46
"Pakawalan niyo akooo!" hinagpis na sigaw ni Yuki sa itaas ng tore sa isang isla sa gitna ng karagatan. "KUUUUURT!!" tawag niya pero alam niyang walang makakarinig dahil rinig niya sa labas ang paghampas ng alon sa batuhan.
--
"Kurt?" nilahad ni Kurt ang kamay niya sa dalaga papunta sa kagubatan.
"May sasabihin ako sa'yo, Yuki. Pwede bang sumama ka sa akin?" tumango lang ang dalaga at walang katanggihang sumama sa binata.
"May gusto rin sana akong sabihin sa'yo, Kurt." At nang wala na sila sa mahikang bumabalot sa paaralan ay tumigil na sila. Napalingon naman si Yuki sa likuran niya at napansin niyang malayo na sila sa paaralan.
"Anong sasabihin mo sa akin, Yuki?" tinignan naman ni Yuki ang mukha ng binata at bigla siyang kinabahan ng makita ang malademonyong pagngisi nito.
"Sino ka? Hindi ikaw si Kurt?" titig niya dito. Aalis na sana siya ng hawakan siya nito ng mahigpit. "Bitawan mo ako! Tuloooong!" sigaw niya nang magpulasan ang mga ibon sa paligid nila.
Hinila siya nito at hinalikan sa labi dahilan para unti-unti siyang nahihilo. Narinig niya pa ang tinig ni Kurt na habang tinatawag siya.
"Kurt?" nasambit pa niya sa isip bago tuluyang mawalan ng malay. Tinangay siya ng lalaki at tuluyan silang naglaho na parang hangin. Sakto namang pagdating ni Kurt at nakita ang mapanlinlang na strigoi.
Nagkaroon siya ng malay tao ng maramdaman niya ang malamig na semento na kanyang pinagkakahigaan. Kinusot niya pa ang mga mata nang makita niya ang maliit na bintana at makakapal na rehas sa harapan niya.
"Gising ka na pala." Napatingin siya sa binatang nagsalita.
"Kurt? Ah hindi.." iling niya sabay simangot dito. Natawa naman ang lalaki habang hawak ang cellphone nito.
"Bakit mo nagustuhan ang pagmumukha nito?" tingin nito sa camera ng cellphone. Nagselfie pa siya at pinakita sa dalaga. "Gusto mo, luh! Asa ka hahaha.."
"Huwag mong gamitin ang mukha ni Kurt! Pwede ba huwag mo siyang gayahin, dahil hindi ka katulad niya!"
"Hindi ko rin naman gusto ang pagmumukha niya. May sarili akong itsura at mas gwapo pa ako sa kanya!" nagbago ang itsura nito at nagpacute pa sa dalaga.
"Nilabas mo rin ang mukha mong pangit!"
"Anong sabi moooo?" mahigpit na hawak nito sa rehas. Pero agad rin siyang kumalma at pinigil ang sarili sabay nagpilit ng ngiti.
"Mukhang aso! Pakawalan mo ko dito.." lalapit sana ang dalaga pero may nakakabit sa paa niyang bakal.
"Tumahimik ka! Kung pwede lang kitang patayin, ginawa ko na! Kaya pwede ba, tumahimik ka at nakakapagtimpi pa ako. Bwiset." Halos mapisa nito ang makapal na rehas dahil sa pagtitimping sinasabi. Nakita naman ito ni Yuki kaya nanahimik na lang siya.
"Krunos!" may dumagundong na malakas na pagtawag kaya agad nawala ang lalaki sa harapan niya. Napatingin naman si Yuki sa may bintana nang marinig niya ang paghampas ng alon mula sa labas. Sigurado siyang nasa karagatan siya dahil 'yun ang lagi niyang naririnig sa lugar kung saan siya nagmula.
Nagkuyom na lang ang kamao niya at hinawakan ang braso kung saan doon nalabas ang tatak niya.
"Anong gagawin ko, Kurt? Iligtas mo ko, please." tungo niya at ramdam ang malamig na hanging pumasok sa maliit na bintana.
"Kumain ka na d'yan, magpakabait ka munting dalaga." biglang sulpot ng lalaki sa harapan niya at hagod sa may ulo niya. May isang ala-ala ang pumasok sa isipan niya.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire