CHAPTER 34

134 7 0
                                        

Maaga akong nagising ngayon dahil maglilibot libot kami ni Aluxio. Lalabas sana ako ng aking pintuan ng may nag bukas noon. Bumungad agad sa aking umaga ang madilim na itsura niya.





"Usong kumatok" may inis na saad ko dito. Inismiran naman niya ako at hinali ako palabas ng aking silid na ikinangunot ng noon ko. "Saan mo ba ako dadalhin" inis na saad ko ba naman kasi nakakaladkad na ako.





"Kakain tayong dalawa" may diin na saad niya sa dulo pero tinananggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at hinawakan ko ang aking braso kung saan doon niya ako hinawakan ng mahigpit kanina at ito'y namumula na. Hinawakan naman niya iyon ng may pag iingat nakita ko naman sa mga mata niya ang pag aalala niya. Parang lumambot tuloy ang puso ko sa ipinapakita niya.





"Sorry hindi ko sinasadya" mahinahon niyang saad at niyakap ako doon ko naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit. Paulit ulit siyang nagsosorry na ngayon ko lang narinig sa kanya. Unti unti akong tumango upang pagaanin ang loob niya. Niyaya niya na din akong kumain na kami lang dalawa ang mga kasamahan kasi namin ay may kanya-kanya nang ginagawa inantay lang niya ako upang may makasabay ako at ayaw niya naman makisama sa mga kasama namin.




"Ahhh.. Franz... Ano ka-si" hindi ko mabigkas bigkas ang gusto kong sabihin dahil sa mga titig niya na kanina pa hindi inaalis sa akin. Tumaas naman ang kilay na nagpapahiwatig na ipagpatuloy ko ang sasabihin ko. "Ano kasi.. eh.. maglilibot libot ako kasama si Al-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.




"Sasama ako" gatong na saad niya na ikinatango ko na lang. Mayamaya pumasok si Aluxio sa kusina at dumaretsyo sa lababo upang maghugas ng kamay.



"Ready ka na ba Ralicia" may sabik na saad nito lumingon ako sa kaniya na nakangiti.




"Oo. At sasama pala si Franz sa atin. Okay lang ba" saad ko sabay tumingin kay Franz nakita ko naman siyang nakangisi napailing na lang ako. Tumingin ulit ako kay Aluxio na inaantay ang sasabihin niya.




"Okay lang. Nakakainis sasama pa siya" saad niya ngunit hindi ko narinig ang huli niyang nasabi.


"May sinasabi ka?" Ngising saad ni Franz na ngayon ay nakatayo na.




"Wala. Ang sabi ko okay lang naman" saad ni Aluxio at nagpunas ng kamay sa basahang tuyo.




Lumabas na kami ng kusina upang simulan ang paglilibot sa palasyong ito. Nagsimula kami sa unahan ng pasilyo kung daan doon kami pumasok noong isang araw. Ikinuwento lang naman ni Aluxio kung ano-anong disenyo at tawag sa mga nakaukit sa mga dingding.



"Itong silid na ito ay puno ng mga natambak na kagamitan noong pangalawang kasaysaya" bungad na saad niya nang makapasok kami sa malaking silid na puno ng mga alikabok at supot.



"Anong meron naman sa mga kagamitan na nakatambak dito" nagtataka kong tanong.



"Paalala lang bawal hawakan ang mga kagamitan. Ahhmm.... Itinago kasi ni Tandang Tasno ang mga natirang kagamitan noon na ginamit sa himagsikan dahil ito lang ang natitirang ala-ala ng mga bayani noon. At sagrado ang nga kagamitan na yan na lahat ng nilalang ay hindi mahawakan iyan miski si Tandang Tasno ay hindi nahahawakan. Wala pang nakakahawak sa mga kagamitan dahil napapaso sila at nagkakaroon ng sugat. Hindi namin alam kung bakit ganito ang mga kagamitan" paliwanag niya habang nakatayo doon sa isang malaking kagamitan na tiyak kong iyon ay isang malaking bandana na kulay puti ngunit itoy nakakahon na salamin. May isang bagay na nakakuha ng atensyon ko kaya nilapitan ko iyon.




Namangha ako sa ganda nito isang munting bolang kristal na bilog at sa loob nito ay may isang palasyo na umiikot at tila lolobog lilitaw at nagniningnibg. Hinawakan ko naman iyon at may naramdaman akong kakaiba sa aking kamay tila nagbigay ito ng lakas at parang may kung anong pumasok sa aking katawan. Napaatras naman ako bigla.




"Sabi ko na sayo huwag mong hahawakan ang mga bagay na nandito dahil hindi ito mahahawakan ng kahit sino. Ngunit bakit hindi ka napaso" may pag alalang saad ni Aluxio na may pagtataka sa sinabi niya. Naramdaman ko naman na lumapit sa akin si Franz at hinawakan ang kamay ko hinaplos naman niya ito. Tumingin siya sa aking mata na nagtatanong kung okay lang ba ako. Unti unti akong tumango bilang sagot.




"Tara na't dumako sa ating susunod na pupuntahan" singit na sabi ni Aluxio na ngayon ay nauuna na. Kaya sumunod na lang kami.




Nagulat naman ako  ng biglang may humawak sa kamay ko. Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami kukunin ko sana baka kasi kung ano pang isipin ni Aluxio ngunit binigyan niya lang ako na kakaibang tingin kaya hindi ko na lang binawi ang kamay ko. Patuloy lang kami na nakasunod kay Aluxio. Bigla naman itong tumigil at humarap sa amin aalisin ko sana ang kamay ko sa pagkahawak ni Franz ngunit may lalo niya lang itong hinigpitan na tila ayaw niya akong umalis sa tabi niya. Tumingin naman sa aming mga kamay na magkahawak si Aluxio at biglang umiwas ng tingin. Ako tuloy ang nahiya. Ba naman kasi itong si Franz may nalalaman pang hawak hawak ng kamay.




Ikinuwento lang ni Aluxio kung ano ang mayroon sa bawat silid. May natanong din ako sa kaniya dahil may nabasa nga akong libro noon na may isang harian ang nawawala at hindi pa nakikita. Nagtaka naman siya kung saan ko daw ba iyon nalaman. Ang sabi ko na lang ay may nagkwento sa akin muntik na din ako kaninang hindi makasagot sa tanong niya. Sinabi niya lang na ang palasyo ni tandang tasno ay hindi isang kaharian dahil isa lamang itong marahuyong palasyo na iba sa aming kaharian. Na tanong ko din na kung  si Tandang Tasno ang namumuno sa magara at marahuyong palasyo ay bakit si Amadeo ang namamahala ganoon na nandito naman si Tandang Tasno. Sinabi niya lang sa amin na hindi naman talaga sila mismo nakatira dito sadyang nakikitira lang at si Amadeo ang naatasang mamahala dito. Iyon lang ang sinabi niya sa amin at hindi na ako nagtanong dahil baka kumpidensyal. Natapos ang aming paglilibot at nagpahinga na. Dahil mamaya na ang paglalakbay pabalik ng aming kaharian.






"Hanggang sa muli nating pagkikita Ralicia" isang tinig na narinig ng aking isipan at alam ko kung sino iyon si Aluxio iyon.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon