CHAPTER 6 LITHACIA MONARCHY

267 12 0
                                    


"Are you ready" bungad na saad ni mom pagkababa ko ng hagdan tumango naman ako bilang sagot.

"Okay let's go" nakangiting saad ni mom sakin sumunod naman ako aa kanya palabas ng aming bahay. Dahil nasa kotse na daw ni dad at ate.

Sa isang buwan kong pageensayo sobra akong napagod dahil ang hihirap ng pinagawa nila sakin. Buti na lang nalampasan ko ang mga pagsubok nila sakin. Kahit hindi ko makontrol ang kapangyarihan ko dahil nauuna ang galit na pumapalibot aa aking katawan. Kaya ang sabi ni mom huwag daw galit ang ipairal ko dahil iyon ang makakatalo sakin at ako lang daw ang makakagawa noon para makontrol ng ayos ang aking kakayahan.

"Ano bunso handa kana bang makita ang ating tunay na tirahan" nakangiting saad ni ate pagpasok ko ng kotse.

"Oo" tipid kong saad. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga iyon baka nga nasasabik akong makita kong ano ba talaga ang tunay na gand ng aming tunay na tirahan.

Mahaba haba daw ang biyahe sabi ni dad kaya ayun si ate natutulog habang nakasandal sa bintana ng sasakyan. Si dad ang nagmaneho samantalang si mom ay nasa tabi ni dad at ako naman katabi nga ni ate na tulog na. Ayaw kong matulog dahil tinitiganan ko ang bawat paligid na dinadaanan namin.

Marami kaming mga puno na dinadaan. Sariwang hangin din ang nalalanghap dahil binuksan ko ang bintana. Tirik na tirik din ang araw buti hindi masyadong mainit. Kami lang ni ate ang pupunta doon sa tirahan nga daw namin kasi may mahalagang aayusin pa sila mom at kapag natapos na iyon ay susunod na lang sila sa amin. Sumandal ako sa balikat ni ate at ilang minuto lang ay dinadalaw ako ng antok gusto ko pa man tignan ang mga dinadaanan namin ngunit mata ko na ng sumuko dahil gusto na itong matulog.

Namalayan ko na lang na tumigil na ang sasakyan at sakto din na ginising ako ni ate iminulat ko ang aking mata at iginala ang tingin sa paligid. Isang lugar na puno ng magaganda at malalaking puno.

"Darling nandito na tayo" saad ni mom na nakababa na pala ng sasakyan na silang patungo sa malaking puno. Bumaba naman ako ng sasakyan at sumunod  sa kanila nagtaka din ako kung bakit sila huminto sa pinakamalaking puno. Napansin ata nila ang aking pagtataka at doon ko din napansin na may hawak si mom na puting bracelet na hindi ko mawari ang disenyo nito itinapat ito sa puno at doon nagbigay ng malaking liwanag

"Anak dyan kayo papasok ng ate mo" saad ni mom habang tinuturo ang liwanag na nagmumula sa malaking puno.

"Anak Ralicia magiingat kayo doon. Ito lang ang tatandaan mo huwag kang magtiwala sa taong ikakabagsak mo" makahulugan na saad ni dad na siyang ikinatango ko lang dahil seryoso si dad.

Nagpaalam na kami sa isat isa at ako'y hinigop na ng liwanag na siyang lagusan patungo sa aming paroroonan.

Iminulat ko ang aking mga mata at doon ko napagtanto na nadito na ata ako sa sinasabi nilang na dapat ay tirahan namin. Ngunit bakit ang daming makukulay na puno na kumikinang. Nakita ko naman si ate na nakangiting nakatingin sakin.

"Ralicia nandito na tayo. Pero maglalakbay ulit tayo" saad ni ate.

"Na naman" takang tanong ko. Kasi kanina pa kami lakbay ng lakbay. Nakakapgod kaya kahit nakaupo ka lang ng mahabang oras.

"Yes. But don't worry mabilis lang naman tayong makakarating doon" nakangiting saad ni ate at lumapit sakin tapos hinawakan ang aking kamay. At may naramdaman akong kakaibang bagay na dumaloy sa aking katawan at ramdam ko din ang paglaho ng aming katawan.

Sa pangatlong pagkakataon ay iminulat ko ang aking mga mata  dahil sa mga nakikita ko sa paligid na nagniningning sa ganda nito namangha ako sa taglay na ayos ng bawat kaharian. Doon ko na wari na totoo ang mga sinasabi nila mom na sobrang ganda ng aming tunay na tirahan. Wala man akong nakikitang mga tao pero ramdam ko na nasa paligid lamang sila.

"Ano bunso maganda ba ang tunay nating pinagmulan" nakangiting saad ni ate naninilibot din ang tingin nito sa paligid.

"Oo ate. At sobra akong namangha totoo pala" saad ko habang may ngiti sa labi minsan lang kasi ako ngumiti sa taong gusto ko lang.

"Tara na hanapin na natin ang headmaster office. Oppss bago ka magtanong. Ang headmaster ay siyang pinakamataas na namumuno sa loob ng paaralan at doon tayo tutungo upang humingi ng room dorm at sa loob ng paaralan ay may mga dorm hiwalay ang babae at lalaki." Mahabang paliwanag ni ate.

"Parang dean or principal ba?"takang tanong ko kasi gusto ko lang malaman.

"Oo parang ganoon na nga ngunit may kapangyarihan din ang headmaster"kwento ulit ni ate. Na ikinatango ko na lang.

Nagpatuloy ang paglalakad namin ni ate at bawat madadaanan namin at may malalaking pinto na ibat ibang kulay. Wala pa din kaming nakikitang tao dahil ang sabi ni ate ay oras daw ng klase ngayon kaya wala talagang makikitang pagalagala sa paligid.




------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you so much readers keep safe everyone. And God bless you all😊😊😊

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon