CHAPTER 3 ACTUALITIES

332 16 0
                                    


Nagising ako dahil sa kumakalam na sikmura iminulat ko ang aking mga mata doon ko napagtanto na gabi na pala. Tinignan ko ang orasan malapit sa aking higaan na nakalagay sa maliit na lamesita. Alas otso na pala ng gabi ang sabi ni ate gigisingin niya ako kapag nandito na sila mom. Ngunit hindi niya ako ginising baka wala pa sila mom pero bakit hindi niya pa ako ginising. Oh baka wala siyang balak na pakainin ako. Bumangon ako at nagtungo sa banyo at habang naghihilamos naalala ko na naman ang nangyari kanina hindi ko alam kung bakit may ganoong kakayahan ako dahil pangalawang beses na iyon nangyayari sakin. Lumabas nako ng aking silid.

Bukas pa naman ang mga ilaw nagpatuloy na lang ako sa paglakad at hindi pa naman ako nakakahakbang sa may hagdad may narinig akong naguusap, hindi ko din alam kung ano mismo ang pinaguusapan nila dahil galing sala ang mga tinig na iyon. Ako'y naririto pa at pababa lamang napatigil ako dahil sa mga naririnig ko kaya nagtago ako dito malapit sa poste ng hagdan.

"Mom we need to tell her the truth" parang boses ni  ate iyon.

"Anak hindi madaling sabihin sa kanya" boses naman ni mom ang narinig ko pero mahinahon.

"Pero mom! Aantayin na lang ba natin na lumabas pa ang iba niyang kakayahan" saad ni ate ulit alam kung siya iyon dahil boses niya nga ang naririnig ko.

"Oo nga honey. Lumalaki na din si Ralicia kailangan niya nang malaman ang totoo" saad naman ni dad ano naman ang totoo at sino naman ang tinutukoy nila? Ako ba? Lumabas nako sa pinagtataguan ko.

"What's the truth" malamig kong saad minsan lang ako ganitong makitungo sa kanila at kita naman ang gulat na makikita sa mga mukha nila.

Hindi sila makaimik kaya tumingin ako kay mom umiwas naman siya ng tingin. Tumingin din ako kay dad umiwas din siya. Napadako naman ang tingin ko kay ate umiwas din siya na curious lang naman ako pero bakit kinakabahan ako.

"Ano magiiwasan na lang kayo" saad ko sa kanila nawala tuloy gutom ko. Lumapit naman si mom sakin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Darling anak ahh... Ano ka-si" nahihirapang saad ni mom halata naman kasi nauulat siya.

"Spill it" seryosong saad ko. Hinila naman ako ni mom at sinenyasan na umupo kami. Tumingin siya kay dad at ate tango lang ang sagot ng mga ito malalim na humunga si mom bago magsalita.

"Anak kung may malaman ka man ngayon sana hindi pa rin magbago ang pakitungo sa amin at lagi mong tatandaan huwag mong ipapairal ang galit dahil ang galit ay siyang magpapababa sayo" malumanay na saad ni mom tinanguhan ko siya bilang sagot pero hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin nila kasi nga curious lang ako.

"Hindi kasi kami ang totoo mong magulang,  pero wag ka sanang magagalit sa amin" daretsyong saad ni mom sabay tungo niya. Hindi ako makapagsalit kasi nasaktan ako bakit? Paano? Walang lumalabas sa bibig ko sa sinabi ni mom

"Ralicia hindi din nila ako tunay na anak at hindi din kita tunay na kapatid. Pinangungunahan na kita huwag kang magagalit sa amin dahil hindi namin sinabi sayo at alam namin na mahirap tanggapin ang katotohanan pero iyon ang totoo" saad naman ni ate. Hindi ako nagsasalita nakikinig lang ako sa kanila hindi ko mai-aplay sa aking isipan ang mga sinabi nila.

"Anak sorry kung hindi namin sinabi sayo ang totoo at ngayon mo lang nalaman naghahanap lang kami ng pagkakataon kung paano namin sasabihin sayo. At maniwala ka sa hindi itinuring namin kayo ng ate mo na totoong anak" saad ni mom ulit kaya napatingin ako sa kanya tahimik lang si dad hindi nagsasalita.

"Kung ganon sino po ang totoo kung mga magulang at bakit nila ako pinamigay sa inyo" daretsyong tanong ko sa kanila.

"Anak this is not the right time to tell you kung sino ang magulang mo kasi ikaw mismo ang makakatulas doon dahil iyon ang dapat" saad ni mom ulit. Bakit? Hindi ba nila kilala ang totoo kung magulang.

"Bunso may isa pa kaming sasabihin sa iyo" pabitin na saad ni ate yinanguhan ko naman siya. "Hindi kasi tayo ordinaryong tao" saad niya pa na nagpagulo ng aking isipan.

"Anong hindi ordinaryong tao?"nagtatakang tanong ko sa kanya.

" Hindi tayo ordinaryong tao kasi mga immortal tayo nila mom and dad. Para malinaw sayo diba napapalabas mo ang kapangyarihan ng yelo" saad ni ate tumango ulit ako bilang sagot. " Ibig sabihin isa yan sa mga kapangyarihang may roon ka at ang yelo ang unang lumabas kung saan pangalawa mo na iyon na gamit"pahabol na saad ni ate na mas lalong ikinakunot ng noo ko napansin ata ni dad kaya nagsalita na siya.

"Anak ganito kasi iyon hindi tayo mortal na tao at hindi din dito ang ating tirahan sapagkat may sarili tayong mundo kung saan nandoon ang may mga kapangyarihan" saad ni dad.

"Pero bakit tayo nandito at ate diba sabi mo mga kapangyarihan ibig ba niyong sabihin..." Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko ng magsalita si ate.

"Yes bunso hindi lang yan ang kapangyarihang mayroon ka dahil marami pa at ikaw lang ang makakatuklas noon"saad ni ate.

"Alam naming marami kang katanungan ngunit ikaw lang ang makakasagot niyan kung babalik ka ng pinangalingan natin" saad ni mom

"Bunso sasabihin namin sayo ang totoong identity namin" saad ni ate sabay tingin kay mom na parang humihingi ng go signal.

"Anak Rana Mendel talaga ang name ko walang nagbago pero may kapangyarihan ako at ito ay Plant manipulator I can control all living plants and telephaty powers" saad ni mom wow may ganoon pala nakita ko naman ngumiti sila baka dahil sa expression ng mukha ko.

"Ralicia anak ako naman ganoon pa rin ang name ko Ross Mendel my power is plant manipulator also and Healer din pero hindi gaano ko nagagamit dahil hindi ako expert" saad naman ni dad tinanguhan ko lang kasi wala nakong masabi.

"At Bunso hindi Roxanne Mendel ang totoo kong pangala but don't worry I'm still your ate and I use that name pa rin. I am princess Froxanne Raven the princess of all fairies but nagiisa na lang ako and also your guardian angel" ngiting saad ni ate wow ang ganda pala ng pangalan niya. At ano daw? prinsesa pero bakit siya nandito at ibig sabihin pwede akong humiling ng kahit anong gusto ko. Bigla naman silang tumawa na ikinataka ko at pagkangunot ng noo ko.

"Nababasa ko ang isipan mo bunso kaya iblock mo yan" ngiting saad ni ate.

"Pero ate anong guardian angel at pwe---" diko naituloy ang sasabihin ko ng pangunahan niya na ako.

"Guardian angel gagabayan kita sa lahat ng pagsubok mo at laging taga suporta sayo. At oo pwede kang humiling pero hindi talaga ako ang totoo mong tagagabay or should I say Dragon guardian angel dahil nasa mundo natin iyon at sa pagbabalik mo lang siya makikita at sayo lang iyon nagpapakita pero depende nadin kung gusto niya magpakita sa iba" salaysay ni ate na ikinatango ko lang kasi nakikinig ako gusto ko pang malaman ang iba.

"At isa pa, doon mo din makikilala ang black dragon na siyang alaga mo na pwede din sakyan magpapakita din iyon sayo kung nararamdaman ni black dragon ang presensiya mo at ang kulay pala niya ay
Purple na may light blue matatagpuan mo lang siya sa 'Garden Shan' na ikaw lang din ang makakatuklas. Ang pangalan ng kingdom natin ay Lightacia Light Monarchy ang kahariang pinakamakapangyarihan at white light kingdom ay isang paaralan na lahat ng mga white magic user ay doon nag-aaral." Pagkwento ni ate siguro maganda doon kasi ang mga tao doon may kapangyarihan.

"Oo maganda doon kung makikita mo lang ang ating pinanggalingan pero hindi ka pa namin pipiliting makapunta doon dahil kailangan mo munang itraine ng husto para masanay kana sa lahat ng mga galaw mo" saad ni mom oo nga pala nakakabasa nga pala din si mom ng isip.

"Ehhh mom paano kung ready nako" nag-aalanganin kong saad.

"Then,  are you ready for your training?"seryosong saad ni mom. Kapag seryoso pa naman siya kailangan matinong sagot ang isasagot mo. Tumango tango naman ako bilang sagot.

"Okay then, be ready for tomorrow"ngising saad ni mom at alam kong papahirapan nila ako bukas kaya dapat mahaba haba ang tulog ko nito. Napatingin naman ako kay ate na ikinangiti niya ganoon din si dad.

Handa na nga ba ako? Gusto ko lang ang mabilisang pagpunta sa dating tirahan namin kasi nga curious ako.







Thank you so much readers. Have a safe everyone and God bless you all😊

-----------------------------------------------------------
Follow me on my social media accounts:
Fb: Joanna Robante
Ig: @mayamjvr
Twitter: joannarobante

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon