CHAPTER 23

158 13 0
                                    

Makalipas ng isang linggo ay nakauwi na nga si bunso sa dorm namin maraming nangyari sa loob ng isang linggo bawat isa sa amin ay naging busy dahil sa pag aaral hindi na din nakabalik sina mom dito sa isang buwan na lang dahil kailangan nilang unahin ang kompanya at naiintindihan naman namin iyon ni bunso. Ang mga boys lagi na lang nasa dorm namin minsan na nga silang natulog doon ngunit sa sala sila natulog dahil ayaw naman nila na makitulog sa nga kwarto namin.




Kakatapos lang ang klase namin ngayon magkakasama kaming kumakain sa mahabang lamesa dito sa canteen.





"Hoy! Akin na yan" naiinis na saad ni Aira sa kuya niya. Iniinis lang naman ni Luke si Aira dahil may nagbigay kay Aira ng bulaklak na hindi namin alam kung sino.





"Titignan ko muna. Ako muna ang mauunang magbasa" saad ni luke sa kapatid niya at tumayo para hindi makuha ni Aira ang bulaklak na may letter.





"Nakainis ka kuya naiinggit ka na naman kung si ate Natalie na lang kasi ang bigyan mo ng bulaklak para hindi muna kailangan agawin sakin yan" naiinis na saad ni Aira sa kuya niya sabay upo. Natigilan naman si Luke kaya dali dali niyang binigay kay Aira ang bulaklak na galing doon sa lalaking hindi namin kilala.





"Si ate Nalatie lang pala mapapatigil kana" natatawang saad ni Aira napatawa naman ang ibang mga lalaki napatingin naman ako kay Natalie na namumula ang mga pisnge





"Kanino ba galing yan Aira" nagtatakang tanong ni Irish sa kaniya.





"Aba. Malay ko ba" nambabarang saad ni Aira napasimangot naman si Irish sa sinagot nito.





"Oo nga kanino ba galing yan" parang naiinis na saad ni Bryle napatingin naman sa kanya si Aira na nakataas ang kilay.





"Kung alam ko lang di sana sinagot ko na" saad ni Aira na nakapagpabago ng mukha ni Bryle. "Joke lang" pahabol na saad nito.





Dear: Princess Aira

I just wanted to let you know that i really like you since I saw you. I just can't say it to you in person, I wish I could tell you someday.

                   Love your secret admirer R.





"Whoaahh. Nakakakilig naman" kinikilig na saad ni Chesca. Binasa kasi ni Aira ang letter kinikilig din siya habang binabasa niya iyon.





"Di hamak na mas pogi ako doon" seryosong saad ni Bryle sabay tayo upang umalis napatawa naman ako ng mahina dahil sa inakto niya.





"Bakit ka tumatawa" saad ng katabi ko kaya napatigil ako sa pagtawa. Napatingin naman ako sa kanya.





"Wala lang" saad ko ng nakangiti ang nagsalita lang naman ay si Alex.





"Nangyari doon" nagtatakang saad ni Aira.





"Tsk! Manhid nga naman" iling iling na saad ni Brix yung iba naman nag kabit balikat. Nagpatuloy na lang yung iba sa pagkain. Last subject na namin ngayon dahil hindi na nagklase ang ibang guro namin ngayon.





Naglalakad kami sa hallway katabi ko si bunso habang katabi naman niya si Franz sa kaliwa bigla na lang may tumabi sa akin napatingin naman ako doon si Alex lang pala.





"Yung jacket ko pala sa iyo na" saad niya na hindi inaalis ang tingin sa dinadaanan. Hindi ko pa kasi nasasauli ang jacket niya noong ikinumot  sa akin.





THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon