CHAPTER 13- GARDEN OF SHAN

202 10 0
                                    

Pagmulat ng aking mata sa hindi pamilyar na lugar kaya iginala ko ang aking mga paningin sa paligid ngunit hindi ko mawari kung na saan ako ang alam ko lang ay tinulungan niya ako kanina dahil sa nanghihina ako.

Tumayo ako sa pagkakahiga at lumabas ng silid nakita ko naman siya na nakatayo malapit sa kawayan na upuan. At doon ko din naramdman na wala akong iniindang sakit ngayon kaya sinuri ko ang aking katawan  ngunit isang tinig ang narinig ko sa kanya napatango na lang ako at nagpasalamat kahit hindi ko ugaling gawin ang bagay na iyon.

"Matanong ko lang bakit ka nandoon sa lugar na yun" malamig na saad niya. Napailing naman ako dahil kanina ang ganda ng pakikitungo niya tapos ngayon. Tsk! Sa bagay kung ako nga din minsan pa iba iba ng ugaling pinapakita sa taong katiwa tiwala.

"Doon ako nag-ensayo" tamad na saad ko sabay upo sa tapat niya. Lumingon naman siya sa akin.

"Bakit kailangan doon pa"saad niya habang hindi inaalis ang tingin niya sakin. At ang mga tingin na yun ay hindi ko mabasa. Iniwas ko ang tingin ko dahil naiilang na ako.

"Doon ako dinala ng mga paa ko" saad ko sabay taas ng paa ko sa lamesitang maliit.

"Tsk!" Yun lang ang sinabi niya. Napapikit naman ako. Ehh ano naman kung doon ako nag-ensayo saad ko sa isip ko.

"Do you want to know" rinig kong saad niya kaya napamulat ako. Napapikit ulit ako dahil nabasa niya ang nasa isip ko.

"That place is sanctuary" napaayos naman ako ng upo sa sinabi niya.

"Ha? Ano?" Naguguluhan kong tanong.

"Bakit kasi doon mo pa napiling mag-ensayo?" Tanong niya sa akin.

"Im just curious that place and then my foot went there" saad ko naman

"Curious? Huh" ngising saad niya kaya napataas na lang ang kilay ko.

"Yeah" tipid kong saad.

"That place is sanctuary" pag-uulit niya. Tsk ayaw na lang sabihin kung ano ang gusto niyang sabihin hindi yun uulitin pa niya nakakainis na siya. Nakita ko naman ulit ang pag-ngisi ng labi niya.

"Or should i say the Garden of Shan Ang lugar na iyon ay sa Prinsesang itinakda ng propesiya" pabitin na saad niya kaya nagtaka naman ako.

"Kaya nagtataka ako kanina may naghihingi ng tulong ngunit sa hindi ko inaasahan ay doon ako dinala ng aking kapangyarihan. Takang saad niya naikinakunot ko naman.

"Ano? At bakit anong meron doon sa lugar na iyon" hindi ko kasi maunawaan ang gusto niyang iparating.

"Ang lugar na iyon ay sagrado para sa mga ibang nilalang at tanging ang prinsesa at mga malalakas na kapangyarihan lang ang nakakapasok doon at nakamapagtaka bakit nakapasok ka doon. Ang lugar na iyon ay dalawang dekada nang hindi nabubuksan dahil ang prinsesa lamang ang tanging susi doon at matagal ng panahon na napasok iyon ng mga hari at reyna" Mahabang salaysay niya. Na nakapagpagulo sa aking isipan. Sa prinsesa iyon ngunit bakit?.

"Hin-di ko a-lam... Dahil doon nga ako dinala ng mga paa ko kanina at bago ako makapasok doon bukas na ang tarangkahan ng lugar na iyon." Paliwanag kong saad sa kanya. Lalo tuloy akong na curious sa lugar na iyon.

"Next time don't you dare go there its dangerous for you, especially you new here" seryosong saad niya. Tumango na lang ako bilang sagot pero na nagtataka pa din ako kung bakit?

Parang may parte sa akin na may gusto akong alamin na hindi ko alam kung ano iyon. Pero bahala na.









"Get ready were going back in the school" saad niya sabay tayo. Hinanap ko naman yung dala kong bag at nakita kong nakalagay iyon sa lamesa kaya kinuha ko iyon at sumunod sa kanya palabas ng Tree house niya. At makikita mo sa labas na parang normal lang dahil hindi halata na may bahay nga sa loob ng puno. Pero tinawag na Tree house. Tsk!!! Napailing na lang ako.

"Bilisan mo" maitoridad na wika niya.

"Bakit kasi ang bilis mo mag-lakad" may halong inis na saad ko. Sabay habol sa kanya. Tumingin lang siya sa akin.

"Tsk" sabay lakad ulit niya.

"Sungit" bulong na saad ko sabay tingin niya ulit sakin kaya napahinto ako.

"Anong sabi mo" taas kilay niyang tanong.

"Wala" tipid ko din na saad ko.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa aming silid at nandoon na nga ang mga kasamahan namin.


"Ohhh bakit kayo magkasama" bungad na saad ni luke. Hindi naman nagsalita si Daniel. Magsasalita na sana ako ng may pangalawang nagtanong.

"Saan ka galing" saad ni ate sabay lapit sakin.

"Garden" tipid kong saad na ikinatango naman niya.





-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon