"Mahal na hari ang mahal na reyna manganganak na" wika ng isang tagasilbi
"Tawagin ang pinakamagaling na komadrona" sigaw ng hari na nagmamadaling tumungo ng silid kung saan nandoon ang reyna.
"Ahhh ma-hal manganganak nako" nahihirapang wika ng reyna nilapitan naman ng hari ang reyna.
"Mahal ko parating na ang komadrona" wika ng hari sa kanyang mahal na reyna.
"Mahal na hari at mahal na reyna" magalang na saad ng bagong dating na komadrona.
Pumuwesto na ang komadrona ganon din ang reyna samantalang ang hari ay nasa ulohan ng reyna habang hawak hawak nito ang kamay ng reyna.
"Mahal na reyna umiri lang po kayo" wika ng komadrona at ginawa naman ng reyna.
"Ahhhh"
"Isa pa po mahal na reyna nakikita ko na ang ulo ng sanggol" nagagalak na usal ng komadrona.
"Ahhhhhhh!!!" nahihirapang umiri ang reyna ngunit natagumpay naman ang paglabas ng sanggol sa sinapupunan ng reyna. Narinig nila ang isang tinig ng batang sanggol at doon natahimik ang komadrona na di alam ang gagawin sa nasilayan niya.
"Bakit manang Ala at kayong natahimik" saad ng hari sa komadrona. Napatingin naman ang komadrona sa hari at muling binaling ang tingin sa sanggol.
"Mahal na reyna at hari ang pangalawa niyong anak ay isang prinsesa. Siya ang itinakda ng propesiya ang pinakamalakas sa lahat at ang magliligtas ng ating mundo" litanya ng komadrona habang pinagmamasdang mabuti ang prinsesa.
Tumayo ang hari at kinuha ang sanggol sa komadrona, tama nga ang sabi ng komadrona "The Prophecy"
"Siya ang magwawakas ng lagim ng dilim at tatapos sa digmaan laban sa mga masasama" pahabol na saad no komadrona.
Bhogsss......
Isang malakas na pagsabog ang naganap sa labasng palasyo. At doon pumasok ang isang kawal na hingal na hingal.
"Mahal na hari at reyna nilusob po tayo ng kalaban" nagmamadaling saad ng isang kawal.
"Magsikilos at maghanda kayo. Tawagin din ang malalakas na hukbo sa kabilang kaharian" sigaw ng hari sabay tingin sa asawa niya na hawak ang anak na babae.
"Ina! Ama! Nasan po ang aking mahal na kapatid" tumatakbong saad ng batang lalaki na kapapasok pa lang ng silid.
"Anak kailangan ng iyong kapatid na magtago at malayo dito" malungkot na wika ng hari sa anak na batang lalaki.
"Pero Ama!--" hindi naituloy ng prinsepe ang sasabihin ng magsalita ang reyna.
"Asawa ko ayoko mawalay sa prinsesa natin" naluluhang saad ng reyna sa asawang hari.
"Mahal ko kailangan nating mailayo dito ang prinsesa natin para hindi siya mapahamak sa mga masasama" nagsusumamong saad ng hari sa reyna.
"Ngunit kanino natin siya ipagkakatiwala at saan natin siya dadalhin" saad ng reyna at hinalikan ang noo ng prinsesa. Magsasalita na sana ang hari ng pangunahan siya ng komadrona.
"Mawalang galang na po mahal na reyna, hari at prinsepe ako na po ang bahala sa inyong mahal na prinsesa. Makakaasa po kayo sakin na aalagaan ko ang prinsesa" pagkombinsi ng komadrona.
"Sige ipagkakatiwala namin sa iyo ang aming munting prinsesa" saad ng reyna at bumuntong hininga bago ipagpatuloy ang sasabihin "Ang ngalan niya ay Shanatacia Alicia Lithacia" pahabol na saad ng reyna. Tumango namana ng komadrona.
"Aalis na po kami" saad ng komadrona at kinuha ang bata bago gumawa ng portal upang doon magtungo.
Bhogssss........
Isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa labas. Kaya lumabas ang hari at reyna para makipaglaban din. Maayos na ang lagay ng reyna dahil ginamot na ito ng mga healer.
"Hahahaha! Nagkita din tayong muli hari ng liwanag gayon din sayo mahal na reyna" malademonayong saad ng hari ng kadiliman.
"Ano na naman ang kailangan mo at gumagawa ka ng gulo" malamig na saad ng hari ng liwanag. Ngunit hindi man lang nagpatinag ang hari ng kadiliman.
"Naparito lang naman ako dahil gusto kong makuha at mapatay ang prinsesa" ngising saad ng hari ng kadiliman.
"Wala na ang aming anak may kumuha sa kanya at hindi namin alam kung sinong nilalang" madramang saad ng reyna para paniwalaan siya ng hari dahil gusto niyang maligtas ang kapakanan ang munting prinsesa nila. Subalit isang malaking ngisi ang ibinigay ng hari ng kadiliman sa kanila.
"Kung ganon nagtagumpay ang aking mga plano. Hahhahaha" halakhak ng hari ng kadiliman na nagpagulo sa kanilang lahat.
"Anong pla-no" tila naguguluhang saad ng hari ng liwanag. Isang malakas na tawa lang ang binigay ng hari ng kadiliman at naglaho na ng parang bula.
Hindi nila alam na traydor pala ang komadronang pinagkatiwalang ibigay ang munting prinsesa.
Subalit,
----------------------------------------------------------
VOTE&COMMENT
thank you po and love you all..
Follow me on my social media accounts
Fb: Joanna Robante
Ig: @mayamjvr
Twitter: joannarobante
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...
