CHAPTER 48

78 7 8
                                    

Matapos sabihin ni Ellena ang mga katagang iyon kay Daniel umalis din sa harapan namin si Daniel hindi namin alam kung saan siya pupunta. Hinayaan na lang muna namin siya at bumalik na sa dorm yung ibang mga estudyante at bumalik na sa dorm at nagpahinga na din. Si HM kausap ang ibang mga kawal upang siguraduhin na ligtas ang buong akademya hindi niya na kami pinasama at ipinagpahinga na lang kami. Magkakasama kami ngayon sa dorm si Daniel lang ang wala dito. Iniisip ko pa din yung sinabi ni Ellena kanina bakit ang tagal naman bumalik ni Alicia miss na miss na namin siya. Nahiga na lang ako sa aking higaan nakita ko naman si Alex na natutulog na mukhang pagod siya dahil sa nangyari kanina. Ipinikit ko na lang ang mata ko upang matulog na.




Maaga akong nagising dahil gusto kong maghanda ng aming kakainin. Tulog pa naman si Alex kaya hindi ko muna siya ginising mamaya na lang. Bumaba ako upang simulan ng gawin ang aming kakainin. Naghanda lang ako ng prutas na karaniwang kinakain dito ang ubas at mansanas na berde. Inihain ko na din ang iniluto ko at naghanda na din ng mga pinggan nakarinig naman ako ng mga yabag ng mga paa na patungo dito.




"Magandang umaga ate anne" bati sa akin ni Chesca.




"Ang bango naman ng niluto mo" saad ni Irish at nagtungo sa lamesa na tinitignan ang aking hinanda.




"Magandang umaga sa inyong lahat" bungad na bati ni Brix na ngayon ay nakaakbay kay Tacia. Nagbatian lang kami at nagsimula ng kumain katabi ko si Alex na tahimik lang na kumakain. Nagkulong lang kami maghapon sa loob ng dorm dahil wala naman kaming gagawin.




Kinabukasan pinatawag kami ni HM kaya kami nandito sa opisina niya at nakasanayan na namin na antayin siya sa opisina niya dahil laging wala ito sa tuwing pinapatawag kami.




"Pasensiya na at pinagantay ko kayo ng matagal" saad ni HM sabay upo sa upuan niya.



"Anong balita HM" saad ni Alex na katabi ko habang pinupulupot ang mga buhok ko sa daliri niya hinayaan ko na lang ito.



"May inilabas na naman ang propesiya nalalapit na ang digmaan kaya kailangan nating mag-ensayo lahat dahil hindi sinabi ng propesiya na kanino kakampi ang huling maghahari ng daigdig." Saad ni HM



"Ano ang inilabas ng propesiya ngayon" takang tanong ni Tacia.



"Ang nakaukit ngayon ay nalalapit na ang digmaan ng masasama at mabuti" saad ni HM



"Alam na ba ito ng mga reyna at hari" tanong ni Bryle.



"Nagpadala na ako ng kasulatan sa kanila na tiyak kong alam na din nila kaya kung sakaling lumusob ang kalaban ay kailangan handa na tayo" saad ulit ni HM.



Ipinaliwanag lang sa amin ni HM ang lahat kung sakaling lumusob ang mga kalaban. Nag eensayo naman ng husto ang mga estudyante ganoon na din ang ibang nilalang na nandito sa akademya.



"Kanina ko pa kayo hinahanap saan ba kayo galing" inip na saad ni Ellena ng makapasok kami sa dorm namin.



"At bakit mo naman kami hinahanap" taas kilay na saad ni Aira. Umirap lang si Ellena at naupo na sa upuan noong bumalik siya dito ay dumito na rin siya noong una hindi sana papayag ang iba kaso nakulitan kay Ellena kaya ayun dito siya tumuloy hanggang ngayon.



"Galing kami kay HM" saad ko sabay tungo sa kusina upang kumuha ng tubig matapos iyon ay bumalik ako kung saan nandoon sila.



"Ohh. Alam niyo na pala" saad ni Ellena.


"Ang alin" takang tanong ni Brix napailing na lang ako tiyak kong hindi nakikinig kanina siya kay HM.



"Duh! Yung propesiya" saad niya sabay taas ng paa sa maliit na lamesa malapit sa kaniya. "At saka handa na ba kayo" seryosong saad nito kaya ngkatinginan kaming lahat.



"Oo. Lagi naman handa kung sakali" walang ganang saad ni Natalie.



"Kung sa kaling hindi siya dumating sa araw ng digmaan. Sana maintindihan niyo ang desisyon niya" saad niya at ngumiti ng pilit at tumayo siya bakit ba ang likot likot nito parang kiti kiti.



"Ano bang alam mo Ellena" pahayag ni Alex dito.



"Pasensiya na hindi ko maaaring sabihin sa inyo dahil wala ako sa posisyon niya" saad nito at nagtungo sa kwarto niya.



Matapos ang maghapon na puno ng pangamba ay nag aayos kami dahil pupunta kami bukas sa kaharian ni haring Niel at reyna Ana. Kinabukasan maaga kaming nag gayak upang hindi tanghaliin sa pagpunta doon. At naririto na nga kami sinalubong lang kami ng mga kawal at nagbigay pugay sa amin. Sinundan lang namin ang mga kawal dahil sinenyasan kami kanina na sumunod sa kanila. Nakita namin ang mga reyna at hari na nagkakasiyahan sa kwentuhan.




"Nandiyan na pala ang mga anak natin" bungad sa amin ni Haring Francis ama nila Daniel at Chesca. Yumuko lang kami sa mga reyna at hari lumapit sa akin si reyna Ana na ikinagulat ko. Hinawakan niya kasi ang kamay ko.



"Kamusta ka na ija. Mahina ba ang anak ko" may asar na saad nito na ikinangunot ng noon ko. Napatingin naman ako kay Alex na nagsalita.



"Ina. Ano ba huwag niyo ngang kulitin si Anne" may bahid na inis na saad nito sa ina niya.




"Anak gusto ko na ng apo" nakangiting saad ni Inang Ana. Ina na lang daw ang itawag ko sa kaniya. Napasamid naman ako sa sarili kong laway nararamdamn ko na namumula na ako. Natawa naman ang mga kasamahan namin.



"Mahal. Hayaan mo na ang mga yan. Huwag kang mag apura na bigyan tayo ng supling na apo." Ngiting saad ni amang Niel. Buti na lang nagsalita siya para matigil din si Inang Ana. "Pero dapat kung mag-aanak kayo damihan niyo na"ngising saad ni amang niel kaya doon na ako napaubo napansin ko naman na lumapit si Alex sa akin at pinulupot ang braso sa bewang ko.



"Inay at ama huwag na kayong magbiro dahil sasabihin naman namin sa inyo kung meron na. At saka tignan niyo nasasamid na si Anne kahit walang iniinom" natatawang saad ni Alex kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang naman sila. Natapos ang aming masayang kwentuhan.



Hindi ako mapakali ngayon dahil kinakabahan ako para bang may mangyayari na hindi ko mawari.



"At ano ang iniisip ng aking sinta" saad ni Alex ng makapasok siya sa silid namin.



"Hindi ko alam... Kinakabahan ako" ulirat na saad ko at pinagkuskos ang dalawang palad.



"Bakit ka naman kinakabahan" tanong nito at hinawakan ang kamay ko.



"Hindi ko alam.. para bang..." Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin dahil ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Niyakap naman niya ako at unti unti ng nawawala ang kaba na nararamdaman ko.



"Wala lang yan" pag papaalo nito sa akin. Isinambahala ko na lang muna ang kabang nararamdaman ko.



Tanghali na kaya bumaba kami upang mananghalian kahit hindi pa naman ako gutom ay kailangan namin kumain ngunit napatigil lang ako sa paglalakad at napatigil din si Alex ng bitawan ko ang kamay niya nagtaka naman siya at nangunot ang noon dahil sa nakikitang emosyong sa mukha ko.



"Anong problema Anne. Kanina ka pa balisa" nag aalalang saad nito sa akin at kita sa mga mata niya na sobra siyang nag aalala sa akin.



"Nagsimula na sila. May digmaan na nagaganap ngayon sa akademya" saad ko nagulat naman siya



"Pa-aano mo na-laman" natatarangtang saad nito.  Hindi ko siya pinansin at hinila na siya upang magtungo kung saan nandoon ang mga kasamahan namin nakita naman namin sila na kumakain na kasama ang mga hari at reyna.



"Parito na kayo at mananghalian na kanina pa namin kayo inaantay" saad ni reyna Aly.



"May digmaan sa akademya ngayon" iyon lang ang nasabi ko at gulat naman ang makikita sa mga mukha nila at napatayo din.



"A-no" sabay saby na wika nila.



"May nagsalita lang sa isip ko na lumusob na ang kalaban" saad ko. Hindi na kami nagsayang ng oras at dali-daling  umalis. Ngayon pa nila naisipang lumusob at na saktuhan pa na wala kami.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon