CHAPTER 25

134 10 0
                                    

Tanghali na ako nagising wala naman pasok ngayon kaya okay lang na tanghaliin ako. Habang akoy nag aayos bigla may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.




"Pasok" at doon nga pumasok si ate na  hindi pa nagsusuklay ng buhok. Umupo naman siya sa aking kama habang ako ay nag aayos.




"Tanghali kana. Kumain kana doon sa baba. Kumain ka ha" bilin nito sa akin na ikinatango ko na lang.




"Kamusta pala"




"Nakuha ko na" tipid na saad ko tumayo siya at nagpaalam na aalis na siya. Buti hindi niya na ako tinanong kung anong nangyari dahil wala din naman akong balak na sabihin sa kanya.




Matapos kong mag ayos ng aking sarili ay lumabas na ako ng aking silid. Nakasalubong ko naman ang mga kasama namin binati nila ako tango lang ang sinagot ko. Pumunta na ako ng kusina para kumain na. Hindi ko na sila inalok kung kumain na ba sila at yung iba naman na royalties ay wala dito ang mga lalaki ay bumalik na sa kanilang dorm samantala yung ibang babae ay may pinuntahan ang nakita ko lang kasi ay si Natalie, Aira at si Ate.





Nagkulong lang ako sa aking kwarto dahil wala naman akong gagawin at tinatamad naman akong mag libang sa labas. Dumating na din sina Tacia galing pala sila sa magulang nila kasama niya si Kuya Alex. Nakatayo ako malapit sa malaking bintana sa aking kwarto kita dito ang lawak ng paligid. Naalala ko tuloy yung libro na babasahin ko pala iyon mamaya hapon na malapit na din mag gabi. Aalis ulit ako mamaya para bumalik doon sa pinuntahan ko kahapon. Napabuntong hininga na lang ako at sinandal ang aking sarili sa bintana. Napapaisip ako kung ano ang mababasa ko mamaya sa libro. Malalaman ko na ba kung sino talaga ako.







Natapos ang maghapon na iyon lang ang ginawa ko ang magkulong sa aking kwarto buti hindi nila ako inisturbo o hinanap man lang alam naman ni ate ang gagawin niya kung sa kaling hanapin ako ng mga prinsesa at prinsepe. Natulog lang din ako saglit kanina para hindi ako antukin mamaya sa aking pagbabasa. Kinuha ko na ang libro kung saan ko ito itinago kagabi. Antayin ko daw itong umilaw upang makapagsimula ng akong magbasa. Paikot ikot lang ako dito sa aking silid inaantay na umilaw ang libro ngunit ilang oras na ang lumipas at madilim na din sa labas hindi pa din umiilaw ang libro. Lumapit akong muli sa libro at nagulat na lang ako ng bigla itong umilaw na ako lang ang makakakita umupo ako sa sahig upang maumpisahan na ang aking pagbabasa syempre naglagay muna ako ng barrier para walang makaalam sa gagawin ko dahil alam kong nakakaramdam sila. Ramdam ko din na umiilaw ang mga mata ko na hindi ko alam kung bakit. 





"Ang kasaysayan ng unang henerasyon"  pambungad na basa ko sa unang pahina ng libro na ito na wala naman pamagat sa unahan ng libro sadyang blanko lamang ito.  Ngunit bakit walang nakatalang mga salita dito blanko lang din ang pahina, na iyon lang ang sulat niya. inilipat ko naman sa pangalawang pahina may sulat siya  "Ang kasaysayan ng pangalawang henerasyon" ngunit ganoon lang din at blanko lang siya naipinagtaka ko naman, kung blanko lahat ng pahina ano pa ang malalaman ko at mababasa ko sa librong ito. Isasarado ko na sana ang libro ngunti bigla naman itong lumipat sa pangatlong pahina doon ko nakita na mayroon na itong sulat nakakaiba sa una at pangalawa. "Ang kasaysayan sa kasalukuyan ng unang propesiya" basa ko sa pangatlong pahina.




Walong kaharian namay ibat ibang kapangyarihan ngunit ang isa ay nawawala, naiiba at napaka misteryoso. Lightsoria monarchy walang makapagsabi kung ito nga ang unang kaharian dahil ito lang naman ang may mas mataas at madaming kapangyarihan sa lahat ng kaharian. Pinamumunuan ito ni Haring Niel Lithacia na anak at  ang sumunod sa yapak ng kanyang ama na si Haring Pelipe na dating hari noong sa pangalawang kasaysayan at Reyna Fransiya.  At si Reyna Anastacia Lithacia na mas kilala bilang  Queen Ana ay kanyang asawa na anak ni Haring Emil at Reyna Natacia na pinakamalakas na reyna at hari noon. Si haring Niel at Reyna Ana ay may tatlong anak ngunit ang isa ay nawawala na siyang nasa propesiya na magliligtas ng buong kaharian. Prince Alexaniel Lithacia ang unang anak na lalaki na may dalawang kapangyarihan ito ay yelo at hangin. Sumunod naman ay ang itinakda ng propesiya na si Princess Shanatacia Alicia Lithacia hindi  matukoy kung ilan ang kapangyarihan ng prinsesa dahil hindi alam ng mga magulang nito kung ano pang kapangyarihan mayroon ito at tiyak na ang apat na elemento ay nasa kanya at ang propesiya lang ang makakapagsabi kung ilan ang mga ito. Akala ng mag-asawa ay hindi na sila magkakaanak ngunit nabigyan sila ng isa pang anak na babae na ang ngalan ay Princess Tacia Ellice Lithacia na bunsong anak nila at nasa kaniya ang apat na elemento kaya hindi nila mawari kung sino ang itinakda ng propesiya ng sa ganoon naman ay ang bunso ay may apat na kapangyarihan. Kaya hindi nila masabi kung si Shanatacia ba o si Tacia ang itinakda ng propesiya. 





Earmerya Monarchy ang pangalawa sa malakas na kaharian na pinamumunuan ngayon nila Haring Travis Earthious at reyna Natalyn Earthious nakapatid ni Queen Ana.  At may dalawang anak na sina Princess Nataliesha Earthious at Prince Tylerion Earthious. Ang kaharian na ito ay may pinangangalagaan na kapangyarihan ng lupa. Abifireya Monarchy ang pangatlong kaharian na may pinapangalagaan na kapangyarihan ng apoy at pinamumunuan nina Haring Francisco Firetain at Reyna Daniella Firetain nakilala bilang Queen ella. May dalawa silang anak isang lalaki at babae na sina Prince Franz Daniel Firetain at Princess Franchesca Firetain. Airlynthic Monarchy na may pinapangalagaan ng hangin na pinamumunuan nina Haring Louise Airrier at Reyna Ellisha Arrier na kapatid ni Haring Francisco. May anak sila na sina Prince Luke Athan Airrier at si Princess Airalyn Nicole Airrier.  Glacies Monarchy na may pinangangalagaan ang kapangyarihan ng yelo na pinamumunuan nina  Haring Arvis Coolerice at reyna Katherine Coolerice na binayayaan ng isang anak na babae na si Princes Irish Kate Coolerice. Agwaryn Monarchy na may malawak na pangangalagaan ng tubig at nangangalaga din ng kapangyarihan ng tubig. Pinamumunuan nina Haring Paul Wateryn at reyna Brianna Wateryn at may anak an dalawang lalaki na sina Prince Bryle Wateryn at Prince Brix Wateryn. 





Findarian o mas kilala bilang isang darkian kingdom ang kaharian na sakim dahil sa pagkainggit dahil ang kaharian na ito ay ang huling kaharian na pinamumunuan ni haring Arnold na dating mga kaibigan ni haring niel. Naging sakim si Arnold dahil sa inggit sa dati nitong kaibigan at dahil na rin na mas pinili ni Queen Ana si king Niel kaysa sa kanya. May isang anak si king Arnold sa dati niyang katulong noon na hindi sinsadya na may nangyari sa kanila at nabiyayaan ng isang anak na lalaki na ang ngalan ay Prince Ralex na may pagtingin kay Prinsesa Chesca ang prinsesa ng apoy.





Noong pangalawang henerasyon nawala ang isang kaharian noong namatay ang lahat ng mga naniraham doon hindi matukoy ngayon kung ano ang sagisag ng kahiraan na iyon at sino ang namuno doon dahil hindi na naabutan ng mga hari at reyna ngayon. Ngunit may isang nakakapagsabi na ang nawawalang kahariaan ay lilitaw kung darating sa tamang panahon. Hindi mawari ang mga kathang isip ng ilan at lingid sa karamihan si Tandang Tasno lang ang nakakaalam ng lahat na siyang tagapagbalita at nagbabalik tanaw ng lahat.






Ang isang prinsesa ng lightsoria monarchy ang itinakda ng propesiya na siyang maglilgtas ng buong kaharian ngunit ayon sa sabi sabi hindi pa alam kung sino sa dalawang anak ni Haring Niel at Reyna Ana ang itinakda dahil walang sinasabing ngalan ang propesiya. Ngunit maiiba nga ba ang kasaysayan ng propesiya.





Kung ito "Ang kasaysayan sa kasalukuyan ng unang propesiya" may susunod pa bang propesiya? Tanong ko sa aking isipan. Binuklat ko ang pahina wala na akong mabasa doon kundi ang......








"Another prophecy"





----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon