"Come in" isang boses na naggaling sa malaki at gintong pintuan. Sinenyasan naman ako ni ate na sumunod sa kanya.Pumasok naman kami sa loob ni ate at makikita mo naman sa loob nito ang mga mamahaling kagamitan dahil sa kakaibang taglay na mga disenyong nakaukit dito. Mga haligi na parang gawa sa nga dynamiko na nagniningning sa ganda. Inikot kong muli ang aking paningin sa paligid dahil na mangha ako ng sobra sa ganda ng mga guhit na nakapaskil sa mga pader na nagmumukhang palasyo. Nabalik lang ako sa ulirat ng may isang ginang na nagsila.
"Ladies sit down and are you the new students here" pambungad nito sa amin umupo naman si ate kaya umupo na din ako sa kabilang sofa.
"Yes. And I am Roxanne Mendel and she is Ralicia Mendel my sister" nakangiting saad ni ate. Na alam naman niya na hindi ako magsasalita kasi alam naman niya na mailap ako sa mga tao.
"Ohh! The daughter's of Mr. and Mrs. Mendel. Hindi ko alam na mayroon na pala silang anak at mga babae pa" makabuluhang saad nito. Habang may inaayos na mga papel.
"Hindi lang po sinabi ng mga magulang namin dahil hindi pa kami handa noon" saad ni ate. Naniwala naman ang ginang kasi tumango tango ito at ngumiti.
"By the way im your headmaster Ellisabeth and the both of you will start the class tomorrow. For now you need to find your dorm room para makapagpahinga kayo" saad ng headmaster at may binigay na susi kay ate tinanggap naman niya ito.
"Thank you po headmaster. Can i ask" magalang na saad ni ate na ikinatunghay ulit ng ulo ng headmaster.
"And what is it" balik na tanong ni headmaster.
"Anong section and room namin" saad ni ate habang ako nakikinig lang dahil wala naman akong balak na magsalita.
"Ohh i forgot... Before that what's your powers and you also Ralicia" saad ni headmaster na bumaling ang tingin sakin.
" My power is Wind and Ralicia is Ice user" saad ni ate. Syempre sila lang ang nag-uusap. Dahil nga wala akong balak na makisabat sa kanila.
"Your an ice user that nice power. How she can handle it" nagtatakang saad ni headmaster. Tsk! Bakit kailangan ba niyang tanungin. Bago nagsalita si ate pinangunahan ko na siya.
"In my own abilities" malamig kong sagot dito na alam kung nabigla siya sa inasta ko dahil sa pakitungo ko. Hindi nmn nagsalita si ate dahil alam niya ang ugaling mayroon ako. Napatango tango naman si headmaster.
Makailang minuto may inabot siya sa amin na papel hindi ko alam kung ano ang nakasulat o nakalagay doon.
"Your section is golden class and your room you can ask your roomate" saad ni headmaster.
"Okay po mauna na po kami maraming salamat po ulit" magalang na saad ni ate. Tumayo nako tumayo na din si ate.
"Walang anuman. Isang magandang pagbabalik dito sa tunay nating kaharian" makahulugang saad ni headmaster. Na hindi ko mawari kung ano ang ibig niyang sabihin.
Matapos naming magpaalam sa headmaster ay lumabas na kami ni ate dahil hahanapin pa nga namin ang dorm namin para makapagpahinga na kami. Nakakapagod kayang maglakbay ng napakalayo.
Habang naglalakad kami ngayon sa hallway mayroon ng mga tao sa paligid. Papunta kami ngayon sa dorm ng girls kasi magkaiba ang dorm ng mga lalaki at babae.
"Sino kaya sila"
"May bago na naman kaso babae nga lang"
"Naramdaman niyo yun! Ang lakas nila"
"Yeah!!! And they look like princess"
"I agree with you"
"Tsk! Attention seeker"
"Mga bago sila ibig sabihin mahihina"
"Hahhahaha"
Iilan lang yan sa mga naririnig namin ni ate at mas lalo akong narindi sa aking narinig papatulan ko na sana pinigilan lang ako ni ate.
"Don't mind them" maotoridad na saad ni ate kasi alam niyang papatulan ko ang mga babaeng hampaslupang iyon.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad ni ate hanggang sa marating namin kung saan ang aming dorm. At sana hindi marami ang mga nasa loob ng dorm na ito dahil ayoko makitungo sa iba.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~Mayapot
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...