Hindi ko alam kung bakit iyon ang ginawa ni Alicia. Kailangan may gawin ako, sinenyasan naman niya ako nakunin ko si Tacia na siyang ginawa ko inalalayan ko si Tacia at pinunta doon sa mga kasamahan namin.
"A-te roxanne si ate pa-rang awa mo na tu-lungan mo siya" nahihirapang saad ni Tacia kita sa mga mata niya na sobra siyang nag-aalala sa kapatid niya. Ngumuti lang ako bilang sagot sa kaniya. Sinenyasan ko naman si Irish na simulan na namin. Aalis na sana ang mga kalaban ngunit naunahan namin sila sinilo ko si Ralicia na ngayon ay nakagapos na maging ang paa niya.
"Ang bilis niyo naman ata. Hindi pa nga tayo tapos eh" ngising saad ko doon na kami nag-umpisa ni Irish na lumaban. Lumaban din ang mga kasamahan namin at yung ibang estudyante ay nakatayo lang pinapanood kami.
"Ahhrggghh" sigaw ni Rica ng masugatan ko siya sa braso niya.
"Hahaha. Ikaw ngayon ang sumuko kung ayaw mong mamatay na" natatawang saad ko. Ngumisi naman siya sa akin. Tumayo siya kahit hirap na siyang makatayo.
"Hindi pa tayo tapos babalikan ko kayong lahat. Lalo ka na Shan. Papatayin kita" saad ni Rica at biglang naglaho ng parang bula ganoon din ang mga alagad niya.
"Huli na ba ako" isang tinig na nagpalingon sa amin doon ko nakita ang kakaibang awra na meron siya. Yumuko naman kami ni Irish bilang pagbibigay galang kami palang ni Irish ang nakakaalam sa totoong katauhan niya. Ang mga reyna, hari at kasamahan namin ay hindi alam ang gagawin dahil sa ipinakita namin.
Lumapit ako kay Ali na ngayon ay naminilipit dahil sa tali niya kaya tinanggal ko iyon. Lumapit naman ang iba sa amin. Inakay ko siya ngunit binitawan niya iyon lalapit sana siya kay Tacia ng pigilan siya ni Eli.
"Ako ng bahala kay Tacia Ali" saad ko ngunit sadyang makulit siya lumapit pa siya doon. At nagpumiglas kay Eli.
"Ga-gamutin kita Tacia nandito na si ate" may luhang saad nito gagamutin niya sana ito ng pigilan ko dahil hindi niya maaaring gawin iyon dahil siya naman ang mawawala alam kung tapos na ang sumpa sa amin dahil lumitaw na ang marka sa likod ng balikat niya.
"Ako na ang gagamot kay Tacia. Tumayo ka diyan" saad ko sinenyasan ko naman si Eli na kunin si Ali.
"Hindi. Ako na...Ako oh kaya ko" makulit na saad nito at nagpupumiglas sa hawak ni Eli.
"Pwede ba Alicia. Hindi ko naman papabayaan ang kapatid mo at alam mo naman na hindi ka pwedeng manggamot, pakiusap lang oh yung kapakanan mo naman ang unahin mo hindi yung kami. Huwag kang mag-alala papunta na din dito sila mom and dad sila ang gagamot kay Tacia." Pakiusap ko sa kaniya ang tigas talaga ng ulo niya.
"A-te kaya ko naman. Wala na yung sumpa oh" may luhang saad nito.
"Alam ko. Kaya makinig ka sa akin alam ko na may susunod pa kaya umalis kana sumama ka na muna kay Eli. Pakiusap ko ulit sayo sarili mo muna. Huwag kang mag-alala akong bahala dito" nagsusumamong pakiusap ko sabay lapit sa kaniya at hinalikan siya sa noon pinunas ko naman ang mga luha niya ngumiti lang ako sa kaniya. Sinenyasan ko naman si Eli na umalis na sila.
"Sa-ndali... Saan mo dadalhin ang a-nak ko" tila naguguluhang saad ng reyna na si reyna Ana. Kaya napabaling ang atensiyon namin sa kaniya ganon din si Alicia nakikita ko sa mga mata niya ang kasabikan na mayakap ang kaniyang totoong magulang.
"Eli. Sige na umalis na kayo ako na magpapaliwanag sa kanila" saad ko at yumuko ulit sa kaniya. Tumango naman siya bilang sagot umalis na din sla. Humarap ako sa mga kasamahan ko at sa mga reyna at hari na katabi ngayon ng mga prinsesa at prinsepe. Tumabi naman sa akin si Irish.
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...
