CHAPTER 42

81 8 1
                                    

Sa nakalipas na buwan natapos ko ang binigay na pagsubok sa akin ng mga bathala na minsan pa nga ay nahirapan ako at buti na lang nakokontrol ko na ang kapangyarihang mayroon ako. Mas marami akong nalaman tungkol sa sarili ko at sa nakalipas na buwan wala akong komunikasyon kay ate at sa kanila. Nag-aayos ako ngayon dahil ngayon din mismo ang aking pagbabalik sa akademya dapat ay ako lang kaso sadyang mapilit si Eli kaya sasama siya si kuya Arnoux naman ay magpapaiwan na dito dahil may mahalaga din siyang tungkulin.



"Talaga bang sasamaka. Kaya ko naman mag-isa" malumanay na saad ko habang nagsusuklay nag-iba na din ang kulay ng buhok ko na kung dati ay pula ngayon ay asul na may halong puti ganoon din ang aking mga mata dahil lumabas na ang marka sa likod ko na kung saan ay ako nga talaga ang itinakda.



"Pagtatalunan na naman ba natin ito Ali" may inis na saad niya. Oo nagtalo kami kahapon dahil ayoko naman na sumama siya sa akin dahil mas mahalaga na nandito siya kaso makulit siya hindi na ako umimik dahil baka mag away na naman kami. Nagpaalam na kami sa mga diyosa at diyos  na aalis na kami. Sa dorm na lang niya ako tutuloy dahil alam kung hindi na ako pwedeng magpunta doon. Kasalukuyan kaming papasok ng akademya at maraming mga estudyangteng nagkalat kaya kami ngayon ay nagbalik dahil tiyak kong may magaganap mamaya kaso hindi ko makita kung paano at bakit ganoon ang eksena parang ang aga naman.



"Sino siya?"

"Hindi siya. Sino sila?"

"Ang ganda niya"

"Grabe pre ang ganda ng babae"

"Para siyang kakaiba"

"Kay rilag rilag ng mukha ng babae"

Mga bulungan na naririnig namin ngayon dito nagpatuloy lang kami sa paglakad kaso napatigil din dahil sa taong nasa harapan ko ngayon. Hindi na ako nagulat ng yakapin niya ako pasensiya na ate kailangan ko lang sundin kung ano ang nakatala doon. Tinawag niya pa ang pangalan ko alam ko ate miss na din naman kita. Nakita ko naman na nakasunod ang mga royalties sa kaniya na padako ang tingin ko kay Franz na ngayon ay nakalingkis sa kaniya si Ellena wala akong pinakitang emosyon iniwas ko na lang ang tingin ko ng hawakan ni Eli ang kamay ko.



"Aalis na ako" malamig na saad ko kay ate na siyang ikinatango niya. Nakita ko naman si Irish na palapit sa akin nagulat ako dahil niyakap niya ako at nagbigay pa siya ng galang sa amin ni Eli kaya kinabahan ako baka mahalata na nila.



"Miss na kita Alicia" bulong na saad niya sa akin.


"Huwag kang pahalata" tipid na saad ko sabay iwas sa kaniya pasensiya sa inyo gagawin ko lang ang dapat kong gawin dahil iyon ang dapat. Sinadya ko talaga na nagbalik ngayon dahil may magaganap nga mamaya.



"Handa ka na ba para mamaya" saad ni Eli. Nabaling ang tingin ko sa kaniya sa totoo lang naguguluhan na ako sa nararamdaman ko sa kaniya.



"Oo at saka matagal ko na itong pinaghandaan" saad ko lumapit naman siya sa akin at kinabig ako upang mayakap niya.


"Basta nandito lang ako kahit anong mangyari" bulong nito sa akin.



Tiyak ko na mangyayari iyon mamaya kaso hindi ko alam ang susunod na eksena. Ihahanda ko na lang ang sarili ko kung sakali. Hanggang sa ito na ang oras na inaantay ng lahat. Nagmamanman lang ako ngayon dito at naglagay din ako ng panangga upang proteksyon sa kung sinong nilalang ang magtangkang lumusob ngayon. Unti unti na ding nagsisidatingan ang mga estudyante at ang mga prinsesa at prinsepe ay nakaupo na sa kanilang upuan maging ang reyna at hari ay nasa kanilang mga trono na.



THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon