CHAPTER 51

112 6 0
                                    

Lumapit akong muli kay Tacia na ngayon ay nakakalong na ang kalahating katawan niya kay Brix na umiiyak alam kung mahal na mahal niya ang kapatid ko. Ramdam ko naman na lumapit sa gawi namin si Reyna Natacia ang diyosa ng lahat ng mga reyna. Hinawakan niya ang mga kamay ko kaya tumayo ako at hinawakan din ang kamay niya na nakikiusap na buhayin ang kapatid ko. Gusto kong magsalita kaso walang lumalabas sa aking bibig iyak lang ako ng iyak. 







"Ako ng bahala pumunta ka na doon kay Felix" pagaalo nito sa akin unti unti naman akong tumango bilang tugon at bumalik kung saan nakatayo si Eli kasama niya ang anak namin na umiiyak din.







"I-nay hu-wag ka pong iyak" may luhang saad ng anak namin kaya napangiti ako sa kaniya at hinalikan ang mga pisnge niya kumalma naman ako ng halikan ako ni Eli sa noo. Kita namin ang paghawak ni reyna Natacia na ginagamot si Tacia.  Nagliliwanag ang mga kamay nila na tiyak kung dumadaloy ang lunas sa mag kamay nila. Matapos ang ilang minuto ay umalis na si reyna Natacia kung saan nandoon ang mga prinsesa at prinsepe. Lumapit ako kay Reyna Natacia at yumakap sa kaniya.







"Salamat po Goddess Natacia" paghingi ko dito ng pasasalamat tinapik lang niya ang likod ko at kumawala sa yakap niya. 







Humalera naman kaming lahat at sinenyasang si Ellena na aalis na kami nakangiti siyang tumatango ngumiti lang din ako sa kaniya. Bawal kaming magtagal dito dahil unting oras lang nakalaan sa amin. 







"Bun-so" tinig na narinig ko kaya napatingin ako doon lumapit ako sa kaniya at niyakap siya yumakap din siya sa akin.







"Bu-nso miss na miss ka na ni Ate" naiiyak na saad ni Ate sa akin.





"A-te ako din miss ko na ikaw, kayo, lahat kayo" may ngiting saad ko sabay tingin sa kanilang lahat nakangiti sila sa akin ngumiti lang ako bilang sagot. kumalas ako sa pagyakap kay ate at hinila siya papunta kay kuya Alex.







"Alagaan mo ng ayos ang Ate ko mahalin mo siya ng buo huwag na huwag mong sasaktan ang Ate Anne ko kahit hindi kami magkapatid mahal namin ang isat isa. Mangako ka na hindi mo paiiyakin si Ate.... Kuya Alex..."nakangiting saad ko kita ko naman na gulat siya sa sinabi ko.







"Pangako aalagaan ko si Anne at mamahalin ko siya ng buo. Hindi ko maiipangakong  paiiyakin siya ngunit paiiyakin ko siya sa saya. Sor--ry Alicia" saad nito at mabilis akong niyakap. "Sorry kapatid ko pasensiya kana sa nagawa ni Kuya" paghingi nito ng pasensiya sa kain kaya tinapik ko lang ang likod niya.







"Ayos lang kuya wala na yun. Basta yung bilin ko ha" saad ko kita ko naman ang pagtataka niya ngumiti lang ako para iparating na ayos lang ako. Lumapit naman ako sa mga prinsesa at prinsepe na magkakasama.







"HOYYY!! Huwag nga kayong umiyak para kayong mga ewan. Una sa lahat napatawad ko na kayo at wala na yun sa akin alam ko na alam niyo na ang dahilan kaya hindi ko na sasabihin pa ulit. Pangalwa kayong lahat mahalin niyo ang mga kasintahan niyo at oo nga pala maligayan pagbati dahil natapos niyo ang inyong pagkatuto."nakangiting saad ko lumapit naman sa akin ang mga prinsesa na umiiyak at dinambahan ako ng yakap kaya napatawa na lang ako. Matapos iyon ay nginitian lang ako ng mga prinsepe. Nabaling ang tingin ko kay Franz na katabi ni Irish na pangiti naman ako. Lumapit ako sa kaniya.







"ka-musta"paunang bungad ko ngumiti naman siya sa akin kaya ngumiti lang ako sa kaniya. Nagulat ako ng yakapin niya ako kaya niyakap ko din siya.







"Miss na miss kita A-licia"bulong niya sa akin ngayon ko na lang ulit narinig ang mga boses niya. "Sor-ry hindi ko a-lam. Pata-warin mo ko. Mahal ki-ta"nagulat ako sa sinabi niya ngunit bakit ganoon wala na akong nararamdamang kakaiba hindi katulad noon kapag sinasabihan niya ako ng ganoong salita. Kumalas ako sa yakap sa kaniya at ngumiti lang kita ko naman na may luhang pumatak galing mata niya kaya pinunasan ko iyon.







THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon