Maaga akong nagising dahil bibisitahin ko si bunso at alam kung doon din natulog sina mom kasama siya. Naghanda muna ako ng aking susuotin at nagtungo na sa banyo para maligo. Matapos ko naman ang dapat gawin ay lumabas na ako sa aking silid tahimik naman akong lumabas dahil baka natutulog pa sila wala din akong balak na gisingin sila at wala din akong balak na kumain dahil hindi pa naman ako nagugutom.
Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Natalie nasa sala hindi ko na lang pinansin kung anong ginagawa niya nagdaretsyo lang ako sa main door ng dorm namin ngunit hindi pa ako nakakalabas ng pintuan ay nagsalita siya.
"Ahh... Ate Roxanne hindi ka ba muna kakain" mahinahong saad niya hindi ako lumingon at umiling lang bilang sagot pinihit ko na ang seradura ng pintuan ay may nagsalita na naman.
"Ate Roxanne so-rry pala kahapon" paghingi ng paumanhin ni Tacia. Lumingon naman ako kung saan siya nasa likod din niya ang ibang Prinsesa. Tinanguhan ko lang siya at ngumiti sa kanila. Lumabas na ako ng dorm namin. Hindi pa ako nakakalayo sa dorm namin ng may nagsalita ulit. Inis naman akong humarap doon.
"Ang aga pa ahh... Saan ka pupunta" nagtatakang saad ni Alex kasama din niya ang mga Prinsepe.
"Kay Ralicia" tipid kong saad sabay talikod hindi ko na sinagot ang huli niya pang sinabi.
"Susunod kami doon" sigaw niya na alam kong nakapasok na ang ibang Prinsepe sa loob ng dorm namin.
Naabutan ko naman sina mom na abala sa pag aayos ng gamit nagtaka naman ako sa kinikilos niya.
"Mom good morning po. What are you doing po" magalang na saad ko sabay halik sa pisnge.
"Darling our company need your dad so we need to go home before afternoon" abalang saad ni mom inilibot ko naman ang mga mata ko.
"And where's daddy" tanong ko sabay lapit sa higaan kung saan natutulog pa si bunso.
"At the HM office"
"And why our company needs daddy" nagtataka kong tanong ulit dahil alam ko naman na may nagmamanage sa kompanya namin doon sa mundo ng mga tao.
"Because of the company share" tango lang ang nagawa ko sabay higa sa kama.
Maaga pa naman kaya natulog muna ako sa tabi ni bunso tumagilid naman ako gusto ko kasing yakapin siya alam kong ayaw niya na lagi siyang kayakap pero wala na siyang magagawa.
"Mom kumutan niyo ko kapag may dumating na ibang tao" saad ko dahil na ka short lang ako at naka longsleeve sanay naman ako na hindi nagkukumot pero masyadong maikli ang aking short baka may biglang pumasok dito nakakahiya naman. Alam ko naman nagagawin iyon ni mom. Naiinitan din kasi ako ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil gusto ko nang matulog.
Naramdaman ko naman ang paligid na ang ingay ngunit hindi ko iminumulat ang aking mata kinapa ko naman ang aking katawan kung nakakumot ako buti na lang nilagyan ako ng kumot. Bumangon naman ako at doon ko nakita ang mga royalties nakaupo sila sa sopa tinapunan ko lang sila ng tingin napatingin naman ako kay bunso na tulog pa din.
"Mom hindi pa din ba nagigising si Bunso simula kahapon" bagot na saad ko. Ang tagal naman kasi niyang gumising naiinip na ako.
"Hindi pa. Wait kumain ka na ba" tanong niya sakin. Nandito na din pala si daddy. Bumangon muna ako sa pagkakaupo at lumapit kay daddy para mahalikan siya sa pisnge. Ngumiti naman si daddy sakin.
"Im full pa po. Dad kailangan ka daw sa company" takang tanong ko kahit naman na sinabi ni mom.
"Yes" tipid na saad ni dad. Bumalik naman ako sa higaan at hihiga ulit ngunit na pansin ko na may jacket doon. Nagtaka naman ako kung kaninno iyon. Napatingin namn ako kay mom nakuha naman niya ang pahiwatig ko.
"Kay Alex yang jacket nadaganan mo kasi ang kumot ayaw naman kitang gisingin kaya iyang jacket na lang ang pinakumot niya" paliwanag ni mom binalingan ko ng tingin si Alex nakatingin pala siya sa akin umiwas naman ako tingin at bumalik na sa higaan para makahiga nagkumot na lang ako inilagay ko ang jacket ni Alex sa gilid.
"Kumain na ba kayo mga iha at iho" rinig kong tanong ni mom sa mga royalties.
"Opo kumain na po kami bago pumunta dito" na rinig kong sagot ni Alex.
"Bunso gising kana. Kapag hindi ka gumising ngayon araw alam mo na gagawin ko sayo" saad ko dito niyakap ko ulit so bunso at siniksik ang sarili sa kanya.
"Anne baka magising naman ang kapatid mo" pag papaalala sakin ni mom.
"Mom ang tagal niyang gumising" nababagot kung usal dadaganan ko na sana si bunso ng may nagsalita.
"Sige subukan mo lang" isang tinig ang narinig ko kaya napatigil ako.
"Ang bigat mo ate" nahihirapang saad nito kaya napabangon naman ako.
"Gising kana" hindi kapanipaniwa- lang usal ko.
"Hindi. Patay ako patay" pilosopong saad nito agad ko naman dinaganan siya.
"Sorry bunso" naluluha ko na namang saad natahimik siya hinayaan lang niya ako niyakap naman niya ako habang ako din ay nakayakap sa kanya.
"It's okay ate" pagpapahinahon niya sa akin. Kumalas ako sa yakap at bumangon kaya ganoon din ang ginawa niya.
"Are you feeling well darling" nag aalalang saad ni mom. Ngumiti lang si bunso bilang sagot minsan lang siya ngumiti kaya napangiti din ako. Niyakap naman siya ni mom at dahil inggetera ako nakiyakap na din ako.
"Ay naglalambing ang mag iina ko" nakangiting saad ni dad sabay lapit sa amin at kinulong kami sa malalaki niyang mga bisig nakita ko naman ang mga royalties na nakangiti sa amin.
Matapos naman ay nagpaalam na sina mom na aalis na babalik na lang sila kapag natapos na ang dapat ayusin sa kompanya. Nandito pa din ang mga royalties nagdala pala sila ng pag kain Kanina at dahil nagugutom na ako tinignan ko si bunso.
"Gusto mo kumain. Huwag ka ng tumanggi dahil kakain tayo" nakangiti kong saad sabay tayo at lumapit doon sa mga pagkain. Ramdam ko naman na lumapit si Natalie sa tabi ko.
"Tulungan na kita ate mag handa" nakangiti nitong saad tumango naman ako bilang sagot. Matapos iyon ay pumunta nako kay bunso at inabot ang pag kain niya. Inalok ko naman sila pero busog pa daw sila. Katahimikan ang namayani sa aming lahat.
"Oo nga pala ate Ralicia. Congrats 100 score mo sa leveling kahapon" masayang balita ni Tacia na siyang ikinalingon namin sa kanya.
"Talaga" hindi makapaniwalang saad ni bunso tumango naman silang lahat alam ko naman na makakapuntos si bunso ng mataas.
"Grabe ang lakas mo parang si Tacia lang" bilid na saad ni Aira.
"Ate Roxanne sorry din pala kahapon sa mga nasabi namin sayo" paghingi ulit ng pasensiya ni Natalie.
"Its okay I understand" nakangiti kong saad lumapit naman silang mg babae sa gawi namin at niyakap ako. Lumapit din sila kay bunso upang yakapin at kamustahin.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...