CHAPTER 5 FLASHBACK (2)

234 11 0
                                    


Sa isang magarang mansyon may isang buong pamilyang magkakasama habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanilang anak na babae. Masayang dinaraos ng pamilya ang kaarawan ng kanilang anak nang may maramdaman silang kakaibang enerhiyang bumabalot sa kanilang paligid kaya natigil ang mag-asawa sa kanilang ginagawa.

"Nararamdaman mo ba iyon" kinakabahang saad ng asawang babae sa asawa nito.

"Oo at ramdam ko din na malakas iyon" saad ng asawang lalaki sa asawang babae. Dahil nga malakas ang enerhiyang naramdaman nila. At hindi mawari kung ano iyon dahil sa lakas noon.

"Nasan ang anak natin" tila kinakabahang saad ng babae sa asawa nito.

"Iniwan natin siya kanina sa sala" saad ng lalaki sa asawa niya.

"Tara hanapin natin ang anak natin baka kung ano na ang nagyari doon" natatarantang saad ng babae sa asawa niya.

Tango lang ang isinagot ng lalaki sa asawa nito kaya dali-dali nilang hinanap ang anak nila sa buong sulok ng mansyon na iyon  at laking pasasalamat nila na masayang naglalaro ang kanilang anak sa labas ng bahay nila.

Hindi pa man sila nakakapunta sa kinaroroonan ng kanilang anak nang biglang may sumulpot na isang nilalang sa kanilang harapan. Gulat at kaba ang naramdaman ng mag-asawa dahil hindi nila mawari kung sino ang naka pulang nakabalabal. Nag-angat naman ng tingin ang nilalang at kasabay noon ang pagbagsk ng pulang balabal na nakatabon sa mukha nito. Mas nagulat naman ang mag-asawa sa nakita nila. Binigyan lang nang nilalang ng matamis na ngiti ang mag-asawa.

"Hello po" nakangiting wika ng babaeng nilalang hindi makasagot ang mag-asawa dahil sa kilos na ipinakita ng babae.

"Mommy! Daddy! Sino po siya" na balik naman sila sa realidad ng magsalita ang kanilang anak habang nakaturo sa nilalang na sumulpot kanina. Magsasalita na sana ang mag-asawa ng pangunahan sila ng nilalang na iyon.

"Hi baby! Im youre ate anne" nakangiting saad ng nilalang. Nagulat naman ang mag-asawa sa sinabi ng nilalang na iyon.
Ngunit ang kanilang anak makikita sa mukha nito ang saya dahil may nakakatanda pala siyang kapatid.

Yumakap naman ng batang babae sa nilalang na ate anne nga daw niya. At habang nakayakap ang mag-ate sinenyasan niya ang mag-asawa na magpapaliwanag siya at huwag matakot sa kanya,  tumango na lang ang mag-asawa bilang sagot.

Natapos ang buong mag hapon na masayang nairaos ng pamilya ang kaarawan ng kanilang anak. Naikwento simula una at naipaliwanag ng maayos kung ano nga ba ang ipinaparating nang
nagngangalang anne kung sino at kung ano ang pakay niya sa pamilyang iyon  lalo na sa ank nila kaya pumayag na lang din ang mag-asawa dahil nakikita nila ang saya ng anak nila dahil may kapatid pa pala ito.

Pero hindi pa rin mapanatag ang ginang kung totoo ba o hindi mapapagkatiwalaan ang nilalang na iyon at kung bakit ganoon na lang ang intensyon ng nilalang sa kanila. Subalit kailangan niyang paniwalaan kahit hindi dahil ang nilalang na iyon ay may  malakas na enerhiyang hindi nila mawari at kailangan din nila para sa kaligtasan ng anak nila.




~Thank you so much readers. Have a safe everyone and God bless you all 😗😗😗

----------------------------------------------------
Follow me on my social media accounts:
Fb: Joanna Robante
Ig: @mayamjvr
Twitter: joannarobante

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon