SPECIAL CHAPTER ALEX&ANNE

54 0 0
                                    

Pababa ako ngayon ng hagdan upang hanapin ang mag-aama sukat ba naman iwan ako sa aming silid ng walang paalam. Naabutan ko naman ang mga tagasilbi na nagaayos ng hapagkainan kaya tumulong na lang muna ako. Hindi ako sanay nang walang ginagawa kaya kusa na lang akong tumulong ayaw pa nga nila akong patulungin magagalit daw ang aking hari, ngunit ang sabi ko na lang ay ako na bahala. Matapos maghanda ay hinanap ko na  sila. Nakasalubong ko naman si Ellena nandito na siya sa palasyo namin isang buwan na gusto niya lang dumalaw at sa nakikita ko malaki ang pinagbago ni Ellena. Mabait naman talaga siya sadyang kinain lang siya ng galit at pagkatakot na mawala ang mga mahal niya sa buhay. 


"Magandang umaga Reyna Anne. Uyy!!! gandang pakinggang" natatawang bungad niya sa'kin nakitawa na lang ako at umiling pa.


"Kumain ka na doon hanapin ko lang ang mag-aama ko" saad ko at nilampasan na siya tumango naman siya bilang sagot.


Nagtungo ako sa hardin tiyak kong nandoon lang sila dahil lagi naman silang nag-eensayo doon. Naabutan ko nga sila na nakikipaglaban sa ama nila. Sa nakalipas na taon ay mag dalawa kaming anak ni Alex kambal pa nga ito isang lalaki at ngalan niya at Froylex at ang babae naman ay Freylanne. Ang laki ng pinagbago nila dahil mabibilis na ang mga galawan at kilos nila ang ama lang naman nila ang nagtuturo sa kambal ayaw ng ama niya na iba nag magturo sa kanila. Pagdating sa ensayo napakaseryoso ng dawala alam na alam na nila ang mga teknik at sobrang maalaga si Froy kay Frey buti nga hindi nag-aaway ang dalawa lagi din silang magkasundo. Hindi ko muna sila inabala at naupo sa upuan na malapit sa'kin nangangalay din ako. Nanonood lang ako sa kanila napangiti naman ako at hinawakan ang malaking umbok ng aking tiyan. Oo may dinadala na naman ako sa aking sinapupunan. Abay gusto pang humirit ng isa pang anak ang aking hari at ako naman syempre pumayag din ayokong tumangi ng grasiya eh. Hindi ko namalayan nanasa harap ko na pala sila.


"At anong nginingiti ngiti ng aking magandang asawa na reyna ko"  malambing na saad ni ALex at hinalikan ako sa pisnge napasimangot naman ako ng maalala na iniwan nila ako kanina. Inirapan ko naman siya at nabaling ang atensyon sa kambal. 


"Oppss. Mommy huwag mo po kaming yakapin dalawa ni kuya amoy pawis kami baka mahawa si baby" pagbabawal ng anak naming babae narinig ko naman na tumawa si Alex. kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"pakiss na lang"simangot na saad ko. Kiniss naman nila ako sa pisnge at lumayo agad. Inalalayan naman ako ng aking asawa.


"At bakit niyo ako iniwan kanina sa silid" taas kilay na saad ko


"Mahal ko. Ayoko naman na abalahin ang pagtulog mo. Kailangan mo ng pahinga lalo na't malapit mo nang isilang ang pangatlo nating anak" paliwanag nito inismiran ko lang siya at inalalayan niya na ako nakasunod naman ang kambal sa'min. Sinabihan ko naman sila na magpalit muna dahil amoy pawis sila matapos iyon ay sabay sabay na kaming kumain.







Kami ngayon ay magtutungo sa kaharian nila Tacia dahil kaarawan ngayona ng anak nila ayaw pa nga sana akong papuntahin ng inang reyna dahil kabuwanan ko na daw ngunit sinabi ko na kaya ko pa naman at ayokong mawala sa araw na iyon. At ang kambal kanina pa kulit ng kulit na gusto na nilang makita ang mga batang prinsesa at prinsepe. 


"Buti naman nakapunta kayo. Akala namin hindi na kayo dadalo"bungad na bati sa'amin ni Brix at nakikamay pa kay Alex.


"Gustuhin ko mang hindi pumunta kaso masyadong mapilit si Anne ayaw niyang mawala sa kaarawan ng anak niyo"busangot na wika ni Alex tinawanan lang siya ng mga lalaki at hinanap ng mata ko ang ilang mga babae dahil si Tacia at Natalie lang ang nakita ko.


"Nasa loob ng pasilyo sila Ate. Halika na sa loob at ang kambal ayun pinuntahan na ang mga prinsesa at prinsepe" nakangiting saad ni Tacia at inalalayan naman ako. Iniwan namin ang mga lalaki doon at kaming nagtungo kung saan nandoon ang iba pa. Hindi pa man ako nakakalapit ay nakarinig na ako ng malakas na tili.


"Oh diba sabi ko na sa inyo pupunta sila Ate Anne eh" tili ni Aira at ang gaga tumalon pa pinigilan naman siya ni Irish dahil may dinadala din ito sa sinapupunan niya ngunit hindi pa naman malaki ang umbok ng tiyan niya sadyang ang ligalig din. 


"Hindi ka pa din nagbabago ang ingay mo pa din" natatawang saad ko at lumapit sa kanila at humalik sa mga pisnge nila. Inirapan lang naman ako ni Aira na ikinatawa ko ulit.


Nagsalo-salo lang kami at ang mga batang prinsepe at prinsesa ay masayang naglalaro. Iginala ko naman ang tingin ko sa paligid at doon ko nakita ang isang bulto na palapit sa'akin kaya napangiti lang ako. Matagal na panahon din kaming hindi nagsama-sama at nagkita dahil may kaniya kaniya kaming mga buhay pamilya na. Kung ako at si Alex ay mag kambal at meron pang isang isisilang na supling. Si Luke at Natalie ay may isa na ding anak na babae. Samantalang sina Tyler at Chesca ay may isang anak din na lalaki. At sina Aira at Bryle ay may isisilang din na isang supling. Sadyang sila Daniel at Irish na namumuhay na magkasama. At syempre ang aking itinuring na kapatid na si Alicia at ang Bathalang si Eli ay may dalawang anak na lalaki at babae.


"Kamusta ate at na saan ang kambal"saad ni Alicia at humalik saking pisnge kadarating lang nila kaya pala hindi ko siya nakita kanina.


"Maayos naman ako. Eto nga at malapit ng lumabas ang pangatlo naming anak. At ang kambal nasa hardin kasama ang mga batang prinsepe at prinsesa"nakangiting saad ko at hinawakan ang tiyan ko.


"Grabe talaga si kuya dapat kasi hindi na kayo nagtungo dito. Hindi niya ba naiisip ang sitwasyon mo" may inis na saad nito kaya napatawa naman ako. Magsasalita na sana ako ng makisabat naman si Alex.


"Hoy! Alicia narinig ko ang sinabi mo at saka ate mo naman ang makulit na gustong magpunta dito. Ayoko nga sana magpunta at ang sabi din ni ina na huwag na kaming pumunta sadyang makulit ang ate Anne mo"pagtatanggol nito sa sarili niya napailing naman ako.


"Gusto ko din namang magtungo dito at nabuburyo na ako doon" saad ko at naupong muli dahil mabilis nga akong ngalayin tinulungan naman ako ni Alicia na maupo.


"Ahmm. may gusto nga pala akong sabihin sainyong lahat" agaw pansin ni Irish kaya natahimik kaming lahat at nakatuon ang atensyon sa kaniya maging ang mga dating hari at reyna ay napabaling din sa kaniya.


"Ano iyon aking mahal na reyna"lambing na saad ni Daniel at lumapit kay Irish kita naman namin na namula ang pisnge niya kaya natawa ako ng mahina. 


"Ahhmm.. A-no kasi. A--no. Ahmm. May laman na yung tiyan ko..... Ahmm.. ang ibig kong sabihin ay may sanggol na sa sinapupunan ko" nauutal ngunit may ngiting saad niya nagulat naman kami sa sinabi niya pati na din ang magulang niya ay napatayo. Napatingin naman ako kay Daniel na hindi makagalaw at laglag ang panga sa narinig niya at kalaunan ay sumagi sa isip niya ang sinabi ni Irish.



"Ta-laga... M-eron ng laman" Hindi makapaniwalang saad ni Daniel unti-unting tumango si Irish bilang sagot. 


Dobleng selebrasyon ang naganap kanina at lahat kami ay masayang nagsalo-salo. Sobrang nasasabik na ang mga magulang nila Daniel at Irish dahil may isang supling na naman ang madadagdag sa mga apo nila. Hindi na kami pinauwi ng kaharian namin dahil hating gabi na at ayaw din naman ni Alex na maglakbay kami ng ganitong oras baka mapahamak pa daw ako.


"Mahal magpahinga ka na muna ako nang bahala sa kambal. Tatabihan kita dito mamaya"malambing na saad nito sa'kin at humalik muna tumango na lang ako bilang sagot at nahiga na dahil napagot din ako kanina.


-----------------------------------
-----------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon