CHAPTER 30

108 8 0
                                    


Nandito kami ngayon sa magarang pasilyo sa harap nito dahil hindi kami maaaring pumasok ng walang pahintulot ng sino mang namamahala dito. Nagdadalawang isip pa nga kami kung papasukin o mananatili na lang kami dito sa labas hanggang mag umaga ngunit ang mga prinsesa ay ayaw nilang matulog sa labas. Hindi naman namin mapipilit ang ayaw kaya gumagawa ng paraan si Kuya Alex ngunit hindi niya alam ang gagawin dahil ang buong paligid ng pasilyo ay may panangga kaya hindi kami basta basta makakapasok sa loob. Nagulat na lang kami ng biglang bumukas ang malaking pintuan hudyat na kami ay pwedeng pumasok. Kaya hindi na kami nag dalawang isip na pasukin iyon.





"Ang ganda naman dito" manghang saad ni Natalie habang nililibot niya ang paningin niya sa loob ng pasilyo. Wala pa kami sa kalagitnaan ng hallway ay makikita mo talaga na ang mga bagay na kumikinang sa ganda at halatang mamahalin iyon dahil sa mga disenyo nito. Nabaling naman ang atensyon namin sa nilalang na nagsalita.




"Kayo na ata ang inaasahan na bisita namin" isang tinig na nagmula sa taas nito kaya hinanap namin natagpuan namin siya na nakatayo sa bukana ng hagdan sa taas. Isang muskuladong lalaki na may kaedaran na ngunit makikita sa kaniyang pangangatawan na hindi siya matanda. Nakasuot lang naman siya ng balabal na dilaw na nagsisilbing panabing sa ulo.




"Sino po kayo? Kayo po ba si Tandang Tasno?" Magalang nasaad ni Tacia. Lumingon naman siya dito at humakbang ito hanggang sa mapunta siya sa gitna ng hagdan.





"Hindi ako si Tandang Tasno. Ako ang namamahala ng pasilyong ito. At bukas ng umaga kung may mga tanong kayo doon ko lang masasagot at sa ngayon kailangan niyo munang magpahinga" saad nito at umalis na nakita naman namin na may mga tagasilbi na kumuha ng mga gamit namin at sinenyasan na sumunod kami sa kanila at ginawa naman namin.




Nakakapagtaka lang bakit hindi si Tandang tasno ang sumalubong sa amin. At anong sabi noong nilalang na iyon na hindi namin kilala dahil hindi naman niya sinabi ang pangalan niya, inaasahan ba nila ang pagdating namin.





Nahiga na lang ako sa aking kama upang makapagpahinga na kasama ko naman si ate sa silid kung saan dito kami dinala noong nagsisilbi dito. At yung iba din ay magkakasama ngunit si Franz ay nagiisa ayaw daw niya ng may kasama ang arte lang daig pa babae.




"Matulog kana bunso. Good night" saad ni ate na nakahiga na din. Hindi pa kasi ako inaantok ngunit ang mata ko gusto nang matulog. Tumalikod na lang ko kay ate upang matulog na nga.




Kinabukasan ay maaga akong nagising ngunit wala na si ate sa tabi ko kaya bumangon na ako ginawa ang dapat gawin. Lumabas ako ng kwarto at hahanapin sana sila ngunit sa laki nito baka hindi ko agad sila mahanap kaya naglibot muna ako. Hanggang sa mapunta ako sa isang silid na puno ng mga litrato na nakadikit sa dingding. Hahawakan ko sana ang isang litrato ng may nagsalita sa likuran ko.




"Kakain na" saad ng taong nagsalita sa likod ko kaya hinarap ko ito sinamaan ko siya ng tingin.




"Bakit kaba nanggugulat" may inis na saad ko. Nagkibit balikat na lang siya at sumenyas na sumunod ako ginawa ko na lang dahil gutom din ako.




"Franz...ahhmm  wait lang paano mo nalaman na nandoon ako" nagtataka kong tanong dito hindi naman siya lumingon sa akain.




"I just know" tipid na saad niya Tsk! Yabang namn nito.  Nakarating naman kami sa kusina at namangha ako sa laki nito at ang mga kubyertos at platito ay halatang mamahalin sa itsura nito. Umupo naman ako sa tabi ni ate at pansin ko na katabi ko din si mayabang.




Napansin ko din sa paligid na maraming mga tagasilbi na nakahelera sa gilid at yyng iba ay naglilingkod sa amin. Nagsimula na kaming kumain at tahimik lang din kaming kumakain at pansin ko din kasama namin kumain yung sumalubong sa amin kahapon  at may kasamang dalawang lalaki na sa tingin ko ay kaedaran ni kuya Alex. Uminom muna ako ng tubig bago ko kainin ang natitirang pagkain na binigay sa akin. Inamoy ko muna at mukha ngang masarap ito kinain ko na iyon at ninguya nalunok ko naman, susubo pa sana ako ng isa ngunit may naramdaman naman ako na kakaiba kaya napabitaw ako sa hawak kong kutsara.



"Bunso ayos ka lang" saad ni ate sa akin hindi ako makatingin sa kanya at pansin ko na natigilan din sila sa pagkain. Hinawakan ko naman ang leeg ko at kinamot iyon. Bago humarap kay ate.



"Hi--ndi... a--ko maka---hi--nga" nahihirapan saad ko sabay hawak sa braso niya nangmahigpit na alarma naman si ate kaya napatayo siya.




"Ralicia anong nagyayari sayo bakit namumula ka" tila nagtatakang saad ni Kuya Alex nakita ko naman si ate na kinuha niya yung kutsara niya at sinandok doon sa kinakain ko kanina at doon ko narinig ang pagbagsak ng isang kutsara sa lamesa. Nakapikit lang ako na hawak hawak ang braso ni ate na nahihirapang huminga mas mahirap pa ito kaysa sa mga sugat na natatamo ko.




"F*uck! Why did you eat it" nag aalalang saad ni ate ngunit may halong galit iyon. Iminulat ko ang mata ko at punilit na magsalita.




"I d---idn't k--now it tas--ted like that" nahihirapan saad ko sabay kapit ng ayos kay ate dahil feeling ko matutumba na ako.




"Who blasphemed gave it." May galit na saad ni ate sabay turo doon sa kinain ko.



"Why? What's the problem" tila naguguluhang saad noong namamahala dito.




"Tsk! My sister has an allergy" seryosong saad ni ate kaya napatayo na din yung iba nakikita ko na sobrang pula kuna nangangati na din ang leeg ko. Naramdaman ko naman na matutumba na ako ngunit ramdam ko na may sumalo sa akin. Hindi ko na namalayan ang susunod na nangyari dahil kinain na ako ng dilim.









*********

Dinala naman namin si Bunso sa isang silid kung saan doon siya gagamutin. Kasama din namin ang ilang taga silbi na nagbigay kay bunso ng pagkain.




"Why did you gave her that food" may galit na saad ko dito kanina pa kasi ako hindi mapakali dahil sobra akong nag aalala kay bunso.




"Pasensiya na po hindi ko po alam" paghingi niya ng pasensiya ngunit sinamaan ko ito ng tingin hindi kasi ganoon kadali ang paggamot kay bunso dahil isang linggo siya noong nagising bago maalis lahat ng pula at muntik na siyang mawala sa amin noon dahil nahihirapan siyang humingan.




"Now you know. And next time ask her before you give that food" malamig kong saad hindi naman nagsasalita ang mga royalties nabaling naman ang tingin ko doon sa namamahala alam kong may sasabihin siya.




"Pasensiya na ija hindi namin alam sa susunod aalamin muna namin" paghingi din nito tinanguhan ko na lang siya at lunapit kay bunso na nakahiga sa kama wala siyang malay at sa nakikita ko ngayon sobrang pula ng mukha niya ganoon din ang buong katawan niya dahil ayon sa sabi ni mom noon na allegry si bunso sa mga
Maanghang na pagkain.




"She has an allergy sa maanghang kaya ganoon na lang pag alala ko sa kaniya. Muntik na din siyang mawala sa amin noong mga bata pa kami nahirapan siyang huminga at tumigil din ang tibok ng puso niya. At laking pasasalamat namin na nagising siya kaso umabot ng isang linggo" pagkwento ko sa kanila at tumabi sa higaan kay bunso.




"Gagaling  siya ija. Huwag kang mag alala at binigyan na siya ng panlunas at alam kong makakaya niya yan" pagbibigay gaan ng loob nito sa akin. Lumapit naman sa akin yung lalaking hindi ko kilala.




"I am a healer and I know what can  cure her allergy" saad nito na may dalang isang bote na hindi ko alam kung ano. Ipapahid niya sa na iyon ngunit may kamay na pumigil sa kaniya.




"Don't you dare touch her! Roxanne rub it on her" malamig na saad ni Daniel na nagpasinghap sa aming lahat pati na din yung lalaki natakot sa malamig na pananalita niya. Kinuha ko naman at ako na ang gumawa. Sa isip isip ko naman tinamaan ba si Daniel sa kapatid ko. Napailing na lang ako. Umalis naman sa pwesto yung lalaki at humingi lang ako ng maumanhin na alam kong na intindihan niya.



---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon