CHAPTER 45

93 7 9
                                    

Ilang buwan ng hindi siya bumabalik, buwan na din kaming hiwalay noon simula ng sinabi sa akin ni Shan este si Ellena na niloko lang ako ni Ralicia o ni Alicia. Mahal na mahal ko siya noong nalaman ko na niloloko niya lang ako nasaktan ako noon sobra dahil siya lang ang babeng mamahalin ko habang buhay dahil siya lang ang babaeng nakapagpabago sa akin. Ngunit nagkamali ako, nagkamali ako ng bintang. Dapat inalam ko muna ang totoong nangyari bago ko siya hinusgahan kaso huli na bago ko nalaman dahil nalaman ko noon mismong umalis siya at sumama kay Aluxio. Oo inaamin ko na nagselos ako noong nakikita ko silang magkasama hindi ko lang mapigilan ang sarili kong lapitan siya dahil sa pekeng prinsesa na si Ellena lagi na lang nakalingkis ang mga kamay sa braso ko. Gusto kong magalit sa kaniya hindi ko lang magawa dahil sa pagkakaalam ko siya ang prinsesa ngunit hindi pala.



At sa nakalipas na buwan ngayon ay wala pa siya. Walang tanda kung  kailan siya babalik. Noong nalaman ko na siya ang prinsesa sobra akong nagsisi at nagagalit ako sa sarili ko dahil ang babaeng mahal ko ay nasaktan ko ng dahil sa maling akala at maling kwento. At noong nakita ko siya na bumalik noong may okasyon na enggradeng sayawan biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siya nag-iba na siya ngunit bumalik siya sa dating siya na alam ko na ako ang may gawa noon. Ang mas nakapagpasakit sa aking damdamin ay kasama na naman niya si Aluxio sobrang selos naman ang naramdaman ko ulit.  Noong nalaman naming lahat na siya ang nawawalang  prinsesa ay may sinabi sa akin si ate roxanne na hindi ko kayang tanggapin dahil mahal na mahal ko siya hindi ko siya kayang pakawalan sa puso ko.



Nasa tambayan kami ngayon dahil kakatapos lang ng unang klase namin ngayon. Nagkwekwentuhan lang sila samantalang ako nandito na kaupo na mag-isa hindi naman malayo sa kanila.


"Ilang buwan na bang nakalipas ang dami ng nangyari na saan na kaya siya" saad ni Tacia nagsisi din siya kagaya ni Alex dahil hindi nila alam na ang dating nasa tabi lang namin ay iyon pala ang kapatid nila.


"Oo nga sana naman bumalik na siya" may lungkot na saad ni Aira. Noong nalaman namin lahat noon bumilid kami sa katapangan at nagawa ni Roxanne para kay Alicia. Sobrang mahal niya talaga si Alicia kaya ganoon siya mag-alala.



"Ate Froxanne may tanong ako. Bakit hindi pwedeng gamutin ni Alicia si Tacia" curious na tanong ni Natalie. Froxanne na lang daw ang itawag namin sa kaniya dahil nalaman na namin ang totoo.


"Diba sinabi ko na may sumpa kami noon pero hindi talaga dapat ako yun si Tacia at Alex talaga iyon, hindi pwedeng gamutin ni Alicia ang totoo niyang kapatid dahil isa sa kanila ang mamatay kaso ilang beses ng ginamot ni Alicia si Tacia at walang nangyayari kaya nagtaka ako noong araw na ginamot ka Tacia ni Alicia" pagkwento ni Froxanne sa amin kaya ba ganoon siya mag-alala kay Tacia noon.


"Eh. Paano nangyari na walang mamatay sa kanila" naguguluhang wika ni Natalie.

"Naikwento sa akin ni Alicia na matagal niya na palang kilala si Aluxio bago pa tayo magpunta sa palasyo ni tandang tasno sadyang nagpanggap lang sila noon. At nalaman din ni Alicia na si Aluxio at Eli na matalik niyang kaibigan ay iisa. Si Aluxio ang nagbigay ng lunas para hindi manghina si Alicia" saad pa ni Froxanne. Naiinis ako kapag naririnig ko ang pangalan ng nilalang na iyon.


"Ikaw Irish noong nalaman mo na si Ralicia at Alicia ay iisa anong ginawa mo" takang tanong ng aking kapatid na si Chesca.


"Noong narinig ko sila hindi ako makapaniwala ngunit sinabi naman nila sa akin ang lahat kaya. Isinekreto ko iyon dahil sabi ni Alicia ay dapat huwag ko daw sabihin sa inyo dahil may plano siya" pagkwento ni Irish tamihik lagi si Irish hindi siya pala kwento pero nakikisama pa rin siya sa amin ganoon din naman ako hindi makwento pero simula noong dumating siya nagbago lahat sa akin.
Naguguluhan na ako mahal ko siya pero bakit kakaiba ang nararamdaman ko. Sa ilang buwan ng lumipas pinilit kung kalimutan siya pero hindi ko kaya.






Hating gabi na hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako sa dorm namin upang maglakad lakad. Tahimik ang paligid na tiyak kong wala ng mga nilalang ang nasa labas dahil gabi na din. Nakaupo lang ako ngayon dito sa tambayan namin sa hardin. Biglang may naramdaman akong ibang presensiya kaya napatayo ako inilibot ang paningin sa paligid.


"Ouch" isang daing na narinig ko malapit sa puno kaya dahan-dahan akong nagtungo doon. Nagtaka ako bakit siya nandito hating gabi na. Napatingin naman siya sa akin na gulat na gulat.


"Anong ginagawa mo ng ganitong oras" saad ko dito at pumantay sa kaniya dahil nakikita ko na nahihirapan siya dahil may sugat siya sa tuhod.


"Da-niel... A-no kasi. Ahh. Hindi kasi ako makatulog kaya lumabas ako" mahinhin na saad nito.


"Tsk! Sa susunod huwag ka ng lumabas. At ano palang nangyari diyan sa tuhod mo" tanong ko at hinawakan ang binti niya.


"A-no ka-si... Natisod ako sa kahoy" nahihiyang saad nito napailing naman ako. Binuhat ko na lang siya para maiupo sa upuan dito sa hardin.


"A-nong gina-gawa mo" nauutal na saad nito.


"Malamang binubuhat ka. At kanina ka pa ano ng ano" may inis na saad ko natahimik naman siya. Iniupo ko naman siya sa upuan para magamot ang sugat niya at ilang minuto lang ay nagamot ko na siya. Umupo ako katabi siya isang mentro ang agwat namin katahimikan ang bumalot sa amin minuto ang lumipas ng magsalita siya


"Ikaw bakit nasa labas ka pa" malumanay na tanong nito


"Hindi ako makatulog" iyon lang ang sagot ko sa tanong niya na totoo naman tumango lang siya.


"Ilang buwan ng lumipas ang dami ng nangyari kailan kaya siya babalik" saad nito kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya. Maganda si Irish pero bakit wala siyang sinasagot na manliligaw niya. Oo may nanliligaw sa kaniya kaso inaayawan niya. Hindi ako nagsalita at iniwas ang tingin sa kaniya.



"Na miss mo na ba siya" seryosong tanong nito kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin.



"O-o" tipid na saad ko at napatingin ang paningin ko sa mga halaman dito sa hardin.



"Mahal mo pa siya" seryosong tanong niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Ngumiti naman siya na alam kung pilit iyon.


"Huwag mo ng sagutin alam ko naman na mahal mo pa siya. Ahh.. sige salamat pala. Mauna na ako" pilit na ngiti nito at iniwan ako dito kita ko ang likod niya na papalayo sa akin.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon