Hindi ko na sila inabalang gisingin at tawagin ako upang kumain dahil busog pa naman ako. Kasalukuyan akong naghahanda dahil may pupunthan ako nakaalis na din si ate tutulog na daw kasi siya at alam ko naman na hindi niya ako mapipilit sa gusto kong gawin. Matapos kong mag ayos ay ni lock ko muna ang pintuan ng aking silid upang walang makapasok at nilagyan ko din ito ng barrier. Dahil hindi naman ako dadaan kung saan nandoon pa ang mga royalties ay nag laho na lang ako. Hating gabi na ngayon naisipan ko kasing magtungo sa library kung saan doon ang pakay ko.
Naglalakad ako ngayon sa hallway wala na akong nakikitang pagalagala na mga tao dahil gabi na nga at madilim din ang paligid sadyang maliwanag na buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa aking dinadaan. Pinakiramdaman ko naman ang paligid wala naman akong napapansin na kakaiba. Nagpatuloy na lang ako sa aking paglakad at ng makarating na ako sa tapat ng library ay naglaho akong muli upang makapasok sa loob na hindi gumagawa ng kahit anong ingay dahil alam ko naman na may nagbabantay dito. Sinigurado ko muna na hindi niya mararamdaman ang presensiya ko.
Inilibot ko naman ang aking paningin sa paligid hindi naman masyadong madilim dahil bawat sulok ng library ay may ilaw. Hinahanap ko na ang pakay na libro na kailangan kong mahanap. Dahan dahan lang akong naghalungkat upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ilang minuto na akong naghahanap ngunit wala kong makita. Kailangan kong makalabas dito bago mag isang oras dahil may pupuntahan pa akong isang lugar na tiyak kong doon ko malalaman ang gusto kong malaman.
Habang naghahanap naman ako may naramdaman akong kakaiba kaya nagtago ako naramdaman kong papalapit iyon sa aking pwesto kinabahan naman ako. Ngunit hindi pa siya nakakalapit ng may sumulpot na isang nilalang kaya napatigil ang babaeng papalapit sa akin kanina.
"Kanina pa kita hinahanap" saad ng nilalang na bagong dating doon sa babae kanina.
"Ahh. Ganoon ba tara na" saad ng babae hindi na nagsalita pa ang nilalang at umalis na sila. Nakahinga naman ako ng maluwag hindi ko pa sila kilala kasi ngayon lang ako nakapasok dito.
Nagpatuloy akong muli dahil ilang segundo na lang ang natitira upang akoy umalis na dito. May nahagip naman akong isang malaki at kakaibang libro kaya kinuha ko iyon. Bigla naman itong umilaw na tiyak kong ako lang ang makakakita dahil sa taglay na liwanag nito. At tama nga ako ito ang pakay ko ang libro na kailangan kong mabasa. Itinago ko na iyon sa bag na dala ko at sumilip kung may tao pa sa paligid. Sa dorm ko na babasahin ng buo para mahaba ng oras ko. Lumabas na ako sa silid na iyon at nagtungo sa pangalawang pakay ko. Ngunit nagtataka ako ngayon kung bakit nakasara ito. Dahil sa tuwing pumupunta ako dito ay nakabukas na siya. Lumapit na lang ako sa tarangkahan bigla naman itong bumukas namangha ako dahil nag iba ang kulay ng paligid para bang mas nabuhay ang mga halaman. Pumasok na ako ng tuluyan sa loob.
Ito lang naman yung ikinuwento sa akin ni Daniel na ang sagradong lugar o mas kilala bilang isang Garden of Shan. Hindi ko alam kung anong meron dito kaya nagtataka ako na sabi ng aking isipan ay magtungo ako dito naginawa ko naman.
Inilibot ko ang aking paningin maganda ang palaigid at naglitaw ang mga paru paro at mga alitaptap at dahil gabi walang ilaw sadyang ang mga alitaptap lang ang nagsisilbing ilaw ko dito sa ngayon. May nakita naman akong malaking puno na kakaiba ang kulay nito na para bang buhay na buhay dahil ang kulay lamang nito ay dilaw at may mga alitaptap din. Noong una ko kasing pasok dito ay parang walang kakulay kulay at ngayon parang nabuhay ang mga halaman at puno na sumasayaw dahil na din sa hangin. Bigla na lang nagliwanag ang puno kaya na silaw ang mga mata ko umatras ako ng unti dahil sobra nitong liwanag inimulat ko ang mga mata ko nagulat naman ako sa aking nakita umatras lalo ako bigla naman akong nakaramdam ng takot.
"Masayang pagbati sayo kamahalan" mas lalo akong natakot ng magsalita siya. Kaya umatras akong muli upang mas lumayo sa kanya.
"Huwag kayong matakot mabait ako" saad nitong muli sa mahinahon na boses. Ang nakita ko lang naman ay isang dragon hindi kalakihan at hindi kaliitan katamtaman lang.
"Si-no ka at ba-kit ka lumabas diyan" kinakabahang saad ko sabay turo sa punong nilabasan niya. Itinago naman niya ang pakpak niya, oo may pakapak siya.
"Ahhmm... Kamahalan ako ang iyong tapat na lingkod at sa puno ang bahay ko" saad nitong muli. Ngayon lang ako nakakita ng dragon na nagsasalita at kulay asul na may puti iyon.
"Kung ganoon bakit ka nandito at sino ka nga" nagtataka at paulit kong tanong dito.
"Gaya nga ng sabi ko kamahalan ay dito ako nakatira sa puno" saad niya at tinuro ang puno. "At ako ang iyong dragon nakilala bilang lily" saad naman nito at nagbigay galang dahil yumuko ito sa akin. Hindi ko naman siya maintindihan. Nagtaka naman siya sa mukhang aking ipinakita.
"Alam kong naguguluhan kayo kamahalan ngunit kayo lang ang makakatuklas kung sino talaga kayo at kung ano ako sa inyo. Alam kong nakuha niyo ang libro ang tanging paraan na lang ay mabasa niyo iyon ng isang gabi dahil doon lamang nagbubukas ang libro" paliwanag nito sa akin.
"Bakit mo alam" taas kilay na sagot ko may pagkamataray pa naman ako.
"Ang mahalaga doon kamahalan ay mabasa mo bukas ng gabi ang libro tapos bumalik ka dito at doon ko lamang sasabihin kung sino talaga ako sayo. At maligayang pagbabalik sa iyong kaharian mahal na Prinsesa" saad nitong muli hindi ko narinig ang huli niyang sinabi at naglaho na ito inikot ko naman ang aking paningin sa paligid para hanapin siya ngunit wala akong makita.
Marami akong tanong sa aking isipan na hindi ko din masagot. Kailangan ko na din bumalik sa dorm upang magpahinga dahil bukas tiyak kong magpupuyat ako ang kapal ng librong babasahin ko na dapat gabi ko lang mababasa.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...