"Ahh... Dani-el. A-alis na a-ko" nauutal na saad ko. Nahihiya ako dahil hindi pa ako sanay na kasama siya ngayon. Humarap naman siya sa'kin na nakakunot ang mga noo.
"At sinong may sabi na aalis ka mag-isa" taas kilay na saad nito kaya napatingin ako sa kaniya.
"Diba sabi ko pu-punta a-ko kina ama ngayon"mahinhin na saad ko at napakagat na lang sa labi dahil ang mga titig niya ay hindi ko kaya.
"Sasama ako" tipid na saad nito aanggal pa sana ako ngunit pinigilan niya ulit ako at wala na akong nagawa alam kong talo naman ako. Tumango na lang ako para hindi na kami mag-away.
Simula noong may nagtangka sa'king halayin ako ay hindi na siya nawala sa tabi ko at muntik niya ng mapatay ang nilalang na iyon na umamin sa'akin na gusto pala ako ngunit hindi siya makalapit dahil tinitingala ako kaya gumawa siya ng paraan upang makalapit sa'kin ngunit isa palang plano na halayin ako sobra akong natakot noon at ang aking ina at ama galit na galit dahil sa nangyari sa'kin pinabantayan pa nga ako sa mga kawal ng kaharian upang walang magtangka sa'kin at hindi umaalis sa tabi ko si Daniel na sobra kong napahalagahan iyon. Nagsasama na kami dahil iyon ang gusto niya na sinang-ayunan ko din dahil matagal ko na siyang gusto at mahal ko din.
Gusto ko lang dalawin sina ina at ama hindi nila inaasahan ang pagdating ko napagalitan pa nga ako dapat daw ay nagpapahinga ako at bawal akong mapagod alam ko naman iyon pero gusto ko kasing makita sila at si Daniel ayun napagalitan din ng aking magulang ngunit pinagtanggol ko siya na gusto ko lang talaga makita sila. Pinagpalipas muna namin ang gabi doon sa palasyo ng aking magulang at umuwi din kinabukasan.
Kasalukuyan kaming nasa palasyo nila Aira dahil kakatapos lang ang seremonya na pagllipat ng korona sa kaniya sa kanilang palasyo kasama si Bryle sila kasi ang kahulihan na pinasahan ng korona na dapat ay sila Tacia ngunit mas mataas sila Tacia sa lahat ng kaharian dito at ang unang pinasahan ng korona ay sila nga at sina kuya Alex at ate Anne na ngayon ay may sariling palasyo na itinatatag at pinatayong muli ng Alicia ang kaharian ng Crysmere at si Alicia naman ay nasa kaharian ng mga Bathala dahil isa na siyang ganap na Diyosa na hindi pwedeng manatili dito sa aming kaharian at hindi rin sila pwedeng tumagal dito. Tatlong beses palang silang nakakadalaw dito sa'min na ngayon din ay wala dahil tiyak namin na abala iyon ngayon.
"Isa ka na ring ganap na reyna binabati ka namin Aira" bungad na saad ni Natalie nang makalapit siya sa gawi namin.
"Hindi ako makapaniwala na ngayon gaganapin ang pagpapasa ng korona at sinekreto pa nila sa'kin"nakangusong saad nito na ikinatawa namin si Bryle naman ay kasama ang mga lalaki.
"Ano pa lang gusto mong kainin" lambing na saad ni Daniel habang nakaunan sa hita ko at hinahawakan ang maumbok kong tiyan sa nakalipas na buwan nang sabihin ko sa kanila na nagdadalang tao ako noong nagkaroon ng pagtitipon sa palasyo nila Tacia ay sobrang biyaya ang natanggap namin at dobleng selebrasyon ang naganap sa araw na iyon. At sinabi ko din na maselan ay sobrang nilang pag-iingat sa'kin. Lalo na si Daniel ni oras minuto segundo hindi naalis sa tabi ko at sobrang pag-aalaga niya sa'min ng anak niya at laking pasasalamat ko iyon.
"Gusto ko ng kahit ano basta matamis"nakangiting saad ko na ikinangiti niya. Hindi ko inaasahan na siya ang makakatuluyan ko kahit may pagtingin ako sa kaniya noon at siya naman ay nakapokus lang sa taong mahal niya noon na ako na ngayon.
"Sige. Pero kumain ka din ng masustansiya" may bilin na saad nito na ikinatano ko na lang.
"Opo mahal kong hari" lambing na saad ko at humalik sa pisnge niya ngumiti lang naman siya at hinalikan ako sa labi na siyang tinugon ko. Sa nakalipas na ilang taon maraming nagbago ang dating mga hari at reyna ay isa nang ganap na matataas na pinuno samantalang kami na dating prinsesa at prinsepe ay naging hari at reyna na at pumalit sa pwesto ng aming mga magulang at syempre ay may mga anak na sila at mga batang prinsesa at prinsepe iyon.
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...