CHAPTER 12- TREE HOUSE

220 11 0
                                    

Maraming mga estudyanteng nag-eensayo ngayon dahil nalalapit na nga ang leveling day. Pati na rin ang mga kasamahan ko na royalties at si ate roxanne at yung kapatid niya hindi namin alam kung na saan.

Dahil tapos nako mag-ensayo ay umupo ako ngayon dito sa bench habang nakatingin sa mga estudyangteng nag-eensayo.

"Daniel! Ano tapos na ba" pagod na saad ni Luke habang papalapit sakin. Tumango lang ako bilang sagot

"Sabagay ikaw nga pala ang pangalawa sa malalakas na royalties" bilib na saad ni luke.

"Tsk" saad ko sabay tayo

"Saan ka pupunta!" sigaw na saad ni Luke.

"Kay kamatayan. Sama ka?" Ngising saad ko sabay talikod ulit.

"Mag-isa ka na lang. May pangarap pako" sigaw na saad niya ulit.

Lumabas nako ng gym dahil gusto ko munang mapag-isa at makalanghap ng sariwang hangin. Sa aking paglabas may iilan ding mga estudyante na nakakalat sa labas ng gym at mukhang nag-eensayo dahil sa mga pinapakita nilang nga kilos.

Habang ako'y naglalakad patungo sa aking pupuntahan ay may nararamdaman akong kakaiba kaya tumigil muna ako saglit at pinapakiramdaman ko iyon at doon ko natuklasan na may humihingi ng tuloy.




"He-----lp    plea-seeeeee"



Ipinikit ko ang mata ko at doon ko nakita ang isang nilalang na humihingi ng tuloy. At sa hindi nakakaalam nakikita ko ang mga bagay na hindi nakikita ng iba dahil iba nga ang kapangyarihan ko. Nagtungo ako sa lugar kung saan nandoon ang isang nilalang.


At nag taka ako kung bakit ako nakapasok sa lugar na ito dahil mahigit dalawang dekada na nawalang pumapasok dito dahil sagrado ang lugar na ito at isa lang ang tanging makakapasok dito ay siyang itinakda ngunit bakit nakabukas ngayon ang tarangkahan na ito. Inilibot ko ang aking paningin
at namangha ako sa disenyo ng lugar dahil kakaiba ito sa mga nakikita ko sa labas hindi pangkaraniwan ang lugar na ito dahil isa nga itong sagrado.


"Ahhhhhhh" isang sigaw na nakapagpabalik sa aking reyalidad at doon ko din natuklasan kung sino ang humihingi ng tulong at sumisigaw kaya lumapit ako sa kanya.







"Ralicia" gulat na saad ko sabay lapit sa kanya at tinulungan siyang tumayo.

"Franz" nanghihinang saad niya kaya inalalayan ko din siya.

"Anong nangyari sayo" may halong pag-alala sa kanya na hindi ko naman talaga ginagawa ewan ko din kung bakit ko iyon na tanong.

"Hi--ndi ko din a---alam" nanghihinang saad niya kaya binuhat ko siya. Napatingin naman ako sa kanyang mukha at doon ko na silayan ng malapitan ang maganda niyang mukha. Oo maganda naman talaga siya noon una kong kita sa kanya.

"Anong gi-naga-wa mo"mahina pero rinig kong saad niya at parang gusto niya pang bumaba sa pagkabuhat ko.

"Don't move" maotoridad kong saad at buti na lang hindi na siya gumalaw kaya naglakad nako palabas ng lugar na ito. Mamaya ko na tatanungin kung bakit siya nandirito sa lugar na ito

Dinala ko na lang siya sa aking pupuntahan at doon ko na lang siya ipagpapahinga dahil alam ko na pagod siya dahil malamang kakagaling niya lang sa pag-eensayo.

Nandito na kami sa lugar na lagi kong pinupuntahan ang Tree house ginawa ko ito upang pahingahan ko at wala ni isa ang nakakapunta dito dahil walang nakakaalam ng lugar na ito sadyang ako lang at ngayon alam na din ni Ralicia. Inilapag ko lang siya sa higaan at ginamot ang natamo niyang sugat sa braso at buti gumaling na iyon. Matapos ko gawin iyon ay lumabas na ako ng silid na iyon






Makalipas ng ilang oras ay nakarinig ako ng yabag at alam kung siya iyon kaya humarap ako kung saan naroroon si Ralicia.



"Nasaan tayo" bungad na saad niya. At ngayon ko lang din narinig ang tinig niya na hindi malamig makitungo

"Nasa tree house ko tayo" saad ko sa kanya at nagtungo sa sala at ramdam ko na nakasunod siya sa akin.

"Ahhmm... Diba may sugat ako sa braso. Bakit na wala" nagtataka niyang saad.

"Ginamot ko gamit ang kapangyarihan ko" saad ko sabay sandal sa sofa. Napatango naman siya bilang sagot.





Ilang minuto ang nakalipas nang binasag ko ang katahimikan dahil may mahalagang bagay akong tatanungin sa kanya na dapat kanina ko pa nagawa.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon