CHAPTER 50

97 4 8
                                    


"ELI "AT "ALI." rinig kong saad ni ate Anne kaya lahat sila napatingin sa kaniya na nagtataka. Napa iling naman ako humarap ako doon kay haring Arnold na ngayon ay katabi niya ang anak niya na si Prince Leron. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid upang hanapin siya ngunit hindi ko makita.



"Hinahanap mo siya. Haha. Sorry na lang naunahan na kita pinatay ko na nangangati na kamay ko" ngising saad ni Ellena buti naman akala ko maaabutan ko pa si Rica.



"Matagal tagal ang hindi natin pagkikita haring Arnold. Kamusta ka na" may ngising saad ko dito. Nakita ko naman nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.



"At sino ka. Hindi nga kita kilala" barabas na saad nito kaya napatawa na lang ako.



"Ako! Hindi mo kilala" Nangaasar at ngising saad ko.



"At bakit sino ka nga ba" ngising saad ng anak niya na si Leron. Napangiti naman ako yung ngiting na pagkatamis tamis. Lumapit ako kay Leron at hinawakan siya sa balikat at umikot sa likod niya hanggang harap niya na may ngiti sa labi para naman akong nang aakit nito. Lumapit ako sa tenga niya at kinagat iyon. Pansin ko naman na napalunok siya.



"Hindi mo talaga ako kilala Darling" lambing na saad ko na tiyak kong malalaman niya kung sino ako may nag-iba kasi sa akin kaya hindi nila ako mamukhaan.



"Hoy babae! Lumayo ka na dyan kung ayaw mong maghalo ang langit at dagat" na rinig kong saad ni Ellena na tumatawa pa kaya na baling ang tingin ko sa kaniya na nakanguso kaya sinundan ko iyon at patay nakalimutan ko na kasama nga pala namin siya. Kita ko naman ang dilim ng tingin niya kaya napalunok ako hindi ko ipinahalata na natatakot ako sa tingin niya. Lumihis ako ng tingin at nakita ko pa rin si Ellena na tumatawa.



"Gusto mong malaman kung sino siya. Kasintahan ko siya!" Madidiin na saad nito kay Leron at hinila ako palayo sa kaniya. "Ayoko ng maraming satsat umpisahan na natin ang laban" malamig na saad nito at siyang bitaw ng braso ko. Narinig ko pang tumatawa si Ellena na nangaasar kaya sinamaan ko siya ng tingin.



Ngumisi naman ang mag-ama na pa iling na lang ako. Tignan natin kung hanggang saan ang labanan na ito. Nagsenyasan na kami upang simulan ang laban. Ang aming anak naman ay naglaho na, tiyak kong may pakulo na naman iyon. Si Ellena naman ay nakikipaglaban na masasabi ko na mas gumaling ang mga galawan niya dahil pinagsanay ko muna siya bago makabalik dito. Tumingin ako sa mga estudyante na nanghihina na at bawat isa nilagyan ko ng panangga upang hindi na sila salakayin ng sino mang kalaban. Ang mga prinsepe at prinsesa ay maayos ayos pa naman na tiyak kong kaya pa nila. Ganoon din ang mga hari at reyna ngunit na pansin ko na nanghihina na si reyna Ana kaya palihim ko siyang ginamot ng hindi na papansin ng iba.



"Kaya niyo pa ba?" malamig na tanong ko sa kanila nagkatinginan naman sila at unting unting tumango. Sinenyasan ko sila na ituloy ang naudlot na digmaan.



Napangisi naman ako sa aking nakikita ang galing talaga ng anak namin nakakabilid na ang sagradong batang prinsepe ay napatumba ng ilang minuto ang kalaban ng walang hirap. Nakita ng aking mata na nakikipaglaban ang aking hari napangiti naman ako, tiyak kong kaya niyang mapatumba ang prinsepe ng kadiliman. Hinarap ko naman si Haring Arnold na siyang nakabangla lang sa mga naglalaban. Mabilis ko siyang tinira ng nagyeyelong tubig nabigla naman siya at hindi inaasahan ang aking pag-atake. Ngumisi naman siya at nagpalabas ng bolang apoy upang ipatama sa akin ngunit na ilagan ko iyon. Ilag lang ako ng ilang sa mga tirang pinapakawala niya na hindi lumalaban papagudin ko muna siya bago ako magsimula.



"Hanggang ilag ka na lang ba" barabas na saad nito at naglabas ng espada na nag-aapoy. Inantay ko na lang ang pag-atake niya nabigla naman siya sa ginawa ko, naglaho ako at napunta sa likod niya pinaso ko lang naman ang balat niya ngunit hindi ko inaasahan na masasanggi niya ako kaya napalayo ako sa kaniya kita ko naman ang napakasamo niyang mga ngisi.



THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon