CHAPTER 11- TRAINING (2)

223 10 0
                                    


"Ralicia diba Ice user ka. Sabay na tayo mag ensayo sa gym" saad ni Irish habang kami ay naglalakad sa hallway.

"Kaya ko sarili ko" malamig na saad ko habang hindi nakatingi sa kanya. Napatigil naman siya alam kung hindi pa sila sanay sa pakikitungo ko sa kanila. Nagpatuloy na lang ako  sa paglalakad upang makarating sa aking patutunguhan.

"Sana masanay kayo sa pakikitungo ng kapatid ko sadyang ganoon lang siya" rinig ko pang pag hingi ng pasensiya ni ate sa kanila.




"Ate huwag niyo na akong hanapin kaya ko sarili ko" saad ko sa isipan ni ate na alam kong nauunawaan niya.

"Okay. Basta mag-ingat ka" balik na saad ni ate sa isipan ko.




Nakarating nako sa aking pupuntahan dahil gusto ko na ako lang at walang sagabal sa aking pag-eensayo at gusto ko ako lang makakakita ng technique na ginagawa ko. Nagpahinga lang ako ng kunti dito sa ilalim ng puno upang pakiramdam kung may sumusunod sakin. Dahil ramdam ko kanina na may sumusunod samin at hindi nila nararamdaman iyon.


Makalipas ng ilang minuto ay tumayo nako at nag warm up para mas makagalaw ako ng ayos. Bago ako magsimulang mag-ensayo gumawa muna ako ng barrier upang walang makakita at walang makapasok na ibang nilalang sa aking pag-eensayo.



Huminga ako ng malalim, pinikit ang mga mata itinaas ko ang aking kamay upang pakiramdaman ang kapangyarihang gustong lumabas sa aking katawan. Iminulat ko ang mata ko at gumawa ako ng Ice storm at inilabas ito. Ngunit hindi ko magawa ng ayos kaya mas nag concentrate ako ng ayos at doon ko nagawa ang gusto kong gawin ngunit hindi ko nilalakasan dahil hindi ko pa naman gamay ang kapangyarihan ko.


Gumawa ulit ako ngayon ng ice ngunit ice crystal naman at nagawa ko nga siya ng walang kahirap hirap. Naglabas lang ako ng naglabas ng kapangyarihan habang tinatamaan ko ang mga ginawa kong statue at doon unti unting nasisira. Natigil lang ako ng may naramdaman akong kakaiba sa aking balikat kaya napaupo ako. Kinapa ko naman iyon ngunit wala ulit akong makapa kung anong meron sa balikat ko.


Nang maibaba ko ang kamay ko may lumabas na apoy na ikinagulat ko. Nawala naman iyon bigla kaya winagayway ko naman ang aking kamay upang mapalabas iyon ngunit walang lumalabas. At doon ko naalala ang sabi nila mom and dad na ako lang ang makakatuklas kung sino at anong meron sakin.


Huminga ako ng malalim at nag concentrate upang mapalabas ang apoy. Ngunit kahit anong pilit ko walang lumalabas. Kaya tumigil nako baka hindi pa ito ang oras upang matuklasan ko ang aking isa pang kapangyarihan.


____________________________________
____________________________________



THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon