CHAPTER 2 "ELI" & "ALI"

418 21 0
                                        

Ramdam na ramdam niya ang simoy ng hangin na sumasagi sa kanyang balat habang siya'y patuloy na naglalakad sa kanyang paroroonan. Nagiisa lamang siya ngayon dahil gusto niyang mamuhay ng mag-isa kahit sa sandaling panahon lang. Nakakita siya ng malaking puno kaya napasilong siya doon napaupo naman siya sa malaking ugat habang nakasandal ang likod sa puno. Iginala naman niya ang kanyang paningin sa paligid makikita sa mga mata at mukha ng mga tao na masaya,  malungkot at yung iba may pinagdadaanan gusto niyang maging normal na tao yung tipong nagagawa niya ang mga gusto niya. Iba kasi siya sa mga taong nakikita niya ngayon.

Napadako naman ang tingin niya sa taong kasing edad niya lang na tumatakbo dahil hinahabol ang bola nito at doon din niya napansin na may paparating na sasakyan sa kinaroroonan ng taong iyon,  kaya dali dali siyang tumakbo upang iligtas ang taong iyon. Hinila niya iyon at napatumba silang pareho sa kalsada.

"Ouch" daing nito ng niligtas ko. Iminulat naman niya ang mga mata nito at tumingin sa akin. Tumayo naman ako at tinulungan siyang tumayo.

"Are you okay" malamig kong usal sa kanya kita ko naman sa mata at mukha niya ang takot. Doon ko napagtanto na maling makitungo ang inasal ko.

" Oo o-kay la-ng" natatakot na tangong sagot nito habang yumuko.

"I'm sorry" tipid na saad ko gamit ang kalmadong boses hindi ko naman sinasadyang ganoong makitungo dahil ngayon lang ako naka encounter ng ganito. Unti-unti naman siyang tumingin sa akin at ngumiti hindi ko din alam kung bakit napangiti ako sa kanya na ngayon ko lang din ginawa.

"Come here" saad ko habang patungo malapit sa upuan dito at ramdam ko naman na sumunod siya sa akin.

Inilabas ko ang panyong nasa bulsa ko at itinali sa sugat niya sa siko.

"Thank you" saad niya habang nakangiti at sh*t ang ganda niya lalo sa malapitan. Inalis ko na ang tingin ko sa kanya dahil baka mapansin niyang tumitingin ako sa kanya. Tinanguhan ko lang siya bilang sagot.

Tahimik lang kaming pinakakaramdaman ang isat-isa at niisa nga sa amin ay hindi nagsasalita. Sadyang huni ng mga ibon at iingay sa paligid ang aming naririnig. Maya maya hindi niya na ata kinaya ang katahimikan sa amin ngayon kaya nagsalita na siya.

"I am 'ali' nga pala" saad niya kaya napatingin ako at siya nakangiti. Hindi ba siya napapagod ngumiti kanina pa kasi siya ngiti ng ngiti.

"Ali? I am 'eli'" saad ko sabay tingin ulit sa paligid.

"Wow ang galing naman ng name natin" makulit na saad niya. Magsasalita pa sana ako ngunit may nagsalita sa bandang gilid namin at doon ko naramdaman ang presensiyang mayroon ang nilalang na iyon.

"Bunso come here na we need to go home" saad ng babaeng dumating napatingin naman siya sakin at gulat ang naramdaman niya dahil halata sa kinikilos niya. Alam ko din na naramdaman niya ang presensiya ko. Tumayo naman si Ali at ngumiti sakin.

"Bye aalis nako and thank you nga pala ulit sa pagligtas mo sakin. Ahhh at sana magkita pa tayo" saad niya sabay ngiti at talikod sakin kasama noong tumawag sa kanya kanina. Pinanood ko lang silang umaalis hanggang mawala sa paningin ko.

Umalis na din ako sa lugar na iyon dahil kailangan ko na ding umuwi para makapagpahinga.


Habang tumatagal unti unti ko na ding natatanggap ang klimang may roon dito sa lugar na ito. Ilang buwan at nalalapit na din ang pagaalis ko sa lugar na ito. Maikling panahon lang ang ibinigay nila sa akin dahil may tungkulin pa ako na kailangan kong gampanan. Sana naging normal lang ako para nagagawa ko ang gusto ko ng walang limitasyong humahadlang.

Yung tipong katulad niya na nabubuhay ng masaya at nagagawa ang gusto niya na kailanmang hindi mangyayari sa akin.

"Hai Eli" isang sigaw ang nagpatigil sa akin na ikinalingon ko sa kanya. At sino pa nga ba. Ang babaeng mahal ko. Oo mahal ko nga siya kahit iba siya,  kahit bawal at kahit hindi naman kami pwede ewan ko kung bakit ako nagkagusto sa kanya. At bakit sa kanya pa?

"Nandito ka na naman" birong saad ko sa kanya ang sarap niya kasing asarin.

"Bakit ayaw mo bang nandito ako. Kung ayaw mo aalis na lang ako" malungkot na saad niya sabay talikod niya. Hindi pa man siya nakakahakbang ng ilang bakbang mabilis na hinatak ko siya at ikinandong sa lap ko sabay yakap sa kanya alam kong nagulat siya sa ginawa ko.

"Wala naman akong sinabi na ayaw kitang nandito nagtatanong lang ako. At sorry mali ata ang nasabi ko" malumanay na saad ko habang yakap pa siya gumanti naman siya ng yakap sakin kasi nakatagilid naman siya kaya nagawa niyang mayakap ako.

"Gusto lang naman kasi kitang makita dahil hindi ako nakakatakas sa amin" saad niya napangiti naman ako minsan lang kasi kami magkita pero sinusulit namin kapag nagkikita kami.

By the way nandito pala kami sa tree house namin na pinagawa ko talaga kasi gusto kong dito lagi kami magkikita kompleto naman ang gamit dito.

Nagkwentuhan lang kami at kumain ng magkasama lagi naman ganoon ang sitwasyon namin pero nalabas din kami ng patago dahil alam kong bawal siyang lumabas. Sobrang saya ko sa tuwing kasama ko siya at doon ko napapansin na nagiiba na pala ang ugaling mayroon ako dahil sa kanya.

Sa tuwing kasama ko siya napapangiti niya ako at napipilit niya akong gawin ang dating ayaw na ayaw ko. Kaso hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoong nararamdaman ko sa kanya kahit mga bata pa lang kami. Alam ko din naman na hindi pwede talaga kami dahil iba ako sa kanya at lalong hindi pwede dahil nalalapit na din ang pagaalis ko.

May sekreto din akong hindi niya alam dahil alam kung hindi siya maniniwala at hindi kapanipaniwala dahil iba nga siya at iba ako sa kanya.

"Uyyy kanina pa kita kinakausap" saad niya sabay pout kaya pinisil ko naman ang mga pisnge niya ang cute kasi.

"Youre so cute" saad ko kita ko naman na namula siya. Napatawa naman ako at siya lalong nag pout.

Bago matapos ang araw na iyon may binigay ako sa kanya na lightingbolt necklace, iyon ay galing pa sa ina ko na ibinigay sakin dahil ibibigay ko daw iyon sa unang babaeng mamahalin ko kahit iba siya. At lalo akong sumaya nang araw na iyon dahil may binigay din siya sa akin na half moon necklace tinanggap ko nga iyon  at iingatan ko.

---------------------------------------------------------
Follow me on my social media accounts:
Fb: Joanna Robante
Ig: @mayamjvr
Twitter: joannarobante

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon