Nagpahinga lang ako sa kwarto ko dahil pagod ako sa naganap kanina. Ang mga magulang ko ay doon muna tumuloy sa tirahan ni HM pati si HM din kahapon nabigla sa mga rebelasyong aking isiniwalat hindi sila makapaniwala na ako na lang ang nagiisang diwata. Ang mga hari at reyna naman ay bumalik sa kanilang kaharian babalik na lang sila kung sakaling kailangan sila sa akademya. Dahil may mahalaga silang tungkulin sa kaharian nila.
Kakatapos ko lang maglinis ng aking katawan at babalik na sa pagtulog ulit dahil kanina ay nahiga na agad ako sa sobrang pagod. Hindi pa man ako nakakahiga ng may nagbukas ng pintuan kaya napalingon ako doon.
"Hindi ka pa kumakain. Dinalhan na kita ng pagkain" saad nito sabay sara ng pintuan may hawak itong bandeha na may pagkain. Hindi ako sumagot at kinuha ang hawak niya narinig ko ang buntong hininga niya. Inilapag ko sa lamesa na malapit sa aking higaan ang bandeha at nagsimula ng kainin iyon dahil gutom na din ako. Hindi naman siya nag-sasalita hinayaan niya lang akong kumain. Nakakainis siya hindi man lang siya iimik. Natapos ko na ang pagkain at ako na sana ang magdadala noon ng pigilan niya ako at hinila ako sa kaniyang kandungan bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko.
"A-lex..." iyon lang ang nabigkas kong salita ng hawakan niya ang bewang ko. Kinakabahan naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin niya.
"Pasensiya na kanina hindi ko sinasadyang sigawan at magalit sayo" paghingi nito ng pasensiya at isinaldal ang ulo sa balikat ko.
"Pero bakit ngayon lang. Nasaktan na namin siya ng sobra. Nasaktan ko ang kapatid ko na dapat ako ang magproprotekta sa kanila" mahinahon na saad nito naramdaman ko naman na may tumulong luha sa balikat ko, ngayon ko lang siya nakitang ganito kaya inangat ko ang ulo niya pinunasan ang mga luha sa pisnge niya.
"Shhhh.... Alam kong maiintidihan kayo niya hindi siya katulad ng iba at saka ginawa niya lang iyon. Ginawa niyo lang iyon para sa isat-sa. At pasensiya na kung hindi ko sinabi sayo ayoko lang na mag-away kami ng Alicia" saad ko dito ngumiti naman siya sa akin.
"Bilid ako sayo sa katapangan mo. Sa ginawa mo para din sa kaniya. Hindi ko inaasahan na ang totoo kong kapatid ay kapatid ng kasintahan ko" saad nito at natawa ng mahina. Kaya sumimangot ako.
"Bakit ayaw mo ba akong maging kasintahan. At saka hindi ko naman totoong kapatid si Alicia pero sobra ko iyon ituring na kadugo ko dahil mahal na mahal ko ang makulit na batang iyon" may halong tampo na saad ko.
"Kahit hindi ka niya totoong kapatid, kapatid ka man niya o kaya kahit kapatid kita. Ikaw lang ang hahanap hanapin ko" may ngiting saad nito kaya mas lalo akong kinilig sa kaniya.
"Ewan ko sayo" namumulang saad ko sabay tayo ngunit pinigilan niya ako.
"At saan ka pupunta" pigil na saad nito.
"Malamang tutulog na" irap na saad ko sabay tayo ulit na siyang tayo niya at hinila ako sa aking higaan.
"Dito ako tutulog tinatamad na akong bumalik ng dorm namin" saad nito napairap naman ako at nahiga na kasama siya.
Kinabukasan pag-gising ko wala na akong katabi kaya tumayo naman ako sakto naman ang pagbukas ng pintuan ng makita ko siya.
"Gising ka na pala. Gigisingin pa sana kita para mag umagahan. Siya nga pala magandang umaga sa maganda kong kasintahan" bungad na may ngiti nitong wika sa akin. Ngumiti naman ako at may na isip na kalokohan.
"May kasalanan ka at nanlalambing ka" mataray na saad ko napawi naman ang ngiti niya at lumapit sa akin at niyakap ako patalikod.
"Wala ah" depensang saad nito at siniksik ang mukha sa leeg ko. "Gusto ko lang lambingin ang kasintahan ko. Na magiging asawa ko na." Bulong na saad nito ramdam ko naman na namumula na ang mukha ko kaya natahimik ako pinaharap niya ako sa kaniya. Tumawa ito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Namumula kana. Hahaha. Kailan kaya kita maaanakan" pilyong saad nito kaya hinampas ko na ang balikat niya at nagdali daling tumakbo sa banyo. Nakakainis siya ang aga aga nagpapakilig pulang pula na ang mukha ko ng makaharap ako sa salamin narinig ko pa na tinatawag niya ako ngunit isinambahala ko na lang iyon at nag umpisa ng maligo.
Nasa labas ang lahat ng estudyante kasama na kami doon dahil kailangan namin mag ensayo dahil nagbabala na ang kalaban namin kaya kailangan namin lumakas upang kami ang manalo sa darating na digmaan. Abala ang lahat sa kaniya kaniyang ensayo habang kami ay ganoon din kalaban ko ngayon si Aira. Malakas si Aira ngunit kulang pa siya sa kilos niya.
"Pokus Aira" seryosong saad ko. Lahat kasi kakalabanin namin upang subukan kung humusay ba ang pagkilos namin. Nag-umpisa na ulit kami ng laban ilag lang ako ng ilag at sangga ng sangga sa mga tirang binabato niya sa akin ganoon din siya. Mas humusay din siya ngayon. Natapos kaming dalawa ni Aira ay sumunod naman na kinalaban ko si Chesca.
Unang naglabas ng kapangyarihan si Chesca upang itama iyon sa akin ngunit inilagan ko iyon ngayon ako naman ang naglabas ngunit na ilagan niya iyon mas mabilis na ang kilos ni Chesca kaysa noon. Lahat naman sila magagaling at mas humusay handang handa na talaga sa digmaan.
Napatingin naman ako sa kabilang gawi ng naglalaban si Irish at yung isa naming kaklase na si Reo siya pala ang may gusto kay Aira pero ang iniibig ni Aira ngayon ay si Bryle at sila na din. Tatamaan sana si Irish ng malaking bolang apoy ngunit hinila siya ni Daniel at inalalayan. Kita ko naman ang takot at kaba ni Irish.
"Ayos ka lang. Sa susunod mag pokus ka" malumanay na saad ni Daniel kay Irish kaya napatingin siya doon at unting unting tumango. Nagpatuloy lang kami sa pag-eensayo at makalipas ng ilang oras ay pinatawag kami ni HM dahil may mahalaga siyang sasabihin sa amin. Nagsibalikan naman ang mga eatudyante sa kanilang mga dorm at kami ay nagtungo ng opisina ni HM. Wala siya noong pumasok kami kaya inantay na lang namin siya. At makalipas ng ilang minuto ay dumating na si HM.
"Bakit niyo kami ipinatawag" bungad na saad ni Brix
"May misyon ba kami" tanong ni Tyler na nakaakbay kay Natalie.
"Anong mahalaga ang sasabihin niyo sa amin" gatong na saad ni Luke
"Pwede ba HM bukas na lang pagod na ako" inip na saad ni Bryle kaya binatukan naman siya ni Aira.
"Ang propesiya" iyon lang ang nasabi ni HM kaya napatigil kami na nakatingin sa kaniya.
"Anong propesiya?" Takang tanong ni Chesca.
"Nabago ang propesiya nakita ko lang kanina yung libro umilaw siya ngunit na wala ang mga sulat doon na dapat nandoon lang ang inukit. Pero bakit nawala siya ng kusa at ang mga nakaukit ngayon ay......" Pabitin na saad ni HM nag-aantay kami sa susunod niyang sasabihin.
"M-ay mas malakas pang nilalang ang sasakop ng buong daigdig hindi lang ang itinakda" seryosong saad ni HM. Paano nangyari iyon. Dapat si Alicia lang pero paanong naiba iyon.
"Diba si Ralicia at Alicia ay iisa at saka siya lang naman ang nasa propesiya . Napakaimposible naman ng sinasabi mo HM" saad ni Irish.
"Iyon na nga si Alicia ang nasa propesiya ngunit may mas malakas pa sa kaniya na tatalo sa ating lahat hindi nakaukit sa libro kung sino at kung kanino siya kakampi dahil ang eksaktong nakalagay sa libro ay.....
'Sumilay ang pangalawang propesiya may isang magbabago at darating na siyang maghahari sa buong daigdig'
Mga katagang nakaukit sa libro" paliwaga ni HM sa amin.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasiaShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...
