Nakabalik na kami ng aming kaharian at sinabi na din namin kay HM na kasama na namin si Tandang Tasno. Sinabihan lang kami na magpahinga na at siya na bahala kay Tandang Tasno. Makalipas ng ilang oras ay nagising ako dahil nagugutom na ako. Bumaba naman ako sa kusina alam ko na tulog pa sila dahil anong oras na din kami nakauwi dahil sa paglalakbay galing sa palasyo ni Tandang Tasno. Kumuha lang ako ng pwedeng makain nakakita naman ako ng tinapay at kumuha na lang ako ng tubig. Umupo ako sa isang upuan. Hindi ko pa nasusubo ang tinapay ng bigla na lang na may naglapag na pagkain sa harapan ko. Inangat ko naman ang aking tingin sa nilalang na naglapag ng pagkain. Bakit ba lagi siyang sulpot ng sulpot kung saan nandoon ako. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.
"Ito ang kainin mo hindi yan. Hindi ka mabubusog sa tinapay" may pagka utos na saad nito at umupo sa harapan ko. Tatanggihan ko pa sana kaso binigyan niya ako ng kakaibang tingin kaya wala na akong nagawa. Bakit ba lagi na lang akong talo sa kaniya. Nakakainis na siya. Kumain na lang ako kaso hind ako makakain ng ayos. "H-uwag ka ngang tumingin" naiinis na saad ko sabay inom ng tubig. Inilagay niya lang ang kamay niya sa mesa at sumandal. Tinapos ko na lang ang pagkain ko. Aalis na sana ako sa kusina ngunit hinawakan niya ang kamay ko.
"Ahmm"
"What?" Taas kilay na saad ko.
"P-wede ba kitang yayain bukas mamasyal lang" may hiyang saad nito napalunok naman ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bakit naman niya akong yayain. Sumagi sa aking isipan na pwede nga niya akong yayain dahil magkaibigan kami.
"Sa-an ba" naiilang na saad ko grabe ba naman siya makatingin sa akin.
"Basta" iyon lang ang sinabi niya at umalis sa harapan ko nakita ko na lang ang likod niya na papalayo sa akin. Nagtungo na lang ako sa aking kwarto. Hind ko na lang inisip ang sinabi niya at natulog ulit ako.
"Saan naman ang punta mo Ate Ralicia" bungad na saad sa akin ni Tacia ng makababa ako nandito silang lahat pwera na lang kay Franz. Magsasalita na sana ako ngunit bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang isang lalaki na bihis na bihis.
"Ready" bungad din na saad nito sa akin. Napatingin naman ako sa nga kasamahan namin na nakangiti at nakangisi na nagtatanong. Pwera na lang kay Irish na ngayon ay umiwas ng tingin at ginawa ang kanina pa niyang ginagawa. Tumango na lang ako bilang sagot.
"At saan kayo pupunta bro" nakangising saad ni Luke na ngayon ay katabi ni Natalie. Sinagot na pala ni Natalie si Luke noon nasa palasyo kami ng Tandang tasno matagal na palang nanliligaw iyon kay Natalie.
"Wala ka na doon" nakangisi na saad ni Franz na ngayon ay hinala ako papalabas ng dorm namin. Narinig pa namin ang tawag ng mga kasamahan namin na tumitili.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta nitong mokong na ito. Kinaladkad niya ako noong nasa dorm pa kami ang hilig niyang manghila ng kamay. Gusto ko siyang tanungin kung saan ba talaga kami pupunta dahil kanina pa kami naglalakad tapos nauuna siya ang hahaba ng mga biyas niya hindi ko maabot. Narating lang naman kami sa dating pinuntahan namin sa kaniyang Tree house mas lalo itong gumanda ilang araw, linggo at buwan na ba akong hindi nakakabalik dito dahil ang huli kong punta ay noon nahimatay ako. Pumasok lang kami sa loob ng walang imikan hindi ko na lang siya tinanong dahil napakaseryoso ng mukha niya hindi ko mabasa kung anumang tumatakbo sa isipan niya. Makalipas ng ilang minuto ay tatanungin ko sana kung bakit kami nandito ngunit naunahan niya na ako.
"Ralicia gusto kitang makasama ng tayo lang dalawa yung walang nakikiagaw ng oras natin. At sa totoo lang Ralicia hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sayo. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Hindi lang kaibigan ang turing ko sayo. Sorry kung sinasabi ko ito sayo ngayon hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko lalo na noong nandoon tayo sa palasyo ni Tandang Tasno naiinis ako kasi lagi mo na lang kasama si Aluxio" may pagkaseryosong saad niya nanlaki naman ang mga mata ko hindi ko alam ang gagawin ko para sa akin ang baha ng sinabi niya ngayon ko lang siya nakitang ganito na nagpapakatotoo ng tunay. Wala akong masabi parang gusto ko na lang maglaho na parang bula. Lumapit siya sa akin hinila ako tapos niyakap niya ako hindi ko maigalaw ang aking sarili.
"Okay lang kahit hindi ka magsalita. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko" may lambing na saad nito sa akin habang hinahaplos niya ang buhok ko. Huminga ako ng malalim na alam ko na ramdam niya. Umangat ako ng tingin sa kaniya dahil matangkad siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin gusto ko mang umiwas kaya lang hindi ko magawa.
"Huwag kang mag sorry. Kung anumang nararamdaman mo sa akin na higit pa sa kaibigan kung gayon ipagpatuloy mo lang at sa totoo lang din kakaiba na rin ang nararamdaman ko sayo hindi lang din kaibigan" pag-aamin ko sa kaniya sabay kagat sa aking labi at tumungo dahil nahihiya din ako sa aking sinabi. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.
"Hindi ko akalain na ang dating walang pakialam at malamig makitungo ay may pagkapilyo din pala" natatawang saad nito na ikinangiti ko lang.
Matapos ang maghapon at gaya nga ng sabi niya magkasama lang kami doon sa tree house na kami lang dalawa. Umuwi lang kami ng gabi dahil baka hinaganap na kami ng kasamahan namin at ang mga royalties at si ate may kakaibang ngiti ng makauwi kami. Nagtanong lang naman sila kung saan kami galing at ano ang ginawa at si Franz na ang umamin sa kanila na bigla naman sila hindi nila akalain na ang dating pihikan sa babae ay napaamo ko daw nagtawanan lang kami sa sinabi ni kuya Alex.
Dalawang Linggo na ang nakalipas at hindi ko na pinatagal na sagutin si Franz dahil doon din naman pupunta iyon. Sa nakalipas din na araw ay lagi kaming magkasama at alam na din ng ibang estudyante na kami na ni Franz si HM na bigla din dahil hindi nila akalain na magkakaroon ng karelasyon si Franz. At si Tyler at Chesca sila na din nalaman na lang din namin noong nakaraan patago din na nanligaw si Tyler kay Chesca. Si tacia at brix naman nasa ligawan stage pa, pakipot din si Tacia. Si ate roxanne naman ayaw daw muna niya magkaroon na relasyon basta nakikita niya akong masaya doon siya at sana makakita si ate nang lalaking mamahalin siya ng buo at aalagaan siya. Si Aira naman manhid pa din kay Bryle ito naman si torpe ayaw pang umamin.
Bakasyon ngayon at magkakasama lang kami dito sa dorm ng mga lalaki. Lagi na lang daw sila ang pumupunta sa dorm namin kaya kami naman ngayon. Nakita ko si Irish na mag isa lang kaya pinuntahan ko siya. Sa totoo lang sa nakalipas na linggo lalo siyang tumahimik at laging iwas hindi ko alam kung bakit.
"Hi" may ngiti na saad ko sabay tabi sa kaniya nagulat pa nga siya.
"H-ello... Bakit nandito ka" saad niya
"Eh. Ikaw bakit nandito ka. Tara sa loob" saad ko nasa beranda kasi kami pansin ko na kanina pa siya dito. At sa bagay abala nga siya sa ginagawa niya.
"Hindi. Gusto ko dito" tipid na saad niya tumingin naman ako sa ginagawa niya nagpipinta lang naman siya.
"Ang ganda naman niyan" manghang saad ko sabay patong ng kamay sa lamesa. Hindi niya lang ako sinagot at ipinagpatuloy niya ang pagpipinta. Ilang minuto ang lumipas ay nagsalita siya.
"Masaya ka ba ngayon sa kaniya" wala sa sariling saad niya kaya napangunot ang noon ko at tumingin sa kaniya. "Ibig kong sabihin ay masaya bang magkaroon ng karelasyon" pahabol na saad nito at tumigil sa pagpinta.
"Oo naman. Sobra. Lalo na't mahal niyo ang isat-isa" nakangiting saad ko. Hindi ko alam o namamalikmata lang ako dahil kita sa mata niya na may kakaiba siyang ipinapahiwatig.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasiShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...
