"Kailan ka babalik. Taon na ang lumipas kailangan mo ng bumalik doon" saad ni Eli sa akin. Sa nakalipas na taon hindi pa ako nakakabalik sa akademya. Tiyak ko na nalaman na nila ang nakaukit sa ikalawang propesiya at madami na din nagbago lalo na sa akin. Alam ko naman ang mga kilos nila doon alam ko na nag-aalala na sila kung na saan ako ngunit hindi pa ako makakabalik doon dahil hindi pa ito ang takdang panahon. Alam ko na ang aking totoong ina at ama ay nag-aalala na ngunit hindi pa ako handang bumalik doon dahil kailangan pa ako dito.
"Hindi ko alam. At saka mahalaga ng tungkulin ko dito" sagot ko sa kaniya. Nabaling ang atensyon namin sa paslit na tumatakbo papunta sa gawi namin.
"Inay at ama" tawag pansin nito at kumapit sa binti ko kaya napangiti naman ako.
"Ano iyon batang prinsepe" nakangiting saad ko dito at lumuhod upang makapantay sa kaniya.
"Ang galing ko po kanina nag ensayo ako kasama si tiyo Arnoux" may tuwang saad nito.
"Mabuti kung ganoon magpapalit kana ng iyong damit kay aya" nakangiting saad ko at humalik naman siya sa pisnge ko ganoon din kay Eli. Sa nakalipas na taon may isang supling na aking isinilang noong una hindi ako makapaniwala ngunit ng ipaliwanag sa akin ni inang reyna na si Natacia ay ipinagtagpo kami sa panaginip ni Eli at ang batang prinsepe ang bunga natuwa ako dahil hindi ko inaakala na magkakaroon ako ng makulit at mapagmahal na anak.
"Malaki na si Frelix. Kailan natin siya dadalhin sa akademya" saad ni Eli at niyakap ako patalikod ipinatong naman niya ang kaniyang baba sa balikat ko. Sa dami ng nangyari noon bumalik kami dito sa kaharian ng mga bathala ay inamin niya sa akin na ako pa rin daw ang laman ng puso niya. Noon una naguluhan ako dahil mahal ko pa si Franz kaso yung pagmamahal na iyon ay unting unting nawala naramdaman ko na lang isang araw na mahal ko na si Eli. Oo noong nasa kabilang mundo kami mahal ko siya kaso bata pa kami noon at ngayon mahal na mahal ko siya kaya nga kami biniyayaan ng isang batang prinsepe. Ang pangalan niya ay Frelix Axle Zedon ang sagradong batang prinsepe ng mga Bathala may basbas kasi siya ng mga Bathala kaya ganoon ang tawag sa kaniya.
"Saka na kapag natapos na natin ang tungkulin dito" nakangiting saad ko. Hinila naman niya ako hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin hindi ako nag-apila at nagpahila lang ako sa kaniya. At natunton namin ang hapag kainan na puno ng mga pagkain.
"Halina't kayo at tayo ay kumain na" bungad sa amin ni Inang reyna Natacia. Pinaghila naman ako ng upuan ni Eli at ako'y na upo na. Nagsimula na kaming kumain katabi ko ngayon ang anak namin ilang taon na ang lumipas apat na taon na siya at mas mabilis ang panahon dito sa mundo ng mga Bathala kaysa sa doon sa akademya. Noong una hindi ko maunawaan pero pinaliwanag namn sa akin nila na mabilis lang lumubog ang araw at sumikat kaya ganoon kabilis.
GABI na at nililinisan ko ng katawan ang anak ko nang may bumukas ng pintuan. Alam ko naman na ang tatay niya iyon. Binihisan ko ang anak ko na kanina pa nagmamaktol dahil ayaw niya nang magpalinis sa akin kasi malaki na daw siya.
"Naririnig ko kayo. Anong pinagtataluhan ng mag-ina ko" nakangiting usal ni Eli na ngayon ay nakaupo na sa katre na higaan.
"Ita'y si ina kasi sabi ko ako na maglilinis ng sarili ko dahil malaki na ako" simangot na ungot ng anak namin kaya napailing na lang ako at natawa ang ama niya.
"Ohh. Ang batang prinsepe nagmamaktol na dahil malaki na daw siya" nangaasar na saad ni Eli sa kaniyang anak.
"Ita'y naman" ungot ng anak namin. Tumawa lang ang ama at nahiga na sa katre tumabi naman ang anak niya at sinenyasan ako na mahiga na. Sa gitna namin ang anak namin dahil minsan tabi tabi kaming matulog.
KINABUKASAN nagising na lang ako dahil sa ingay kaya unti-unti kong imunulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang mukha ng mag-ama.
"Magandang umaga ina" nakangiting saad ng anak namin at hinalikan ako sa pisnge.
"Magandang umaga aking reyna" malambing na usal ni Eli at ako'y hinalikan sa pisnge din.
"Magandang umaga sa aking mag-ama" nakangiting saad ko sa kanila
"Ang ganda ganda mo talaga aking ina. Kaya mahal na mahal ka ni ita'y" tukso sa ng anak namin sa akin. Kaya napatawa na lang kami sa inasal ng anak namin.
Nandito kami ngayon sa malawak na lupain kung saan nag-eensayo ang aming anak. Tinuturuan siya ng mga nagtuturo sa kaniya dahil kailangn niyang mag-ensayo dahil siya ang sagradong batang prinsepe kaya bata pa lang ay kailangan niya nang turuan. Masaya ako habang lumalaki ang anak namin ay may kabaitan din naman ito kaso makulit din. Minsan sinusuway niya ang utos ko pero kapag sa ama niya hindi niya magawa dahil natatakot daw siya sa ama niya nakita niya kasi itong magalit noon sa mga kawal dahil sa maling nagawa ng kawal at ayun nga natakot si Frelix sa ama niya at noong araw na iyon ayaw niya sa ama niya dahil mukha daw dragon na sasabog. Napatawa naman ako ng maalala ko yun.
"At ano ang tinatawa ng aking reyna" saad ng taong nasa likod ko at alam ko naman na siya iyon at siya lang ang tumatawag sa akin ng ganoon.
"May naalala lang ako" natatawang saad ko.
"At ano naman iyon" malumanay na saad nito at tumabi sa akin.
"Naalala ko lang noong natakot sayo ang anak mo at tinawag ka pang dragon" natatawang saad ko ngunit nanahimik ako ng halikan niya ang labi ko.
"Tatahimik ka rin pala. Siya nga pala kanina pa nag-eensayo ang anak natin. Hindi ba siya napapagod"saad nito at binaling ang tingin sa anak namin na nag-eensayo pa.
"Ayaw magpaawat. Samahan mo kaya siya at ikaw naman ang mag turo" saad ko at nakabaling na rin ang tingin sa anak namin. Tumayo naman siya at pinuntahan kung saan nakapwesto ang anak namin. Napatigil naman ang anak namin at yumuko lang ang nagtuturo sa anak namin upang magbigay galang kay Eli.
Sinenyasan naman ni Eli na siya na ang bahala sa anak namin at umalis na ng nagtuturo. Ipinagpatuloy lang ang mag-ama ang pag eensayo at natutuwa ako sa nakikita ko. Mabilis ang mga kilos at galaw ng anak namin ang bilis niya lang din kasing matuto ngunit gusto niyang lagpasan pa doon.
Ano kaya ang magiging reaksyon nila at ng totoo kong magulang na may anak na ako. Isa ito sa pinangangambahan ko na baka malaman nila na may anak na ako na siyang dapat na malaman talaga nila. Ano din kaya ang magiging reaksyon niya kung sakaling magtagpo ang mga landas namin at makita niya na may anak na ako sa may iniibig na din. Alam kong pareho kaming nasaktan dahil sa maling nagawa ko at nagawa niya na hindi naman talaga namin nagawa dahil sinundan ko lang kung ano ang nakaukit sa libro.
Noong nalaman ko kung ano ang nakaukit sa libro hindi ko matanggap dahil nababasa ko lang masakit na paano pa kaya kung totoo na. Yung mga naganap sa akademya lahat ng iyon hanggang sa may pagpapanggap na prinsesa nakaukit iyon sa libro hindi ko sinabi kay ate Anne dahil alam kung mag aalala siya sa akin at sasabihin na huwag kung sundin ang nasa libro. Kung hindi ko kaya sinunod ang nasa libro kami pa rin ba ni Franz makikilala at malalaman ko ba na ang dati kong hinahanap na kaibigan ay si Aluxio at Eli ay iisa. Malalaman ba nila na ako ang prinsesa. Mabubuhay pa kaya si Tacia kung sakaling hindi ko nakilala si Aluxio. Magkakaroon kaya ako ng anak na tinatawag ng lahat na sagradong batang prinsepe. Magiging kami kaya ni Eli kung sa kaling hindi ko sinunod ang libro ng propesiya. Na ngayon ay may ikalawang ukit na naman ang propesiya na magpapabago sa lahat.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasiaShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...
