CHAPTER 27

145 9 3
                                    


Makalipas ng ilang araw ng aking pag-eensayo sinabi ko kay ate na kailangan kong mag-ensayo ng husto upang makontrol ko ang aking kapangyatihan. Sa nakalipas na araw mas nakilala ko ng ayos ang mga royalties lalo na si Franz minsan kasama ko siya kapag nag eensayo ako tinuturuan din niya ako kung paano ko makontrol ng ayos ang aking kapangyarihan gusto din sana ni ate na tulungan ako ngunit pinigilan ko siya dahil baka kung ano lang ang magawa namin sa isat isa. Nakilala ko na din ang mga hari at reyna noong nakaraang araw na dumalaw kami sa mga kaharian nila dahil pinatawag ang mga prinsesa at prinsepe na kaming dalawa ni ate ay isinama din. Unti-unti na ding nalalagas ang binigay na pulseras noong cute na dragon.





"Nakikinig ka ba?" nabalik ako sa realidad ng magsalita ang aking katabi.





"A-no bang sinasabi mo" kamot ulo kong saad sabay tingin dito.





"Sabi ko na hindi ka nakikinig. Nagtatanong ako kung kumain kana" iling iling na saad nito sino pa ba ang lagi kong kasama eh di si Franz.




"Busog pa ako at kumain ako bago pumunta dito" saad ko na ikinatango naman niya. Nandito kasi kami sa Garden of Shan. Nakakapagtaka nga, kasi noong pumunta ako ng gabi dito buhay na buhay ang mga halaman, ngayon naman ay parang inararo na ng bagyo dahil walang kabuhay buhay. Simula kasi noong nag-ensayo akong mag-isa sinamahan at tinulungan ako ni Franz at laking pasasalamat ko sa kanya.




Nagpapahinga lang kami ngayon dahil kakatapos lang ng aming pag-eensayo at babalik na din mayamaya. Humiga muna ako sa damuhan dahil gusto ko munang umidlip.




"Umulo ka na lang dito sa hita ko" may pagkaseryosong saad nito. Tinignan ko naman siya tiinignan din niya ako sabay senyas na humiga ako sa hita niya sinunod ko naman.





Matapos ang mag hapon ng pag-eensayo lang ang pinagtuunan ko ng pansin. At ngayon ay pinatawag kami ni HM sa opisina niya dahil may mahalaga daw itong sasabihin sa amin. Kasama ko lahat ng royalties at si ate.




"Bakit niyo pala kami pinatawag HM" bungad na saad ni Luke pagpasok namin sa loob. Umupo naman ako sa sofa at tumabi naman sakin si Franz. Hinawakan naman niya ang aking kamay na ikinabigla ko napatingin tuloy ako sa kanya ngunit ang kaniyang tingin ay na kay HM. Nilalaro niya lang naman ang kamay ko.





"May mahalaga akong misyon na ibibigay sa inyo" seryosong saad nito at kapagseryoso siya kailangan namin makinig sa kaniyang iuutos. 




"Ano naman iyon" tanong ni kuya Alex na katabi naman ni ate.




"Kailangan niyong maglakbay sa bundok tabon bukas ng hapon. Upang hanapin si Tandang Tasno" paliwanag nito sa amin.




"Tandang tasno? Diba siya yung tagapagbalita at nakikita niya ang nakaraan?" Nagtataka kong tanong napatingin naman sila sa akin. Ay hindi pala sa akin sa kamay ko pala na hanggang ngayon nilalaro pa rin ni Franz. Pero yung katabi ko walang pakialam sa kanila kaya napailing na lang yung iba at natawa.




"Yes. Ralicia tama ka at iyon ang misyon niyo may tatlong araw kayo para hanapin siya" saad ulit ni HM.



"HM bakit kailangan bukas pa ng hapon. Pwede naman sa umaga" inip na saad ni Bryle.



"Dahil iyon lang ang tamang paraan upang makapasok kayo sa bundok tabon. Dahil walang nakakapasok doon ng umaga kundi gabi lang at kaya uumpisahan niyo ang maglalakbay ng hapon ng sa ganoon ay gabi na kayo makakarating sa tarangkaham ng bundok na iyon" mahabang paliwanag ni HM.




"Paano namin malalaman kung malapit o kaya palatandaan kung saan ang bundok tabon" tanong no Natalie.



"Magandang tanong yan.  Bibigyan ko kayo ng tanda upang hindi kayo maligaw. Alam kong marami mga higante ang makakasalamuha niyo doon kaya maging mapagmatiyag at pakiramdaman ang paligid. Makikita niyo ang bundok tabon sa timog kanluran ng Sapa Shiyara may namamahala doon ang mga alitaptap bago kayo makapunta sa Bundok Tabon kailangan niyo munang antayin ang senyales kung kayo'y makakapasok na at huwag na huwag kayong gagawa ng ingay kapag malapit na kayo sa sapa dahil baka may sumunod sa inyo na higante upang kayo'y pigilan sa inyong misyon." paliwanag ulit ni HM tumango na lang kami bilang sagot.






THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon