CHAPTER 28

168 10 1
                                        


"Are you all ready" bungad na tanong sa amin ni HM magkakasama na kami ngayon ng mga royalties. Alas tres na ng hapon nandito na kami sa labas ng paaralan upang maglakbay sa aming pupuntahang misyon.




At ang aking pag sasanay kanina mas nakokontrol ko na ng ayos ang aking kapangyarihan ngunit hindi ko pa makontrol ng ayos ang isa kong kapangyarihan ang apoy dahil hindi nakikisama ang aking sarili kapag ilalabas ko na ang kapangyarihan ko. Unti unti na rin nalalagas ang butil ng pulseras ko kaya sana matapos ng mas maaga ang misyon ito ng sa ganoon ay makabalik na kami sa paaralan. At sa nakalipas na araw hindi nagpapakita sa akin ang cute na dragon at ang garden of shan ay ibang iba noon unti unti siyang nawawalan ng buhay pero bakit kapag ako ay pumasok ng mag-isa ay nagkakaroon ito ng buhay. Iyon ang ipinagtataka ko na gusto ko ng maitanong sa cute dragon na nagsasalita.




"Yes HM" tipid na saad ni Kuya Alex.




"Okay mag iingat kayo at yung bilin ko sa inyo" pag papaalala ni HM sa amin bago kami umalis ng paaralan may dala kami na iilang gamit. Buti na lang mahaba ang tulog ko kanina pagkatapos kong mag ensayo kasi kanina ay kumain at natulog lang ako para ipahinga ang sarili. Yung nangyari pala kagabi iniisip ko pa din may kutob ako na hindi maganda. Hindi ko naman malaman kung bakit ganito ang aking nararamdaman doon sa nilalang na nakasagupan namin kagabi. Buti na lang din hindi na inungkat ni Tacia sa mga kasamahan namin ang nangyari sa amin at hindi na rin siya nagtanong sa akin ulit na tiyak ko na iniisip din niya kung sino ang nilalang na iyon.




"Ang lalim ahhh. Hindi ko maabot" isang tinig na nakapagpabalik sa realidad tinignan ko naman kung sino si Franz na naman. Tinaasan ko naman siya ng kilay.  "Ano ba kasi iniisip mo" sunod na tanong nito nasa hulihan na pala kami at nauuna na yung kasama namin.




"Wala" tipid kong saad dito at nilampasan na siya. Naramdaman ko naman na kinuha niya yung dala kong bag kukunin ko na sana ng pigilan niya ako. "Akin na nga" inis kong saad dito.




"Ako na magdadala ng bag mo o ikaw ang bubuhatin ko." Ngising saad nito inirapan ko naman siya at naglakad na nakakainis talaga siya. Sumabay siya sa akin sa paglalakad at yung iba naman ay nauuna na sa amin. 




Malayo na ang nalakad namin marami din kaming nadaanan na malalaking puno at magagandang tanawin buti na lang din na wala kaming nakakasalamuha na masasamang nilalang o sadyang wala pa kami sa kalagitnaan na ito. At sadyang malayo pa kami sa aming destinasyon pagod na din ang iba sa amin ngunit nagpapatuloy lang kami sa aming paglalakbay upang makarating na sa aming patutunguhan dahil malapit na din mag dapithapon at pagod na nga din ako at sila din.





"Pahinga muna tayo napapagod na ako" pagod na saad ni Natalie sabay upo sa lupa tinabihan naman siya ni Luke.




"Oo nga nakakapagod  ang haba na ng nalakad natin parang malayo pa tayo" pagod din na sabi ni Aira at sumandal sa puno. 





"Inom ka muna ng tubig"abot sa akin ni Franz ang dala niyang bote na may laman na tubig. Hindi na ako sumagot at kinuha na lang ito upang uminom dahil nauuhaw na din ako. Binigay kong muli ang bote at nagulat ako ng ilapat niya ang labi niya sa bunganga ng bote at ininom niya. "Why" taas kilay na saad nito. Umiling lang ako at siya naman ay ngumisi. Tumingin na lang ako sa aking kasamahan at nakikita ko na pagod na din sila. Napatingin naman ako kay Irish ng nakatingin siya sa akin bigla naman siyang umiwas ng tingin na ikinangunot ng aking noo. 




Tumayo kaming muli upang ipagpatuloy ang paglalakbay dahil malapit na din ang magdilim. Tahimik lang kami sa aming paglalakbay dahil baka may makapansin na ibang nilalang sa amin at pasimple naman akong naglagay ng harang sa amin upang hindi kami maramdaman ng ibang nilalang ang nandito dahil may naramdaman akong kanina na sumusunod sa amin. Nagulat naman ako ng may humawak ng kamay ko at nilingon ko iyon alam ko na siya iyon at tama nga ako. Buti na lang at madilim hindi makikita ng mga kasamahan namin. Sadyang may unting liwanag na nanggagaling sa buwan. Babawiin ko sana ng aking kamay ngunit hinigpitan niya ang hawak sa akin hindi na ako pumatol dahil hindi ko naman siya matatalo at ayoko din mag ingay.  Napatigil naman sa pagpalakad ang iba namin kasama kaya napatigil din kami ni Franz na laging nahuhuli.



THE GREAT PROPHECY OF SHANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon