CHAPTER 49

125 10 6
                                        


Pagtungtong pa lang namin sa akademya ay ingay at gulo ang bumungad sa amin. Nakikita namin ang mga estudyante at mga Findarian na kalaban ay naglalaban na. Talagang magaling ang mga kampyon ni Arnold ang hari ng kadiliman ng Findarian sinakto talaga niya ang paglusob ng wala kami. Akala niya ata maiisahan niya kami ngunit nagkakamali siya. 


Hinanap ng mata ko si HM kaya nagtungo ako sa kaniya napansin naman niya ako.


"Kanina pa ba umatake ang kalaban" tanong ko at pinagmasdan ang mga estudyangteng nakikipaglaban. Ang mga hari at reyna ay susunod na lang daw. Unti unting tumango si HM. Nagsenyasan naman kami na simulan na din ang laban.


Inatake naman ako ng isa sa mga findarian umilag lang ako at siya namang labas niya ng kapangyarihan ng apoy kaya naglabas ako ng nagyeyelong tubig upang tunawin iyon at nag gawa ko nga. Nakikipaglaban din ang mga kasamahan ko at nakikita ko na mabibilis ang galawan nila. Na pansin ko naman na may kalaban sa likod ni Aira kaya mabilis ko iyon tinira ng bolang tubig ayun naglaho na. Nagulat naman siya ngunit nakabawi din sa pagkagulat at nagpasalamat sa akin ngumiti lang ako sa kaniya. 


"Ang dami nila talagang pinaghandaan ang paglusob" saad ni Tyler. Nagpatuloy lang kami sa pakikipaglaban hindi pa rin maubos ubos. Nakarinig naman kami ng malakas na pagsabog kaya napatingin kami doon nakita namin na dumating si Prince Leron kasama si rica na may mga ngisi sa labi.


"Oh. Nandito na pala kayo mga prinsesa at prinsepe kanina kasi wala kayo" halakhak na saad nito na may ngisi sa mga labi.


"Oo nga nagkataon na wala kami kaya lumusob kayo kanina" pabalang na saad ni Aira. Lumusob naman sila ulit sa amin kaya naghanda ulit kami. Kalaban ko si rica ngayon malakas ang impakta.


"Kamusta ka ngayon ang nagiisang prinsesa ng diwata" ngising saad nito.


"Mabuti kaso nakakita ako ng impaktang katulad mo" natatawang saad ko napikon naman siya kaya nagpalabas ito ng apoy na bola ngunit na ilagan ko naman iyon. Ako ngayon ang naglabas ng bolang tubig upang ipatama sa kaniya kaso na ilagan niya iyon gumawa na lang ako ng espada na yelo para gawing sandata iyon, ilag lang ako ng ilag at ganoon din siya. Masasabi kong malakas siya parang nahihirapan akong kalabanin siya pero kailngan kayanin ko ito nagulat na lang ako ng naglabas siya ng blade na apoy kaya nasugatan ang braso ko napahawak naman ako doon at humarap sa kaniya ngunit nawala ito. Inilibot ko ang paningin ko upang hanapin siya kaso bigo ako.


"Ayos ka lang ba" nag aalalang saad ni Alex sa akin at hinawakn ang braso ko. Tumango lang ako at binigyan siya ng matamis na ngiti kahit kumikirot ang sugat ko. Pansin ko din sa iba na may mga sugat na sila ngunit wala pa sa kalahati ang napatumba namin at nahihirapan na ng mga eatudyante ng akademya. Dumating na din ang mga hari at reyna kaya tinulungan kami.


"Malalakas sila at mabibilis ang kilos" saad ko inilibot kong muli ang tingin ko sa paligid na kita ko si Ellena na nakikipaglaban napapalibutan ito ng mga kalaban bilid din ako sa kaniya hindi ko inaakala na malakas siya at ang bilis ng kilos niya napatumba niya naman agad ang kalaban niya. Nagtataka ako kung bakit may nagbago sa kaniya. Dahil kakaiba ang kilos niya para bang hasa na siya sa ganoong galawan. Nabaling ang atensyon namin kay rica na ngayon ay hawak niya sa leeg si Irish na may mga sugat at namimilipit sa sakit.


"Mukhang nanghihina na kayo mga prinsesa at prinsepe" ngising saad ni rica at ngayon at itinaas si Irish kaya napadaing iyon.


"Arrghhhhh" daing ni Irish tiyak kong sobrang sakit noon dahil sa higpit ng kapit ni Rica sa leeg niya. Lalapit sana ako para makuha si Irish ngunit pinigilana ko ng isnag kamay napatingin naman ako doon si Alex lang pala, binigyan niya ako ng tingin na huwag lumapit kaya sinunod ko na lang.


THE GREAT PROPHECY OF SHANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon