CHAPTER 20

184 12 0
                                    

Nandito kami ngayon sa isang silid kung saan nakaratay sa kama si Ralicia na walang malay kompleto kaming royalties at kasama din namin ang mga hari at reyna. Nagamot at nagpapahinga na din yung ibang hindi nakayang gamutin ni Ralicia sa mga kanya kanya nilang silid.




"Kailangan nang gamutin si Ralicia" saad ko dahil  sa nakikita ko unti unti ng nanghihina si Ralicia.




"HM natawagan niyo na ba sila mom and dad" hindi pinansin ni Roxanne ang sinabi ko. Nagtanong lang siya kay HM. Tsk anong klasing kapatid siya.



"Nababasa ko kung anong nasa isip mo Franz" nakangising saad nito sabay baling sakin. At tumingin ngayon kay HM.



"Yes iha. On the way na sila" sagot ni HM sa kaniya. Sumenyas naman si HM doon sa manggagamot na gamutin na si Ralicia ngunit pinigilan iyon ni Roxanne.



"Iha kailangan nang gamutin ng kapatid mo" saad ni HM sa kanyan.



"Oo nga ate Roxanne kanina pa tayo dito. Dapat na gamot na siya" saad ni Irish. Na ngayon ay nasa tabi ng kanyang mga magulang.



"Alam mo kanina ka pa pigil ng pigil. Papatayin mo ba kapatid mo" naiinis na saad ni Chesca.



"Iha gagamutin lang naman ang kapatid mo" malumanay na saad ng hari ng lupa na si haring Travis ang tatay ni Natalie.



"Sige na gamutin niyo na si Ralicia" seryosong saad ni Alex at sinenyasan ang manggagamot na lumapit na kay Ralicia.



"Pagsinabi kong huwag niyong galawin ang kapatid ko huwag niyong galawin" nakakatakot at malamig nitong saad at tumingin sa  amin. Nakita namin ang pagbabago ng mata niya naging asul at base sa kamay niya naglalabas ito ng tubig. Napa atras naman ang manggagamot dahil sa takot. Bigla naman may bumukas ang pintuan kaya nabaling ang atensyon namin doon sa dalawang nilalang na hindi namin kilala.



"Darling stop" tumigil lang si Roxanne  at napaupo na lang kung saan nakahiga si Ralicia. Nilapitan naman ito ng babaeng nagsalita kanina. Kasama yung lalaki at tiyak kong kasintanda ito.



Yumakap lang si Roxanne doon sa babaeng nagsalita at umiyak lang siya habang kayakap ang babae.



"Magandang araw sa inyo mga hari at reyna, mga royalties ganoon na din sayo HM" saad ng lalaki at nagbigay galang sa amin.



"Mga hari at reyna mga magulang sila nila Ralicia at Roxanne sila Mrs.  Rana Mendel and Mr. Ross Mendel" saad ni HM. Sila pala mga magulang nila.



"Kayo pala ang mga magulang nila. Kamusta na kayo" pagkakamusta ni haring Paul tatay nila Bryle at Brix.



"Okay naman" tipid na saad noong tatay nga nila Ralicia na si Mr. Mendel. Kaya naman pala may pinagmanahan si Ralicia sa tatay niya. Nabaling ulit ang atensyon namin sa magkayakap na sina Mrs. Mendel at Roxanne.



"Mom Im sorry" paghingi ng pasensiya ni Roxanne habang umiiyak yung kaninang inis at galit ko parang nawawala dahil sa iyak niya.



"No darling its okay. I know ginawa mo lang ang tama" pagpapatahan ni Mrs. Mendel kay Roxanne at hinahagod ang buhok. Kumalas naman sa yakap si Roxanne at tumayo ito nakikita namin na yung mga mata niyang kulay asul ay naging pula maging ang ilong niya ay namumula na rin.



"Dad... I'm sorry po hindi ko siya na tulungan kanina. Ako na lang po ang gagamot sa kanya" paghingi din niya nangpasensiya sa tatay niya. Niyakap lang siya nito.  Tahimik lang kaming pinapakinggan sila pati na din ang mga hari at reyna ay tahimik din na nakamasid sa kanila.



"No! Ako ng bahala sa kapatid mo baka ikaw naman ang manghina. Magpahinga ka na din alam namin na pagod ka" mahinahon na saad ng tatay niya. Lumapit si Mr. Mendel doon kay Ralicia.



"Ako na ang gagamot sa kanya HM" saad ulit nito manggagamot din pala ang tatay nila. Ano sila pamilya ng manggagamot kanina si Ralicia tapos ngayon kasasabi lang ni Roxanne na siya ang gagamot tapos si Mr. Mendel. Hinawakan ni Mr. Mendel ang kamay ng anak niya at ipinikit ang mga mata umupo naman si Roxanne sa gilid ng kapatid niya at hinalikan ang noon nakikita ko na may tumutulo na mga luha doon. Katahimikan ang namayani sa aming lahat kabang ginagamot si Ralicia ng tatay niya. Unti unti naman naghihilom ang sugat ni Ralicia sa katawan. Tapos na ang paggamot sa kaniya at tiyak kong matagal siya bago gumising.



"Mom dad. Tatlong kapangyarihan na ang napalabas niya" basag ni Roxanne sa katahimikan na ngayon ay nakahiga na katabi ang kapatid. Nagulat naman sina Mr. and Mrs. Mendel. Pati nga din kami kanina nakakagulat dahil baguhan nga siya.



"Wh--at!.... Ano naman iyon" gulat na saad ni Mrs. Mendel.



"Mom alam kong nakakagulat pero iyon ang totoo. Ice, fire and air" saad ni Roxanne sabay bangon niya sa pagkakahiga. "Mom I need to rest for a while" nakangiting saad nito sa magulang niya sabay halik sa pisnge. Hinalikan din niya si Ralicia sa pisnge. Bago siya lumabas ng silid nagbigay galang siya sa nga hari at reyna. Nabaling din ang tingin niya sa amin isa isa at kita doon ang malalamig na mata niya. Bago siya lumabas ng tuluyan ay may sinabi pa siya.



"Oppss Mom i know what's on your mind. If you want to tell them the truth then do it" mga salitang binitawan niya bago lisanin ang silid na ito.



"Talaga naman ang batang iyon" iling iling na saad ni Mrs. Mendel.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon