CHAPTER 16- LEVELING (1)

217 12 0
                                    


Ang mga unang sasabak ay yung last section or tinatawag na copper class. Isa isa na silang nag uumpisa magagaling din sila ngunit kulang sa ensayo at sa galaw ng kanilang mga katawan ang babagal pa nila. Napatingin naman ako doon sa babaeng nakapikit hindi siya gumagalaw at ramdam ko ang presensiyang mayroon siya pinapakiramdaman niya ang paligid. Na patingin naman ako sa kabilang side at nakita ko doon ang lalaking tatamaan ang babaeng nakapikit. Ngunit na pasinghap ang lahat sa ginawa ng babae. Dahil noong pagmulat niya naglabas siya ng makaking water bender at iyon ang pinagbato niya sa lalaking titirahin sana siya.

"Whoooahhh" sigawan ng mga ibang estudyante. Ngunit ang mga royalties walang reaksyon syempre sanay na sila sa mga ganoon dahil kakaiba nga sila.

Nagpatuloy lang ang paglalaban ng ibang estudyante hanggang sa ikalawang hanay naman ang sumunod na tinatawag na silvery class pangalawang magagaling sa mga estudyangteng may kapangyarihan.

Magagaling din sila dahil karamihan sa kanila ay tumaas ang mga puntos at yung iba naman ay bigo dahil sa maling tira at maling pwersa ang nailabas nilang kapangarihan. Habang naglalaban ang iba sa kanila. Naramdaman ko na naman ang isang nilalang na iyon na kanina pa pagala gala dito. Kaya iginala kong muli ang aking mga mata at nakita ko nga siya na nakatayo malapit sa puno na at tiyak kong hindi siya makikita at mapapansin ng iba dahil abala ang mga tao dahil sa nagaganap ngayon.

"Whooaahhh" isang malakas na sigawan kaya nabaling ang tingin ko sa field dahil natalo ng isang babae ang kapwa niya babaeng user at sugatan naman ang babaeng nakalaban nito. Mataas ang nakuhang puntos ng babae kaya naghiyawan ang ilang mga estuyante.

"Ellena Vans 90" saad ni HM kaya nagpalakpakan ang lahat. Ngumiti naman ang babae maganda siya ramdam ko na may ugli siya.

"And last sa Golden section and royalties" saad ni Hm kaya bumaba na yung ibang naunang tinawag.  Ang mga royalties pala magkakalaban sila kasama kami ni ate doon pero may isa daw sa amin na may iba ang makakalaban. Dahil bunutan nga ang magaganap sa section namin. Bumaba na kami kung saan kami maglalaban laban. May mga una ng tinawag sa amin isa lang masasabi ko magagaling sila.

"Okay doon na tayo sa mas matataas na royalties.... Tinatawag ko si Roxanne Mendel and Prince Tylerion" tawag na saad ni HM napatingin naman ako kay ate at nginitian siya na alam kong siya lang ang makakita sunuklian din niya ako ng ngiti.

"Good luck sa inyong dalawa" nakangiting saad ni Tacia

"Go!!! go!! kaya niyo yan" maingay na saad ni Aira

"Hoy! Tyler hinay hinay lang babae yang kalaban mo" pagpapaalala ni Luke pero bakit naman siya na ngangamba ehh alam kong malakas si ate dahil nakita ko na din ang taglay ng kapangyarihang mayroon siya. 

"Goodluck" sabay na saad ni Natalie at Irish

Bumaba na sila mismo sa stage kung saan doon sila maglalaban. tumingin ulit ako kay ate at napapansin kong kinakabahan siya dahil hindi pa naman siya sanay na may makakalaban na mas malakas sa kaniya at alam kong kaya naman iyon ni ate. Nandoon na sila sa pinaka gitna mga sampung hakbang ang layo nila sa isat isa. Sumenyas na si HM hudyat na simulan na sila ang labanan. Ngunit walang gumagalaw sa kanilang dalawa kaya pinakiramdaman ko si ate.

"what happened ate"tanong ko sa isip niya na tiyak kong kami lang ang nagkakaintindihan dahil alam kong makakabasa ng isipan ang iba sa mga royalties.

"Hindi ko malabas at pinakikiramdaman ko kapangyarihan niya diba Earth Tremor ang kapangyarihan niya" nangangambang saad ni ate.

"Yeah. concentrate yourself and close your eyes then realize your power  I feel it" seryosong saad ko kay ate lumingon siya sa akin at isang ngiti ang binigay ko sa kanya para pagaanin ang kalooban niya.


THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon