CHAPTER 32

146 7 8
                                        

Nasa isang silid kami na puno na ibat ibang sandata at masasabi ko na parang isang training room ito dahil sa mga kagamitan na nakadisplay sa paligid.




"Buti naman ay nandito na kayo" bungad na saad sa amin ni Amadeo napatingin naman kami sa kaniya at kasama din niya yung dalawa niyang anak. Napatingin naman ako doon sa nagngangalang Aluxio sa napapansin ko may itsura nga siya hindi ko alam kung bakit parang naramdaman ko na ang presensiya niya ngunit hindi ko alam kung saan.




"Staring is rude baby" saad ng isang nilalang sa aking isipan. Kaya nabalik ako sa ulirat nakita ko naman na nakangisi si Aluxio sa akin kaya nag iwas ako ng tingin. Tsk baby baby pa siyang nalalaman hindi naman ako sanggol.





"Ohh. Ito na pala ang inaantay ninyo" saad ni Amadeo na nakatingin sa likod namin. Kaya humarap kami kung saan nandoon ang pinuntahan namin dito. Nakabalabal din na dilaw ito at natatakluban naman ang kaniyang mukha.





"Ikaw po ba si Tandang Tasno" magalang na tanong ni Irish. Hindi ko siya madalas kausap dahil tahimik din siya at sa napapansin ko naman mukhang mabait siya.





"Ako nga. At ano ang maipaglilingkod ko sa inyo"malalim na saad nito kaya napaayos naman kami ng tayo.




"Ahhmm... Ano po... Kasi kailangan po namin ang tulong niyo" tila hirap na saad ni Irish na kumamot sa ulo.




"Misyon niyo ako. Kaya may misyon din ako sa inyo" seryosong saad nito kaya nagkatinginan kami.




"Ano po iyon" sabay sabay na saad namin.




"May mga inihanda lang naman akong pagsubok sa inyo na tiyak kong makakaya niyo. Huwag kayong mag alala dahil kasama niyo si Arnoux at Aluxio" ramdam ko na nakangisi siya sa amin ngayon.




Binigyan lang kami ng unting minuto upang maghanda sa pagsubok na haharapin namin. Matapos kaming maghanda ay pinatawag na kami upang simulan na namin ang na atasang misyon na ibinigay sa amin.




"Bibigyan ko kayo ng pagkakataon upang kalabanin ang mga punong maestro ng aming hukbo at kung matatalo niyo sila ng walang kahirap hirap tapos ang mga misyon natin" nakangising saad ni Amadeo. Hindi din namin nakita sa loob na ito si Tandang Tasno at hindi din namin namumukhaan ang itsura niya.




"Tsk! Yun lang basic" iling iling na saad ni Brix. Lalo namang ngumisi si Tandang Tasno.




"Napakadali naman. Baka sila pa ang matalo niya" nangaasar na saad ni Tyler.




"Seryoso kayo Ama" hindi makapaniwalang saad ni Kuya Arnoux.



"Kailan pa ako hindi nagseryoso" makabuluhang saad ni Amadeo. Bakit? Ano bang meron sa punong maestro nila. Eh! Tiyak kong mga kawal lang naman ang mga iyon. Pero sa nakikita ko sa itsura ng dalawang magkapatid ay hindi maipinta ang mukha.




"Simulan niyo na" saad ni Amadeo at biglang naglaho. May lumabas naman mga naka dilaw na balabal ang dami nila mas madami pa sa aamin. Hindi ko mabilang sa dami at sa napapansin ko malalakas sila dahil kita sa pangangatawan nila.




"Mag-ingat kayo hindi basta basta sila" seryosong pagbabanta ni Kuya Arnoux. Kaya tumingin kami sa kanya ng nagtatakang tanong.





"Bakit? At... Paano mo nasabi" tila naguguluhang saad ni Ate.





"Hindi sila madaling kalabanin dahil may kakaiba silang kapangyarihan na hindi natin mapapansin" saad ni Kuya Arnoux at pumunta sa gitna kaya sumunod kami pinalilibutan kami ngayon ng mga nakadilaw na balabal.





Nagsimula ng sumugod ang mga kalaban namin at kami puro ilag wala pa kami sa kalahati ay napapansin ko na kakaiba nga sila at malalakas din. Ilag lang ako ng Ilag at yung iba sa amin ay may mga sugat na.




"Ralicia sa likod mo" isang tinig ang narinig ko at inaantay ko na lang ang pagtama ng ano mang bagay sa likod ko ngunit ilang sandali ay wala akong naramdam. At isang tinig ulit ang narinig ko sa ibang nilalang naman.






"Ayos ka lang" isang malambing na tinig ang narinig ko kaya nilingon ko iyon. At unting unting tumango kay Aluxio. Ngumiti lang ako dito bilang sagot at ipinagpatuloy na ang pakikipaglaban. Maya maya natigil kaming lahat at nagtipon kami sa gitna. Wala pa din sa kalahati ang natumba sa mga kalaban namin. At tama nga ng sinabi ni kuya Arnoux kakaiba sila at may kakaibang kapangyarihan sila na tiyak kong natatangi ang kapangyarihang mayroon sila at alam ko ang tawag doon invisibility of power.





"Kakaiba sila ang lalakas hindi natin matalo talo" nahihirapang saad ni Natalie na ngayon ay inaalalayan ni Luke.





"Sinabi ko na sa inyo na hindi sila basta basta dahil kakaiba ang kapangyarihan nila" napakaseryoso naman ni kuya Arnoux.




Nagsimula na kami muli kahit nahihirapan na ay pinilit pa rin namin. Naglabas ako ng espadang yelo para iyon ang gamitin ko nasaksak ko naman sa braso ang nakalaban ko. Sa nakikita ko bakit hindi sila namamatay at naglalaho kasi may mga natumba na ilan sa mga kalaban namin ngunit parang wala lang sa kanila. Gaano ba sila kalakas at hindi namin sila maubos ubos kahit kalahati lang. Nanghihina na din ang ilan sa mga kasama namin pero ang dalawang magkapatid na si Kuya Arnoux at Aluxio hindi makikitaan na nahihirapan sila sa mga nakakalaban namin ngayon.




Nabaling ang tingin ko kay Franz dahil may isang susugod sa kaniya upang saksakin siya pero masmabilis ako sa kaniya at sinangga ko iyon gamit ang sandata ko. Binigyan naman niya ako ng isang ngiti at nagpasalamat siya, nginitian ko din siya pabalik. At nagsimula ng maglaban. Inikot kong muli ang mata ko at tansya ko na nasa kalahati na ang napatumba namin. Napapansin kong sobra na silang nanghihina at si Ate nahihirapan na din buti nasa tabi ni si Kuya Alex na nakikipaglaban din. Si Tacia may mga natamong sugat na ganoon din ang ibang babae pwera na lang kay Aira at Natalie na nakikitaan ng pagod pero nagpapatuloy na din. Ang mga lalaking prinsepe naman ay na kaalalay sa mga babae na nasa likod nila kung sakalimang may sumugod sa likod ay may sasangga noon. Si Aluxio naman ay seryoso lang nakikipaglaban nakikita ko na ang galing niyang makipaglaban ang mga kilos niya parang nakita ko na iyon ngunit hindi ko alam kung saan at kailan. Kakaiba din siya hindi siya katulad ng kuya niya ngunit may pagkakapareho sila. Nabalik lang ako sa ulirat ng mag humawak sa kamay ko.





"Kung saan saan ka tumitingin. Baka mamaya may sumaksak na sayo sa likod" malamig na saad ni Franz na kilanalingon ko sa kaniya. Binitawan namn niya ang kamay ko kaya napangunot ang mga noon ko. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpokus ng ayos sa nga kalaban.




May susugod sana sa akin ngunit naunahan ko na siya at sinangga ko ang kapangyarihang ipapatama niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya nakabalabl siya na dilaw lahat naman sila at natatakpan ang mga mukha nila. Ilag lang ako ng ilag sa mga tira niya na pinatatama sa akin. Nakaramdam ako ng kakaiba sa kaniya para bang naramdaman ko na ang presensiya niya noon pa ngunit hindi ko maalala kung saan, bakit ba lagi na lang akong nakakaramdam ng ganito tapos hindi ko maalala kung saan ko sila nakita at paano. Nagpokus ako ng masinsinan at pinakiramdamn ang presensiyang mayroon siya inaalala kung saan ko ba siya nakita at nakasama. Napatigil ako sa pakikipaglaban ng sumakit ang balikat ko pero hindi ko ipinahalata sa kanila tumigil din ang kalaban ko na ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Nag-angat naman ako ng tingin dito at tinignan siya ng maaigi. At tama nga ko siya iyon.




"Kilala na kita Tandang Tasno" nakangising saad ko na nagpatigil sa lahat dahil sa lakas ng tinig ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon