hindi alam ng hari at reyna na ang babaeng pinagkatiwala nila ay traydor dahil pinili nitong umanib sa masasama makuha lang ang kanyan nais.
Subalit, nananaig pa rin ang kabutihan ng ginang dahil hindi lahat ng nakukuhang ninanais ay makakapagsaya sayo. Ngunit kapalit naman nito ang kanyang buhay dahil may kasunduan nga ito sa kabilang panig.
Patuloy pa rin siyang naglalakbay sa gubat kahit nahihirapan na siyang maglakad dahil nga sa sumpang pinagkasunduan nila. Nahihirapan na din siyang huminga dahil may lumalabas na maiitim na usok na nanggagaling mismo sa katawan niya dahil ang itim na usok na iyon ang patunay na umanib siya sa masasama.
* * * * * * * * * *
Sa kabilang banda uli patuloy pa ring naglalakbay ang mag-asawa hanggang sa narating na nila ang death forest kung saan doon ang isang lagusan upang marating nila ang kanilang patutunguhan. Ilang sandali pa ay may naramdaman silang kakaiba kaya napatigil sila saglit.
"Nararamdama mo ba iyon" saad ng asawang lalaki sa kanyang asawa. Tango lang ang ibinigay na sagot nito sa kanya.
Inilibot nila ang paningin nila sa paligid ngunit wala silang makitang kakaiba dahil nararamdaman nga lang nila ang presensiyang iyon na hindi nila mawari kung ano? at sino?. Nagkatinginan naman ang mag-asawa at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad.
Hindi pa rin sila nakakaalis ng death forest dahil iyon ang pinakamahaba at kinatatakutan gubat dahil hindi lahat nakakapasok doon tanging ibang nilalang lang ang nakakapasok doon. Dahil nga mahaba haba ang lakarin nila nagpahinga muna sila ng ilang minuto sapagkat pagod na ang mag-asawa.
"Naalala ko na naman ang sinabi ng matanda"basag sa katahimikang saad ng babae sa asawa niya.
" Baka nagkamali lang ang matanda" saad naman ng lalaki sa asawa niya. Ngunit malakas ang kutob ng babae na may masamang mangyayari hindi niya mawari kung ano nga ito.
Matapos lamang ang ilang minuto ay nagpatuloy na rin sila sa paglalakad nasa kalagitnaan na sila ng gubat na iyon nang may isang tinig na sumigaw hindi man kalakasan pero sapat na upang marinig nila.
"Ahhhh" isang sigaw na nagpaagaw ng atensyon nila kaya napatigil sila sa paglakad
"Ano iyon" saad ng babae sa kanyang asawa.
"Tila isang sigaw na nagmumula sa hilagang kanlurang bahagi ng gubat na ito" sagot ng asawang lalaki sa asawa nito. Kaya dali dali silang nagtungo kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Hindi pa man sila nakakalapit ay may isang sigaw na naman.
"Ahhhh......" Isang sigaw ulit ng isang nilalang na tila ba ang nahihirapan sa pagsigaw nito.
"Tara na't pumaroon upang malaman natin kung ano iyon" nagmamadaling saad ng babae at binilisan nila ang paglalakad upang malaman kung sino o ano ang sigaw na iyon.
Natonton naman nila ang kinaroroonan ng sigaw na iyon at tama nga ang hinala nila isang babaeng nilalang na hindi gaanong katandaan at iyon ay may hawak na sanggol. Doon din nila napansin na nilalabasan siya ng itim na usok na para bang isang sumpa.
"Anong nagyayari sayo nilalang" nag-aalalang saad ng babae dito
"Isi--numpa ako at ku--nin niyo ang ba--tang sanggol na dala-dala ko" nahihirapanng saad ng nilalang sa kanila agad naman kinuha ng babae nag sanggol sa mga bisig nito.
"Kay gandang sanggol" sa isip ng babae habang hinihimas ang mga pisnge ng sanggol.
"Alagaan niyo siya itu--ring a--nak at sa pagdating ng takdang pana--hon ay malalaman niya ang to--toong siya" pahabol na saad ng nilalang hanggang sa naglaho at naging abo ito.
"Ano naman ang sinasabi ng nilalang na iyon" saad ng lalaki sa asawa niya at biglang nagliwanag naman ang kabilang bahagi ng balikat ng bata at nakita nila na may ukit na asul na bilog doon nila na pagtanto na iyon ang magliligtas sa kanila laban sa kasamaan.
"Siya ang itinakda sa propesiya" manghang saad ng babae.
"Oo nga at baka siya ang ipinaparating satin kanina ng matandang Tasno dahil ngayon ay nagaganap ang digmaan. Ngunit bakit ang sanggol ay nasa komadrona" naguguluhang saad ng lalaki
"Anong komadrona" takang tanong ng babae sa asawa niya.
"Isang komadrona ang nilalang na iyon. Baka kaya niya dala dala ang sanggol ay itatakas niya upang maligtas ito sa kasamaan. Ngunit bakit may lumalabas na itim na usok at sabi ng komadrona sinumpa siya" paliwanag ng lalaki sa asawa niya.
"Huwag na nating alamin iyon ang mahalaga ay maitakas natin ang sanggol at aalagaan natin siya na tunay nating anak" pagiiba na saad ng babae sa asawa nito na sinang-ayunan naman nito.
Matapos ang paglalakbay ay nakalabas na sila ng death forest at nagtungo sa malaking puno at gumawa ng portal upang makabalik sa mundo ng mga tao para doon mamuhay kasama ang sanggol.
~Thank you so much readers. Have a safe everyone and God bless you all.
--------------------------------------------------------
Follow me on my social media accounts:
Fb: Joanna Robante
Ig: @mayamjvr
Twitter: joannarobante
![](https://img.wattpad.com/cover/226620948-288-k227277.jpg)
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasiaShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...