"Irish kanina ka pa tahimik ayos ka lang ba" may pag-aalalang saad ni Aira dito. Tumingin naman siya ng alanganin.
"Ah.. o-o ayos lang ako" saad nito at ipinagpatuloy ang pag-kain niya.
"Alam ko ang iniisip mo sana huwag mong sabihin sa kanila" bulong saad ko dito ng seryoso tinignan niya lang ako at unti unting tumango. Nandito kasi kami sa kantina kumakain at ilang araw na bago umalis si Ralicia at ilang araw na din ng malaman ni Irish ang totoo. At sa napapansin ko galit ang mga prinsesa at prinsepe sa kapatid ko hindi lang ako makasagot sa kanila baka kasi mahalata at ayokong pangunahan si Ralicia.
"Hi guys" speaking of impakta nandito na pala siya. Napangat naman ng tingin si Irish na ngayon nakatingin kay Ellena.
"Saan ka galing ate kanina ka pa namin hinahanap" takang saad ni Tacia. Tacia kung alam mo lang ang totoo hindi ka magagalit ng ganoon sa totoo mong kapatid.
"May pinuntahan lang ako saglit" saad ni Ellena na may pekeng ngiti at tumabi kay Daniel na kumakain din. Napapansin ko nga may gusto ito kay Daniel noon pa at halatang gustong agawin kay Ralicia. Matapos namin kumain ay umuwi na kami sa dorm namin at hinatid kami ng mga lalaki. Nakita ko namn si Daniel na nakatayo pa doon sa labas ng pintuan namin. Alam kung inaantay niya yung impakta na si Ellena.
"Sana huwag mong pag-sisihan ang ginawa mo" makabukuhang saad ko at iniwan siya doon nakasalubong ko namn si Ellena na palabas ngumiti pa ang impakta hindi ko na lang siya pinansin.
Kinabukasan wala kaming pasok narinig ko naman sa baba na parang nagkakagulo. Kaya lumabas na ako ng kwarto ko. Nakasalubong ko pa si Irish. Ngumiti lang siya sa akin. Napakatahimik niya hindi siya pala kwento.
"Anong meron bakit kayo nagkakagulo" saad ko ng makababa kami ni Irish.
"May gaganapin kasi bukas ng hapon para sa mga estudyante at magtitipon tipon tayo upang magsaya o yung tinatawag na enggradeng sayawan" masayang saad ni Aira.
Matapos nga ang anunsyong iyon ay nagkaniya kaniyang gayak at hanap kami ng masusuot. Nasa hapag kainan kami kumakain tahimik lang pwera na lang kay Daniel at sa impakta na si Ellena na nagsusubuan ng kanilang pagkain at itong katabi ko na si Alex panay ang lagay ng pagkain sa pinggan ko magrereklamo na sana ako kaso binigyan niya lang ako ng masamang tingin. Napasinghap kami sa eksenang nagawa ni Irish.
"Ouch!" Daing na saad ni Shan ng matapunan siya ng tubig ni Irish. "Hindi kaba nag-iingat" galit na saad ni Shan doon napatayo si Irish.
"Hindi at sinasadya ko iyon" ngising saad ni Irish. Sasampalin sana ni Ellena si Irish ngunit napigian niya ito. "Sige subukan mo lang para makita nila ang katotohanan" bungay na saad ni Irish na ngayon ay nakangisi nagugulat ako ngayon sa ipinapakita ni Irish parang iba na siya noon sa nakilala ko.
"Irish ano ba yan" sigaw na saad ni Natalie na ngayon ay lumapit kay Ellena na nagdradrama na naman.
"Hi-ndi ko a-lam ang sinasabi mo" pagsisinungaling ni Ellena na may paawa pang kasama. Napatawa naman si Irish.
"Talaga. Nauto mo nga sila pero ako hindi" malamig na saad ni Irish sabay alis sa harapan namin. Susundan pa sana siya ni Aira ng hawakan ko kamay niya.
"Hayaan mo na siya baka pagod lang yun" saad ko at nagpatuloy na kami sa pagkain. Pansin ko na hindi mapakali si Ellena tiyak ko na may binabalak na naman itong masama. Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na namin nakita si Irish kaya hinanap ko siya nakiya ko naman siya nasa silid pala ni Ralicia.
"Ano ginagawa mo dito" tanong ko sa kaniya umiling lang siya. Katahimikan ang nabalot sa amin ng magsalita siya.
"Narinig ko siya may binabalak siyang masama kay Tacia bukas ng hapon sa mismong enggrandeng sayawan" nakatulalang saad nito.
"Anong balak niya bakit si Tacia ang punterya niya" takang tanong ko.
"Hindi ko alam at yung rica na kaibigan niya kasabwat niya iyon narinig ko silang naguusap noong isang araw" naguguluhang saad nito. Kung magkasabwat ang dalawa kalaban nga si Ellena pero bakit naman nila gagawin ito walang sinabi sa akin si Ralicia.
"Kailangan natin maghanda. Kung ano man ang balak nila alam kung may tutulong sa atin basta manmanan natin ang kilos niya bukas. Huwag natin sabihin sa kasamahan natin sa atin lang dapat ito Irish. " saad ko tumagal lang kami doon sa silid ni Ralicia, kailan kaya siya babalik sana sa pagbabalik niya maayos na ang lahat.
Kinabukasan ito na yung araw ng pagtitipon lahat at abala sa mga ginagawa. Darating din ang mga reyna at hari mamaya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito may mangyayari bang kakaiba. Basta ang gagawin lang namin ay dapat matiyak namin na ligtas si Tacia.
"Ate Roxanne may isusuot ka na ba" tanong ni Aira sa akin.
"Oo meron na" saad ko ng nakangiti.
"Nasasabik na ako para mamaya" may galak na saad ni Aira habang tumatalon. Napatawa naman ako sa ginagawa niya paiba iba kasi kalagayan niya.
Ilang oras na lang ay magaganap na ang enggrandeng sayawan mamaya. Lumabas muna kaming lahat pwera na lang kay Irish na ayaw sumama sa amin at para maglibang na din dahil mamayang gabi pa naman iyon. Nasa hardin kami kaniya kaniyang upo at kwento. At si Ellena kanina pa nakabuntot at nakalingkis kay Daniel malandi nga naman. Tignan lang natin Daniel kung pagsisihan mo ang ginawa mo sa kapatid ko. Pasensyahan na tayo dahil mas pinili mong maniwala sa taong babagsak sa ating lahat.
Natigil lang kami sa pag-uusap ng marinig namin ang bulungan sa paligid."Sino siya?"
"Hindi siya. Sino sila?"
"Ang ganda niya"
"Grabe pre ang ganda ng babae"
"Para siyang kakaiba"
"Kay rilag rilag ng mukha ng babae"
Mga naririnig naming bulungan sa paligid kaya agad kaming napatayo at tinignan yung nilalang na pinagbubulungan nila nakatalikod sila sa amin hindi pa namin sila makita ramdam ko ang presensiya niya na para bang nakasama ko na siya. Sa nakikita namin ngayon kakaiba siya dahil ang kulay ng buhok niya ay kulay asul na may unting puti yung nakatalikod na babae at yung lalaki naman ay ganoon din kakaiba ang kulay ng buhok niya ay abo. Humarap naman ito sa gawi namin at nagtama ang aming paningin bakit ganoon parang nag-iba na siya. Alam ko naman na hahantong sa ganito pero bakit kailangan pati siya mag-iiba parang hindi ako masasanay sa kaniya.
"Nagbalik kana" iyon lang ang lumabas sa bibig ko at siyang iwas ng tingin niya bumalik na siya sa dating siya pero mas malala ngayon naramdaman ko namang may tumulong butil ng luha sa akin. Narinig ko pa ang sinabi ng kasamahan ko pero hindi ko sila pinansin at dali daling tinahak ang daan patungo sa kaniya. Nasa harapan niya na ako walang ka emoemosyon ang ipinapakita niya ngayon kaharap ko din ang lalaking kasama niya hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya. Na miss ko siya ng sobra hindi ko man lang siya na ipagtanggol sa mga kasamahan namin. Napaiyak ako sa balikat niya at siya naman nakatayo lang na niyakap ko.
"Ali" iyon lang ang naibigkas ko sabay kalas ng yakap sa kaniya. Ibang ibang na siya noon mas lalo siyang gumanda kaysa dati hindi ko na mabilang kung ilang buwan na ba ang lumipas ng umalis siya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...