CHAPTER 46

103 7 0
                                        

Papasok kami ngayon sa akademya at isang linggo na lang ay tapos na ang aming pag-aaral. Taon na nag lumipas hindi pa siya bumabalik at marami na ding nagbago simula ng umalis siya. Ang mga itinuri kong magulang dito na nanirahan sa dati nilang tirahan. Ang mga hari at reyna nagtutungo sa akademya kapag may mga okasyon at bigo pa din sina haring Niel at reyna Ana na makita muli ang anak nila. Si tandang tasno hindi na nagparamdam simula ng mawala siya. Ang mga prinsesa at prinsepe ganoon pa din nagmamahalan pa rin pwera na lang kay Daniel na pihikan sa mga babaeng nakakasalamuha niya kaso sa amin maayos naman ang pakikitungo niya. Si Irish naman ayun patuloy pa din sa pag-iwas sa mga lalaking nagtatangkang manligaw sa kaniya ayaw niya daw sa mga lalaking iyon may gusto daw siya na lalaki kaso hindi naman siya gusto ng lalaki na gusto niya. Masakit iyon para sa kaniya syempre ikaw ba naman ang magmahal tapos hindi ka pala mahal ng taong mahal mo. Ouch ang sakit noon diba. Pero may kutob ako na kilala ko ang tinitibok ng puso ni Irish hindi ko lang mahuli huli ang galawan niya. Basta masaya ako sa mayroon ako ngayon mahal na mahal ko kaya si Alex. Naku kapag niloko niya lang ako humanda siya sa akin ipapatikim ko sa kaniya ang mabangis na kapangyarihan ko. Nagulat naman ako ng may yumakap sa likod ko.






"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala"saad ni Alex at nakayakap pa din sa akin. 



"At bakit mo naman ako hinahanap. Hindi naman ako mawawala"taas kilay na saad ko humarap ako sa kaniya at hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi ng walang pasabi kaya kinurot ko siya sa tagiliran ang dami kayang tao sa paligid kaya napatingin ako sa mga kasamahan namin nakangisi lang sila at yung iba tumatawa. "Nakakainis ka talagang sa harap ng maraming tao mo ako halikan" may inis na bulong ko dito.




"At bakit wala naman problema doon para malaman nila na pagmamay-ari kita" lambing na saad nito kaya napasimangot ako akmang hahalikan niya ako ng iharang ko ang palad ko kaya iyon ang nahalikan niya. 




Kumakain kami ngayon dito sa tambayan namin dahil naisipan ng mga kasama ko na dito na lang para may hangin na din. Nakasandal lang ako sa puno habang nakahiga sa kandungan ko si Alex at nakapikit ang mga mata ang iba naman ay nakain at nag-uusap usap. Nagkalat din sa paligid ang mga ibang nilalang na nasa akademya ngayon kasama na doon ang mga estudyante. 




"Akin na yan kuya" naiinis na saad ni Aira sa kuya niyang si Luke. Nag-aagawan ba naman ang dalawa sa pagkain na galing kay Tacia.



"Sandali lang titikman ko muna" saad ni Luke at tinikman ang pagkain na binigay ni Tacia na tiyak kong uri ng prutas iyon. Binigay naman ni Luke kay Aira. "masarap siya" pagkomento ni Luke. At iyon nga nagpatuloy lang ang pagtambay dito sa hardin. Nang makarinig kami ng kaguluhan kaya napatayo kami ganoon din si Alex nagising dahil sa mga sigaw.



"Anu yun" takang tanong ni Tyler. May nakita naman kaming mga estudyante na nagtatakbuhan kaya hinarang ni Luke ang isa.



"Anong nangyayari at nagkakagulo kayo" nagtataka din na tanong ni Luke dito.



"Mas lumusob na kalaban"natatakot na saad ng estudyanteng lalaki. Lumusob na naman sila at talagang hindi sila mapakali at gusto nilang makuha si Alicia kaso ang hind nila alam ay nabago ang propesiya na miski kami ay hindi namain alam kung sino ba ang totoong kalaban at saan kakampi ang tinutukoy ng propesiya na nakaukit sa libro.




Nagtungo kami doon sa pinnaggalingan ng kaguluhan at doon namin nakita  na naglalaban na ang kasamaan at kabutihan kaya nagsenyasan kami na sumali na din sa labanan. 




"Mag-ingat ka" bilin at paalala sa akin ni Alex. Ngiti lang ang binigay ko sa kaniya at tinalikuran na siya. 






Nagpalabas ako ng kapangyarihan ng tubig upang gawing bola iyon at ipatama sa mga kalaban at nagtagumpay nga ako sa ginawa ko. Marami din sila kaso parang hindi nila kasama ang impaktang Rica na iyon na lagi ding lumulusob kasama ang mga galamay niya at himala wala din ang prinsepe ng kadiliman na si Leron ang anak ni Arnold. Gusto din niyang makuha si Alicia para gawing reyna nito dahil may pagtingin siya kay Alicia, sa ganda ba naman ni Alicia kaya maraming nagkakagusto sa kaniya kaso may nagmamay-ari na ng puso niya.  






THE GREAT PROPHECY OF SHANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon