CHAPTER 19

191 12 0
                                    


"Good luck" saad ko noong nakasalubong namin siya.



"Good luck ate Ralicia" nakangiting saad ni Tacia ngiti lang ang sinukli niya kaya nagtungo na kami kung saan nandoon ang mga kasama namin.



"Grabe ka bro. Wala ka ding kupas" manghang saad ni Brix.



"Ang galing mo talaga bro" bilid na saad ni Luke.



"Mas magaling kaya si Tacia" gatong na saad ni Aira. Napailing na lang ako dahil magtatalo na naman ang magkapatid.



"Ohhh!! Tama na yan" pag aawat ni Irish sa dalawa.




Nabaling na lang ang atensyon namin kay Ralicia gusto ko man na siya ang makalaban ko para malaman ko kung anong meron sa  kaniya. Iba kasi ang kutob ko. May lumitaw na nakabalabal na dilaw alam kung iyon ang makakalaban niya. Naglabas siya ng ice storm upang patamaan ang nakabalabal na dilaw ngunit naka ilag naman iyon.  Ngayon ang naglabas naman ng fire ball ang nakabalabal na dilaw pero na ilagan din iyon ni Ralicia. Napangiti naman ako sa aking isipan dahil ngayon lang ako humanga sa babaeng kagaya niya. Nakikita kong mabilis siyang kumilos at gumalaw.



Naglabas naman si Ralicia ng ice sword at sinugod niya ang nilalang ngunit naglabas din iyon ng fire sword nag espadahan lang ang ginawa nila. Ilag lang din ng ilag masasabi kong malakas sila. Parehas silang mabilis kumilos ngunit nakakapagtaka dahil ang galing ng nilalang na naka dilaw. May mga sugat na din si Ralicia nag aalala ako para sa kanya. Bigla naman napatigil si Ralicia napatingin ako sa kanya nakahawak siya sa balikat niya na wala naman sugat pero ramdam ko ang daing na nararamdaman niya.




"Sino naman yan"nagtatakang saad ni Tacia



"Oo nga ang alam ng lahat isa lang ang makakalaban" nagtatakang saad din ni Tyler




Napamura na lang ako ng bigla naman may sumulpot na isang nilalang sa gilid na naka balabal din ngunit itoy pula. Sa pagkakaalam ko isa lang ang makakalaban kapag ikaw ay isa lang at baka hindi niya makaya ang dalawang nilalang na iyan. Hindi namin marinig ang usapan nila doon sadyang sila lang ang nagkakarinigan ngunit alam kong rinig nila sa loob ang mga ingay sa labas. Napasinghap naman ang lahat dahil sa naglabas ng malaking fire ball ang nilalang na naka dilaw. Naglabas din ng fire dark ang nilalang na naka pula kaya natamaan ang nilalang na naka dilaw at nilagyan iyon ng malaking bilog upang hindi makalabas doon. Aalis na sana ako ng may biglang pumigil.




"Alam ko ang binabalak mo" seryosong saad ni  Roxanne kaya napatingin kami sa kanya. Miski ako napatingin sa kanya ng seryoso na alam ko na ako ang tinutukoy niya. 





"kailangan niya ng tulong" seryoso kong saad dito.




"kaya niya na yan" seryoso din na saaad niya habang ang mga mata ay na kay Ralicia.




"Ang lakas niya hindi iyan kaya ni ate Ralicia" may pag-aalalang saad ni Tacia. Bago pa man makapagsalita si  Alex naglaho na si Tacia.



"Tsk ang kulit" naiiling na saad ni Roxanne.




"Sh*t" sabay na mura ni Alex at Brix.




"Kung magbabalak kayong sundan siya huwag na" malamig pa sa yelong saad ni Roxanne kaya napatahimik kami. Na baling na lang ang atensyon namin doon sa gitna kung saan nandoon na si Tacia. Hindi namin naririnig ang usapan nila sa loob at pansin ko na nag-uusap usap sila doon. May mga sugat na din si Ralicia naglabas siya ng fire ball upang tamaan ang naka balabal na pula ngunit nailagan iyon ngayon si Tacia naman ang naglabas ng water speed upang mapigilan ang naglalakihang fire dark  at hindi nila napapansin na naglabas ng fire blade kaya  natamaan si Ralicia sa braso gusto ko silang tulungan ngunit gaya ng saad ni Roxanne ay kaya niya yan ngunit parang hindi. Naglaho si  Alex ngunit wala pang ilang segundo nakabalik na siya.




"Bakit hindi ako makapasok" nagtatakang saad ni Alex




"Simple lang yan nilagyan niya ng Barrier para ni isa pa sa atin ang hindi makapasok doon" saad ni Roxanne habang nakatingin pa din doon sa gitna. Wala kang makikitang kahit anong emosyon sa mukha niya. May naririnig kaming mga bulungan sa paligid pati mga reyna at hari nag aalala na din.




"Grabe ang lakas ng nilalang na yan"



"Sino ba siya"



"Grabe naman ang babaeng yan mapapahamak niya si Princess Tacia"



"Kaya nga! pero ang lakas din niya"



Nagpakawalang muli ang nilalang ng malaking fire dark na may kasamang blade at tiyak kong ibabato ito kay Tacia kaya napamurang muli si Alex na nag aalala sa kapatid niya miski ako nag aalala sa kalagayan nila. Dahil kita naman sa kanila na nahihirapan na sila. Nagulat ang lahat ng matamaan si Ralicia sa tiyan upang sanggain na dapat ay kay Tacia tatama. 



"kailangan natin silang tulunagn"nag aalalang saad ni Aira minsan paiba iba ito ng mood pero pagdating sa labanan napaka seryoso niya.




"Oo nga! Hindi niyo ba nakikita na naghihirapan na sila" natatarantang saad din ni Natalie




"Binalaan ko siya kanina hindi siya sumunod" makabuluhang saad ni Ate Roxanne napatingin kaming muli sa kanya naiinis na ako dahil wala kaming magawa at kanina pa hindi namin maintindihan siya. 




"Ano bang sinasabi mo. Kapatid mo siya dapat tinutulungan mo" galit na sigaw ni Alex  ngayon ko lang ulit siya nakitang nagalit ng ganyan. Tinignan lang siya ni Roxanne ng nakangisi sabay baling ulit kay Ralicia.




"Huwag mo akong sigawan hindi mo pa lubos na kilala ako lalo na si Ralicia" nakangising saad niya ulit. Naglaho siya hindi namin alam kung saan siya nagpunta. 




"Akala ko mabait siya hindi pala" saad ni Irish alam kong si Roxanne ang tinutokoy niya.




"Oo nga. kapatid niya hindi niya man lang matulungan"sabat na saad ni Chesca.




Hawak hawak ni Ralicia ang tiyan niya dahil doon nga siya natamaan dumudugo na iyon pati na rin ang bibig niya. Tumayo siyang muli kahit nahihirapan. Mas dumami na din ang sugat ni Tacia kaysa kanina at nakaupo na din ito sa sahig hindi niya na kayang tumayo. Nagulat naman ako sa ginawa ni Ralicia hindi lang pala ako pati na rin ang mga taong nandidito naglabas lang naman ng ice storm at ang mas nakakagulat dahil sinamahan niya iyon ng fire red ball na sobrang laki at walang makakagawa noon miski ang mga hari ate reyna. Mas lumakas naman ang hiyawan dahil nagpalabas muli ng pangatlong kapangyarihan si Ralicia ng Air pollution nakakapagtaka ang mga kapangyarihan niya ang alam lang namin ay ice user siya ngunit bakit ang dami niyang kapangyarihan. Makikita din sa mga mukha ng mga hari at reyna pagkagulat at pagkamangha nila sa kaniya. Buong pwersa niyang tinira ang kapangyarihan niya doon sa nilalang na naka pula at naglaho iyon sa lakas noon nabasag ang malaking bilog kung saan nasa loob noon ang nilalang na naka dilaw at naglaho din iyon. Dahil sa sobrang lakas nga noon pati ang malaking barrier kung saan nandoon sila ay nabasag din kaya nag echo ang buong kapangyarihan niya sa field na ito. Doon na tapos ang laban napatungo naman si Ralicia na nakahawak sa tiyan niya. Nilapitan niya si Tacia at doon naman sumulpot si Roxanne hindi namin alam kung saan siya nanggaling pumunta naman kami doon pati na rin ang hari at reyna.






"Bunso gagamutin ka na nila" malumanay na saad ni Alex hawak ang kamay ng kapatid. Hinawakan naman ni Ralicia ang kamay ni Tacia.




"Ate ang galing mo" puring saad ni Tacia kahit nanghihina na ngumiti lang si Ralicia yung ngiting makikita mo sa mukha niya na ang ganda kahit may mga natamo na siyang sugat. 





"Gagamutin kita"nakangiting saad ni Ralicia magsasalita na sana si Alex ngunit naipikit na ni Ralicia ang mata niya at hawak ang mga kamay ni Tacia upang gamutin ang mga natamong sugat nito. Nagulat na lang din kami dahil unting unting naglalaho ang mag sugat na natamo din namin kanina. Kasabay noon ang pagmulat ni Ralicia na may ngiti sa mga labi pansin namin na naglaho din ang mag sugat ni Tacia. Tumayo naman si Ralicia ngunit hindi pa siya nakakatayo ng maayos ay natumba na siya sa sobrang hina sinambot ko naman siya napatingin naman siya sa akin ngumuti din siya bago ipikit ang mga mata. 




--------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon