CHAPTER 39

89 7 20
                                    


Umuwi akong mag-isa na mabigat ang pakiramdam. Sobrang sakit hindi ko inaasahan na ganoon ang sasahihin niya. Bakit kailangan namin humantong sa ganito. Iyak lang ako ng iyak hindi ko namalayan nakatulog na ako. Nagising na lang ako ng may humahaplos ng buhok ko kaya napamulat ako.




"Bunso ayos ka lang" may pag-alalang saad nito sa akin napabangon ako at mabilis na niyakap siya at umiyak sa balikat niya


"A-ng sa-kit ate. Hi-ndi ko inaasahan na masasabi niya i-yon" lamat na saad ko habang umiiyak sa kaniya. Hinagod naman niya ng likod ko. Pinapatahan ako. Umalis ako sa pagyakap kay ate at tumingin sa kaniya.



"Oo alam ko na matagal na. Wala naman kasi akong karapatan na magalit sayo sadyang fairy guardian mo lang ako" saad ni ate na nakangiti.



"Ate sorry. Ayoko lang sabihin sayo. Ba-ka magalit ka sa akin" malumanay na saad ko hinawakan naman niya ang kamay ko upang pagaanin ang loob ko.



"Handa ka na ba" seryosong saad ni ate nag-isip muna ako bago sagutin siya.




"Hindi ko alam. Pero kailangan ko na" saad ko. Matapos ang usapan namin ni ate ay lumabas na siya ng silid ko dinalhan niya lang ako ng pagkain kasi tiyak niyang hindi naman ako lalabas ng silid ko.








Ilang araw na akong hindi pumapasok dahil may mahalaga lang akong ginawa. Nandito ako ngayon sa dorm ni Aluxio at Arnoux. Nandito na ako kahapon pa wala naman kasi silang pakialam sa akin simula noon. Hindi ko pa din siya nakakausap ng ayos dahil iniiwasan niya ako at lalo akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko siya na kasama si Shan. Bakit ang bilis naman niya makahanap ng iba habang ako ay nagluluksa sa pag-iwan niya sa akin. Hindi pa man kami tuluyang naghihiwalay bakit ganon siya.



Hindi ko alam kung na saan ang dalawang magkapatid dahil noong paggising ko wala sila dito. Hahanapin ko sana sila ngunit may narinig ako nag uusap.




"Kailan mo sasabihin sa kaniya" rinig kong salita hindi ko alam kung sino yun.


"Hindi ko alam" sabat ng isang boses.



"At kailan mo balak sabihin kung huli na ang lahat" rinig kong saad noong unang nagsalita at alam ko na si kuya Arnoux iyon.



"Mayroon na siya" rinig kong saad noong pangalawang boses na tiyak ko naman na si Aluxio iyon.



"Sabihin mo na sa kaniya ang lahat bago tayo bumalik sa pinanggalingan natin dahil ikaw naman ang nauna sa kaniya"



"Hindi mo ko naiintindihan. Hindi ko alam kung san ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Ralicia ang totoo" may lungkot na saad nito. Anong totoo. Bakit? Anong meron ba sayo Aluxion naguguluhan na ako. Lumabas ako sa pinagtataguan ko.



"Anong totoo" nagtatakang saad ko gulat naman sila ng makita ako. Nagkatinginan naman ang magkapatid hindi ko alam kung anong ipinapahiwatig nila.



"Sige maiwan ko na kayo. Aluxio sabihin mo na" paalam ni kuya Arnoux tango lang ang binigay ni Aluxio. Ngumiti naman sakin si kuya Arnoux na siyang binigyan ko din ng piling ngiti. Katahimikan ang bumalot sa amin at walang nagsasalita nakatingin lang ako sa kaniya at siya naman ay nakatingin din sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.



"Ano bang sinasabi niyo ni kuya Arnoux. Pwede bang sabihin mo na" curious na saad ko. Napatingin naman siya sa akin kaya napalunok ako hindi ko kaya ang mga titig niya.



"Huwag ka sana magagalit sa akin" saad niya bago huminga. Unti unti naman akong tumango. "Hindi lang kasi kami ordinaryong nilalang na may kapangyarihan. Ibang iba kami sa inyo sa kanila. At... at- marami akong sekreto. Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo" paliwanag nito umiwas naman siya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ba ako lumapit sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya. Bigla naman niya akong niyakap nagulat ako sa ginawa niya para bang yung yakap niya ay naramdaman ko na noon pa. Natigilan naman ako kasi ramdam ko na nabasa ang balikat ko.



THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon