CHAPTER 38

79 7 8
                                    

Nagising kami dahil sa isang pagsabog na nanggaling sa labas kaya dali dali kaming nagtungo kung saan galing ang pagsabog na iyon. Ang mga ibang estudyante nagkakagulo na, at hindi ko makita ang iba dahil sa usok.



"Anong nangyayari"tanong ni Ate.



"Lumusob na naman ang mga kalaban. Hanggang kailan kaya tayo ganito" saad ni Aira na napakaseryoso.



"Nasan ang prinsesa?" Natatarantang saad ni Kuya Alex kaya inikot namin ang paningin namin sa paligid ngunit hindi namin nakita si Shan.



"Ahhh" isang sigaw na nagpaagaw ng atensyon namin kaya nagtungo kami doon nakita namin si Shan na hawak ng isang alagad ng kadiliman.



"Bitawan mo siya" galit na saad ni Kuya Alex. Isang malakas na tawa lang ang pinakawala ng alagad ng kadiliman.


"Hindi niyo naman sinabi na nandito na pala ang prinsesa" nakangising saad nito habang tumatawa.



"Sabi ng bitawan mo siya" galit na saad ni Kuya Alex at nagpakawala ng isang naglalakihang bato upang tamaan ang kalaban. Ngunit umilag ito.



"HAHAHA. Ang bilis mo naman" nangaasar na saad nito. Kita namin na nahihirapan na si Shan. Diba prinsesa siya alam kung kaya niya yan pero bakit parang kakaiba siya. Mas lalong hinihigpit ng kalaban ang pagsakal sa leeg ni Shan. Bigla naman sumulpot sa harapan namin ang ibang kalaban kaya naghanda kami. May isang umatake sa akin kaya sinangga ko siya. Naglabas lang ako ng ice sword upang ito ay gamitan sa kaniya at nagtagumpay nga ako. May sumunod na umatake sa akin mas nahirapan ako dito masyado siyang mataba nadaplisan naman ako sa aking pisnge kaya napangisi ako sa kalaban ko naglaho akong bigla at sumulpot sa gilid niya at sinaksak siya  ayun patay na. Marami din kaming napatumba. Pagod na yung iba sa amin at yung ibang estudyante nanghihina na. Napatingin naman ako doon sa nilalang na sumulpot malapit kay Shan. Kilala ko din siya nakita ko na siya noong leveling din.



"R-ica tulungan mo ko" nahihirapang saad ni Shan. Tumingin naman ang nagngangalang Rica sa kaniya.



"Ano ako uto-uto. Tama na ang ilang taon na pagkauto uto ko sayo" ngising saad ni Rica at siya na ngayon ang may hawak sa leeg ni Shan. "Hindi ko akalain na ang dakilang abeha-reyna at isang pilingera ay isang prinsesa pala. Kung nalaman ko lang ng mas maaga napatay na sana kita" nakangising saad ni Rica at mas lalong hinihigpit ang paghawak sa leeg si Shan napadaing naman ito sa sakit. Kita ko sa paligid ng mata ko na galit na galit si Kuya Alex at si Tacia dahil sa kalagayan ng kapatid nila.



"A-no ba-ng pinagsasabi mo. Huwag mong sa-bihin na" nahihirapang saad ni Shan. Napatawa naman si Rica sa kaniya.



"Oo Ellena este Princess Shan. Isa akong alagad hindi lang alagad kanang kamay ako ni Haring Arnold" saad nito naikinagulat namin. Alam mo kaibigan siya ni Shan bakit niya nagawa ito.



"Ang s-ama mo" iyon lang ang nasabi ni Shan. Alam kung nahihirapan na siya.



"Rica bitawan mo ang ate ko kung ayaw mong mapatay kita" galit na saad ni Tacia. Napatingin ako sa kaniya hindi ko alam bakit parang kumirot ang puso ko dahil ba sa nakikita ko dahil nasasaktan ang ate niya.



"Paano kung ayoko" natatawang saad ni Rica. Nasa likod lang ako katabi si Ate hinawakan ko ang kamay niya  upang bigyan siya ng kakaibang tingin na alam kung naiintindihan niya tango lang ang binigay niya sa akin. Naglaho ako iniba ko ang presensiyang mayroon ako na tiyak kung hindi nila mararamdaman. Lumitaw lang ako sa likod ni Rica at hinawakan din siya sa leeg. Sinenyasan ko naman sila para tulungan si Shan.



THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon