CHAPTER 33

110 7 8
                                    


Natigil ang lahat sa pakikipaglaban dahil sa salitang binitawan ko. Nakangisi akong nakatingin dito sa taong nasa harapan ko na alam ko din na nakangisi siya sa akin.




"Kilalang kilala mo na ako mahal na prinsesa" makabuluhang usal nito ngunit hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.




"Tsk! Paanong hindi kita makikilala nakalaban na kita noon pa at alam ko na ang galawan at kilos mo" nakangising saad ko ulit ramdam ko na may isang nilalang na tumabi sa akin.




"Ngayon binabati ko kayo tapos na ang misyon na ibinigay sa inyo dahil ang gusto ko lang ay matuklasan niyo kung anong klasing kapangyarihan ang mayroon ang hukbo namin at nalampasan niyo iyon" nagagalak na anunsiyo ni Amadeo na ngayon ay katabi na ni Tandang Tasno. Kita ko naman ang pagtataka ng ilan sa amin miski ako nagtataka kung paano namin nalampasan ang pagsubok na ito.




"Tila nagtataka pa kayo" saad ni Amadeo at tumingin sa akin. "Isa sa inyo ang nakatuklas na kapangyarihang taglay na mayroon ang aming hukbo na tinatawag na invisibility of power at ikaw iyon Ralicia" masayang anunsyo nito na ikinagulat ko. Kita ko naman sa mga mata ng kasamahan ko ang saya at tuwa sa mga mata nila dahil nalampasan namin iyon. Oo tama nga siya iyon ang lumabas sa isipan ko kanina dahil sa kinikilos ng nakakarami. "Kaya binabati ko kayo ng isang masaganang pagbati" nakangiting saad ni Amadeo na siyang ikinatungo namin bilang pag-galang.




"Paano mo nalaman iyon" nagtatakang tanong ni Kuya Alex.





"Hindi ko alam. Ahhmm.. lumabas lang sa isipan ko iyon kanina kaya nasabi ko sa isipan ko" pagpapaliwanag ko na ikinatango naman nila. Pinagpahinga muna kami at mamaya ipapatawag kami para sa mahalagang sasabihin ni Amadeo. Yung dalawang magkapatid ay nagpapahinga na din.




Matapos ang ilang oras ay pinatawag na kami sa hapag kainan at nandoon na silang lahat. Kasama si Tandang Tasno na ngayon ay nakabalabal pa rin hindi ko pa nakikita ang buong mukha niya simula noong nakalaban ko siya sa leveling day. Sinenyasan naman kami ni Amadeo na maupo na kaya naupo na kami katabi ko sa kabilang kanan si Aluxio at sa kaliwa ay si Franz nakanina pa tahimik.




"Kumain na tayo" saad ni Amadeo at nagsadukan naman kami ng aming kakainin nagulat pa ako ng tikman ulit ni Franz ang kinuha kong mga pagkain tinaasan ko lang siya ng kilay na nagtataka.




"Naninigurado lang" seryosong saad nito. Narinig ko naman tumawa ang ibang royalties na ikinangunot ng noon ko. Nag-umpisa na akong kumain ganoon din sila. Tahimik lang ang paligid ng magsalita si Tandang Tasno.




"Dahil na tapos niyo ang misyon ko. Bukas ng hapon ay magtutungo tayo ng inyong palasyo" seryosong saad nito habang ang mga kamay ay nakalagay sa lamesa.




"Talaga po. Sasama na po kayo sa amin" hindi makapaniwalang saad ni Aira na may tuwa sa mga mata niya.



"Tandang Tasno tanong lang po bakit nakabalabal ang mga mukha niyo" curious na tanong ni Tacia naikinatigil ng lahat.




"Bakit gusto mo bang makita kung ano ang nasa likod ng balabal na ito" ramdam ko na nakangisi siya sa mga binitawan niyang salita. Unting unting tumango si Tacia bilang sagot. "Sa takdang panahon prinsesa" makabuluhang saad nito ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain.







"Ahhmm.. Al--- este Ralicia gusto mo. Huwag kang mag-alala hindi maanghang yan matamis lang" alok na saad ni Aluxio sa akin kaya napatingin ako doon sa inaabot niya hindi ko alam ang tawag doon pero sa nakikita ko maraming nakalagay na prutas nahiwa hiwa at may tumpang sa ibabaw nito, napatingin din ako sa kanya nakatingin pala siya sa akin. Kukuhanin ko na sana ngunit may umagaw noon tinignan ko kung sino si Franz na naman.



"Naninigurado lang ulit" seryosong saad nito at siya na ang unang tumukhim noon. Inabot naman niya sa akin iyon. "Matamis nga at pagkatapos mong kumain niyan uminom ka ng maraming tubig" pagpapaalala niya sa akin at siyang tayu niya at lumabas ng kusina. Narinig ko naman ang malakas na halakhak ni Luke. Kaya napatingin kami sa kanya. Tinapos na lang namin ang pagkain upang makapagpahinga na dahil bukas aalis na kami upang bumalik sa aming palasyo.




Hindi pa ako inaantok kaya lumabas muna ako ng aking silid, upang makapaglakad lakad man lang. At dinala ako ng mga paa ko sa isang halamanan na puno ng mga makukulay na bulaklak. Umupo ako sa isang pabilog na upuan at tinignan ang mga bulaklak na nagsasayaw dahil sa hangin. Malamig dito at hindi ako nakapagdala ng anumang panangga sa lamig. Makalipas ng ilang minuto naramdaman ko na lang ang dalawang palad na pumatong sa aking balikat kasabay noon ang paglapat ng isang makapal na bolero tinignan ko naman iyon at nagulat ako ng makita ko si Aluxio.





"Gabi na anong ginagawa mo dito" saad nito sabay upo sa tabi ko.



"Wala lang" tipid na saad ko. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakikitungo ko sa kaniya siguro pasasalamat ko na lang dahil siya ang nagbigay ng lunas noong ako ay nawalan ng malay noon isang araw. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin.



"Bukas na pala ang balik niyo sa inyong pinanggalingan" basag niya sa katahimikan namin na ikinatango ko na lang. "Gusto mo gumala dito sa loob ng pasilyo bukas ng umaga" tanong niya sa akin.



"Sige. Masasamahan mo ba ako?" Balik na tanong ko dito na ikinangiti niya natulala tuloy ako sa mga ngiti na iyon na para bang nakita ko na iyon matagal na pero imposibleng mangyari iyon baka may kapare lang.




"Oo naman sasamahan kita kahit saan ka magpunta" saad nito sa akin.  "Balita ko galing kayong kabilang mundo" saad niyang ulit.




"Saan mo nalaman" takang saad ko.




"Hindi na importante iyon. Alam mo bang galing din ako doon" saad niya ulit kaya napatingin ako sa kaniya nakatingin pala siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.




"Galing ako doon kasi may misyon ako. Matagal tagal din ako doon ang dami kong naranasan na hindi ko nararanasan dito. Maganda sa kabilang mundo ngunit kakaiba ang mga tao doon kaya hindi ako... Tayo nararapat doon kasi kakaiba tayo. May isang tao akong nakilala doon na hanggang ngayon hinding hindi ko nalilimutan dahil naging parte na siya ng buhay ko. Siya lang ang umintindi sa akin lagi kaming magkasama noon kahit bawal naman dahil sobrang istrikto ng magulang niya kaya minsan lang kami magkita. Ngunit dumating ang araw na kailangan ko na siyang iwan dahil tapos na ang misyon ko. Alam kong nasaktan ko siya noon umalis ako ngunit anong magagawa ko talagang hanggang doon na lang ang oras na naibigay sa akin." Malungkot na saad nito at ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin.




"Tapos.... Ba--kit mo naman iyan kinukwento sa akin" tila nauutal kong saad dahil sa mga titig niya na ramdam na ramdam ko.

"Wala lang gusto ko lang ng may masasabihan" saad nito. Hindi na lang ako kumibo dahil wala naman akong masasabi. "At sa tingin ko malapit ko na siyang makasama muli" kaya napatingin ako sa kaniya nakatingin lang siya sa kalawakan na may ngiti sa labi.



"Bakit... Magkikita na ba kayo o pupuntahan mo siya sa kabilang mundo" daldal na tanong ko bakit ko ba tinatanong ang bagay na iyon.




"Oo. Pwede... Basta... Ang alam ko lang makikita ko na siya" tila naguguluhang saad niya. "Teka lang diba kapatid mo si Roxanne" tanong na saad nito sa akin kaya napataas ang kilay ko.




"Oo at bakit mo naman natanong. May gusto kaba sa ate ko" may pagkairita kong tanong. Narinig ko naman siyang tumawa ng malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin.



"Ako magkakagusto sa ate mo.. hahahaha" natatawang saad nito kaya kinurot ko siya sa tagiliran ayun tumahimik siya.




"Bakit maganda naman ang ate ko" mataray na saad ko sabay tayo ko kasi gusto ko ng pumasok sa loob at nararamdaman ko na ang antok ko.




"May iba akong gusto Ali"  isang tinig ang nakapagpatigil sa akin ngunit hindi ko narinig ang huli niyang sinabi at makalipas ng ilang minuto ay umalis na ako doon.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon