Pumasok ng tuluyan si Irish na gulat na gulat. Kaya dali dali naman akong nagtungo ng pintuan at agad itong sinarado. Gumawa din ako ng panangga upang walang makarinig sa amin.
"Ta-ma ba ang narinig ko Ralicia i-kaw ang totoong prinsesa" tila hindi makapaniwalang saad nito. Bumuntong hininga ako at tumingin kay ate na tahimik lang. Unti-unti akong tumango bilang sagot.
"P-a... Paaano... Ba-kit at sino yung Shan na. Ahhh ewan" tila naguguluhan na saad nito kaya huminga ulit ako puro buntong hininga lang ang pinapakawalan ko.
"Makinig ka muna sa akin. Mangako ka na hindi mo sasabihin sa kanila at wala kang sasabihan kahit sino" seryosong paki usap ko sa kaniya. Tumango siya bilang sagot
"Oo ako nga ang totoong prinsesa hindi yung impakta na iyon. Alam ko naman na hahantong sa ganito na may magpapanggap bilang ako. Pero hinayaan ko lang" mahinahon na saad ko.
"Ba-kit. Hindi mo si-nabi sa amin at ba-kit a-lam mong ha-hantong sa ganito at bakit hindi mo pinigilan" naguguluhan pa na saad ni Irish.
"Gaya nga ng sabi ko hindi ko pwedeng sabihin sa kanila at kamakailan ko lang din nalaman na ako ang nawawalang prinsesa at kaya alam ko na hahantong sa ganito ay nakikita ko kung anong ipapahiwatig ng eksenang mangyayari at kaya hindi ko pinigilan maiiba ang propesiya kaya sumunod lang ako sa landas noon" paliwanag ko sa kaniya alam kung naguguluhan siya kaya ikinuwento ko na lahat sa kaniya pati kung ano ko talaga si ate nagulat naman siya. At na ikwento ko din si Eli sa kaniya hindi siya makapaniwala na ang matalik kong kaibigan at isang diyos. At tinanong din niya kung bakit ako aalis ang sanabi ko lang ay may mahalaga akong misyon na kailangan ko din mag ensayo. Binilin ko na lang sa kanila na manmanan ang mga kilos ni Ellena alam kung may balak siya. Umalis na din ako doon at halatang inip si Eli sa labas kaya sinabi ko sa kaniya kung bakit ako natagalan.
Sumama ako kay Eli at sa kuya niya hindi naman talaga sila anak ni Amadeo sadyang inampon lang sila nito upang manirahan sa palasyong iyong. Nandito kami kung saan ang totoong tirahan nila. Noong una hindi ako makapaniwala dahil nakarating ako sa tirahan ng mga bathala o tinatawag na diyos at diyosa.
"Magandang pagbati sa pagbabalik ninyo" bungad sa amin ng isang babaeng maganda.
"Maraming salamat aking sinta" isang matamis na ngiti ang sagot ni kuya Arnoux dito at lumapit. Na tiyak kong kasintahan niya iyon kasi tinawag din niya na sinta ito. Napangiti naman ang babae dito.
"Siya na ba iyan. Aba'y kay ganda nga niya" saad nito napatingin naman ako kay Aluxio na tumawa at tumango. Lumapit naman sa akin yung babaeng maganda at hinawakan ng kamay ko. "Ikaw na ba si Ali" saad nito nahiya pa ako dahil nakangiti siya. "Huwag kang mahiya" saad pa nito unti unti naman akong tumango.
"Ako nga po. Shanatacia Alicia Lithacia" magalang na saad ko sabay yuko bilang pagbibigay galang na din.
"Magpapakilala muna kami sa iyo. Ako si Airish Goddess of Air and kasintahan ni Arnoux tawagin mo na lang akong ate Ai" may ngiti na saad nito.
"Ako naman si Mayim Goddess of Water" saad nito at nag pakita pa ng tubig na bilog.
"Masaya ako dahil nakita ka na namin. Ako si Eathera Goddess of Earth" may galak na saad nito at nagpakita din ng kakaibang kapangyarihan niya.
"Ako si Idalio mahal na prinsesa God's of Ice" saad nito at kinindatan pa ako. Narinig ko naman ang katabi ko na napamura ng mahina kaya napatingin ako dito masama ang tingin niya kay Idalio.
![](https://img.wattpad.com/cover/226620948-288-k227277.jpg)
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...