Nasa tapat na ako ng tarangkahan kung saan ako galing kahapon o tinatawag na garden of shan. Matapos kung basahin kanina ang nakalagay sa libro ay nagmadali na akong pumunta dito upang malaman ko pa ang dapat kong malaman. Hating gabi na at may nagsilitawan ulit na mga paru-paro at alitaptap na nagbibigay liwanag sa buong garden na ito. Lumapit ako sa puno kung saan doon lumabas kahapon ang cute na dragon. Ang cute niya kasi kaya cute lily na lang ang itatawag ko sa kanya.
"Ay ang panget mo" gulat na saad ko bigla ba naman lumabas yung dragon ng walang pasabi.
"Grabe naman kamahalan hindi naman ako panget" malungkot na saad nito.
"Bakit ka kasi nanggugulat" naiinis kong saad. Sabay upo sa sanga dito nakakangalay kayang tumayo.
"Ay pasensiya na kamahalan. Ano nabasa mo na ba ang lahat" saad nito at itinago ang pakpak sa likod.
"Oo nabasa ko na lahat. Ngunit bakit sa una at pangalawang pahina walang nakasulat blanko lang ito pero may nakalagay na Ang kasaysayan sa unang henerasyon" nagtataka kong saad dito.
"Kasi nga kamahalan tapos na ang una at pangalawa kaya hindi na dapat ungkatin ang henerasyon ng mga dating namuno ang importante ay yung ngayon" paliwanag nito sa akin.
"Marami akong gustong malaman. Pwede mo ba akong tulungan" paghingi ko ng pabor dito.
"Syempre naman kamahalan lalo na't nandito kana. Ano bang gusto mong malaman"
"Madami. Tulad ng sino ba talaga ako? ano ang ganap ko dito? bakit ako nandito?" Curious na tanong ko sa kaniya.
"Kamahalan hindi pa ito ang takdang panahon para malaman mo kung sino ka dahil hindi pa rin naman ito ang panahon upang malaman mo kung sino ka. Ang masasabi ko lang sa iyo gawin mo ang mas nakakabuti dahil kung ipapairal mo ang galit mo ikaw ang talo" saad nito lagi ko na lang naririnig ang mga katagang yan na hindi ko na nga inaalis sa aling isipan.
"May tanong ulit ako nabasa ko kasi doon sa libro na may nawawalang prinsesa na anak nina haring Niel at Reyna Ana sino naman ang prinsesang iyon. Bakit siya nawawala" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Nagkaroon ng digmaan noong ipinanganak ni reyna ana ang prinsesa na nag-ngangalan Shanatacia Alicia hindi alam ng hari at reyna kung na saan ang anak nila dahil binilin nila ang anak nila sa isang kumadrona na itakas ang anak nila para hindi makuha o mapatay ng hari ng kadiliman. Ang prinsesa ang itinakda ng propesiya na alam kong nandito na siya sa paligid" saad nito napakunot naman ang noo ko at tumingin sa kanya.
"Kamahalan alam kong marami ka ng naipalabas na kapangyarihan. Ngunit hindi ka pa hasa at hindi mo pa ma kontrol ng ayos. May misyon akong ibibigay sayo kung gusto mo talagang malaman kung sino katalaga sasabihin ko na kung gagawin mo ang ipapagawa ko sayo" paghahamon nito sa akin naging seryoso naman ang tingin ko sa kanya.
"Ano naman iyon"
"Tuklasin mo pa ang kapangyarihan mo at mag ensayo ka ng husto dahil hindi kapa magaling" may panglalait na saad nito sa akin tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Opps kamahalan gawin mo na lang dahil sa ikabubuti mo naman iyan at tiyak kong kaya mo yan" pahabol nito.
"Kailan ako mag uumpisa"
"Yan ang gusto ko sayo kamahalan palaban. Bibigyam kita nitong pulseras na ikaw lang ang makakakita kapag nalagas na isa isa ang mga butil na iyan babalik ka dito doon tayo magtutuos" paliwanag nitong muli sa akin.
"Paalala ulit kamahalan huwag kang magtiwala kahit kanino" pagpapaalala nito sa akin na ikinatango ko na lang.
"Wait diba sinabi mo na nandito na ang nawawalang Prinsesa. Kung ganoon dapat malaman na ito ng mga reyna at hari" alanganin tanong ko dito kasi naguguluhan pa ako.
"Hindi kamahalan. A-no ahhh kasi dapat ang Prinsesa ang unang magpapakita ta-ma dapat ang prinsesa ang magpapakita sa mga reyna at hari" may pag kautal na saad nito tinaasan ko naman siya ng kilay ulit.
"Basta kamahalan sundin mo yung sinabi ko yun dapat ang gawin mo" bilin nito sa akin.
Umalis na ako ng lugar na iyon akala ko malalaman ko na ang totoong ako hindi pa pala. May misyon pang ibinigay sa akin. Nakakainis naman. Napapaisip tuloy ako bakit ko naman kailangan pang mag-ensayo at ano naman koneksyon ko doon sa cute na dragon may patawag tawag pa siyang kamahalan. At Sino kaya ang prinsesa siguro maganda iyon at nasa kanya na lahat. Sana makilala ko siya. Nahiga na ako sa aking higaan upang makapagpahinga na dahil pagod din ako. Hindi nako nagpalit ng damit kasi inaantok na ako. Bago ko man ipikit ang mga mata ko nakarinig ako ng tinig ngunit hindi ko na lang iyon pinansin dahil sa antok.
"Nandito na ako aking mahal"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasíaShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...
