Buwan na ang lumipas ng maganap ang matinding digmaan at iyon ang huli naming punta sa akademya. Wala na akong balita sa kanila simula noon pero tiyak kong si Tacia na ang namumuno sa aming kaharian at na sisigurado ko din na nakapunta sila Ate Anne at kuya sa kaharian ng Crymere kung saan ako ang nagpangalan at nagtayo muli. Sana ganoon din ang mga ibang prinsesa at prinsepe.Nabaling ang aking paningin sa mga Bathala na nag-uusap usap kaya nagtungo ako sa kanila. Hinanap naman ng mata ko si Eli ngunit wala siya.
"Hinahanap mo ba siya. Hinatid lang si Frelix sa silid nito" saad ni Ate Ai na ikinatango ko naman.
"May nasabi pala sa akin si Aluxio. Tutungo kayo ng akademya bukas" pahayag nito. Gusto ko kasing dalawin sila kaso nahihiya akong magpaalam kay Reyna Natacia.
"Kung papayagan niyo po kami" nahihiyang saad ko na ikinatawa naman nila kaya napasimangot ako.
"Papayag ako alam ko naman na gusto mo silang dalawin" may ngiting saad ni Reyna Natacia kaya mabilis ko itong niyakap. Nagkwentuhan lang sila habang ako'y nakikisali na din. Nagulat naman ako na may humalik sa pisnge ko buti na lang ay abala sila at malayo ako ng unti sa kanila. Sinamaan ko naman siya ng tingin napatawa lang siya ng mahina.
"Tulog na ba si Frelix" tanong ko dito na siyang upo niya sa tabi ko at kinuha ang kamay ko.
"Oo napagod ata pag-ensayo niya" tamad na saad nito kaya napatingin ako sa kaniya.
"Matulog na tayo. Alam kung pagod ka din" saad ko at hinila na siya nagpaalam naman kami sa mga Bathala na mauuna na kami sa pagtulog.
Kinabukasan maaga akong kumilos upang maghanda dahil tutungo kami sa akademya at sana nandoon sila lahat. Ginising ko na din si Frelix para makapaghanda na siya ayaw niya pang bumangon kanina buti sinabi ko na aalis kami upang pumunta sa akademya na siyang ikinasigla niya.
Nakasalubong ko sa pasilyo si Fintan na kalalabas ng kaniyang silid kaya yumuko ako sa kaniya bilang paggalang natawa naman siya.
"Hindi mo na kailangan gawin yan Alicia parang hindi ka diyosa. Siya nga pala ngayon ang alis niyo diba?" tawang tanong niya na ikinatango ko at nagpaalam na sa kaniya na babalik ako sa aming silid ni Eli. Nadatnan ko naman siya na nakabihis na lumapit ako sa kaniya hindi na ako nagulat ng hapitin niya ang bewang ko palapit sa kaniya at ako'y hinalikan sa labi na siyang tinugunan ko. Natigil lang ang halikan namin ng marinig namin na may kumatok.
"Magandang umaga aking reyna ang sarap ng mga labi mo" malambing na saad nito at umalis sa harap ko upang tignan kung sino ang kumatok. Ramdam ko na namumula na ako kaya pinaypayan ko ang aking mukha gamit ang kamay ko.
"Tara na po" narinig kong saad ng anak namin na kanina pa sabik na sabik na magtungo kami ng akademya. Niyaya na nila ako at nagpaalam lang sa mga Bathala na aalis na kami binigyam lang kami ng tatlong araw upang mamalagi doon dahil bawal kaming magtagal kasi may mga tungkulin kami na dapat gampanan. Naglalakbay kami ngayon patungong akademya may kasama kaming apat na kustable na kung saan kami ay maihahatid ng ligtas.
Makalipas lamang ng ilang oras ay nandito na kami sa tarangkahan ng akademya hindi nila alam na kami ay pupunta dito. Naghawak kamay kami upang mag teleport sa opisina ni HM para walang makakita sa amin at gusto kong isorpresa ang mga hari, reyna, prinsesa at prinsepe. Pagtungtong namin sa loob ng pintuan ni HM ay gulat na gulat siya sa pagsulpot namim kaya ngumiti na lang ako. Yumuko naman siya sa amin tanda ng paggalang.
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...