Dyis.

181 7 0
                                    

Dyis.

---

Claude point of view.

Nauna na akong pumasok dahil may practice kami ng pagtugtog ngayon. Hindi ko naman kasi gusto 'yung ganito pero ipinahamak ako ng dalawa.

Totoo kayang si Riezel ay si Lexie? Pero bakit hindi ko maramdaman? Hindi ko na ba siya nararamdaman ngayon.

"Araaay." May nabangga pala ako.

"Sorry." Ani ko. Inayos niya ang kanyang uniporme habang ang sama ng tingin sa akin. Medyo nakaramdam ako ng inis lalo't nakikita ko ang pagmumukha niya.

"Hindi kasi natingin sa dinaraanan!"

"Humingi na ako ng sorry, hindi--b.."

"Xiel!" tawag ni Lianne, nakaramdam ako ng saya. Hindi ko maintindihan, para bang ang tagal ko na siyang nakilala o sadyang kaparehas niya lang ang babaeng pinakaminahal ko.

"Tabi ngaaa." Danggi sa akin ni witch lady, tss. Nakakainis talaga siya.

"Hi Claude, aga mo ah." Bati niya sa akin, nginitian ko lang siya. "Bakit kasi ang aga ngayon ng practice natin, gusto ko pa sanang matulog sa higaan ko." Aniya.

"Matulog ka kasi ng maaga para hindi ka puyat. Pasaway ka e." sermon ni Xiel sa kanya. "Kaya ka nalolowblood. Hays, tigas ng ulo."

"I'm sorry na Mama."

"Tse! Tumigil ka!"

"Para ka talagang Mama ko, sermon na lang palagi. Sa bahay, pati ba naman dito?"

"Gawa mo kasi, magtino ka!"

"Matino naman ako, hindi ba Claude?" tingin niya sa akin.

"Ingay-ingay niyo ah, aga-aga e." sabat ni Mike habang naghihikab. "Ang aga talaga, pero mas ayos na 'to kay'sa hapon. Marami akong ginagawa."

"Tama!" apir nilang dalawa ni Ice. "Magbabar pa tayo mamaya e."

"Psst ka lang." narinig namin ang pagpihit ng pinto, niluwa ng pinto si Sir.

"Are you guys ready?" tumango na lang kaming lahat.

Nagsimula na ang practice, patingin-tingin lang ako sa kanila habang nasa hawak nila ang kani-kanilang instrumento.

"Ano daw kakantahin natin?" tanong ni Ice. Nasa baba naman ng stage si Sir habang nakatapat sa amin ang phone niya.

"More than words daw." kailangan pa ba ng saxophone doon? Natatakahan tuloy ako.

"Marunong ka bang mag-bass guitar C?" napalingon ako kay Lianne, tinuro ko ang sarili ko.

"Ako ba?" tumango naman siya. "Oo, bakit?"

"E'di ayos! Ayun na lang muna ang gagamitin mo." sabat ni Mike. Pinahawak niya sa akin ang gitara niya at bumaba ng stage. "Kaya mo 'yan Bro!"

"Bakit ako?"

"May sprain kasi ang daliri ko, kung pwede nga lang akong tumugtog. Sa ngayon, ikaw na muna. Tutal apat lang ang kailangan sa banda."

"Paano ikaw?"

"Ako na lang manager niyo, don't yah worry." thumbs up niya. Tumingin ako sa kanilang lahat, nagtanguhan lang sila maliban kay Witch lady.

"Okay, simulan niyo na!" sigaw ni Sir. Nagsimulang magdrum si Ice, hawak naman ni Lianne ang acoustic guitar at si Witch lady ang vocal.

Nagsimula na siyang magstrum ng gitara, narinig ko na naman 'yung kanta. Ang kantang kinakanta ko kay Lexie, nagkataon lang ba talaga o tadhana? Ngunit nakakalungkot lang, wala na ang babaeng kinakantahan ko.

Sumasabay na lang ako sa mangkukulam na babae na 'to. Infairness, she had a beautiful voice pero maganda na sana kung nakikiconnect din siya sa akin. Sabagay parehas kaming may galit sa isa't isa.

"Xiel, lumapit ka naman sa bass guitarist niyo!" sigaw ni Sir. Syempre nagulat ako, nakasimangot siya at nagplastik ang ngiti na lumapit sa akin. Syempre ako naman ang makikipagplastikan ngayon.

Natapos na kami at malakas ang palakpak ni Sir. Tuwang-tuwa siya sa performance namin. Bumaba na ako ng stage at binigay na kay Mike ang bass guitar niya.

"Una na ako sa classroom." ani ko. Tumango lang sila at hindi ko na nilingon. Pagkalabas ko ng pinto, sumalubong naman iyong dalawa.

"Hoy Bro! Ano tapos na kayo magpractice?" tanong ni Brent, kumamot lang ako sa ulo at inakbayan silang dalawa.

"Badtrip talaga kayong dalawa, kung hindi dahil sa inyo sana ay tahimik pa ang buhay ko."

"Bakit gusto mo na bang manahimik, Claude?" tanong ni Jules. Kinutusan ko nga siya. "Aray hah! Ikaw naman ang may sabing gustong manahimik!"

"Iba 'yon! Tanga talaga nitooo!" tumawa naman si Brent ng pagkalakas-lakas.

"Ganyan talaga ang maliliit, maliit din ang ano--" tingin niya sa baba.

"Gago kaaa! Tangna mo talagang ilong kaaa!"  hinabol naman ni Jules si Brent, mga batang isip talaga.

"Hoy Claude! Huwag ka nga, isip bata ka rin!" Sigaw ni Brent.

"O sira ulo talagaaa kayooo!" binato niya ako ng sapatos niya kaya hinabol ko na rin siya.

---

Xiel point of view.

Parang mga bata!

Iling ko habang nakatingin sa tatlong bugok na nagtatakbuhan sa open field ng campus.

"Ang cute naman ng tatlong 'yon!" turo ni Lianne dito.

"Pssh. Anong cute d'yan? Sabihin mo ang tatanda na, isip bata pa rin."

"Hahaha. Masyado ka talagang manang, Xiel. Magpakabata naman tayo kahit minsan?"

"Ikaw na lang!" irap at alis ko. Bakit ko naman gagawin 'yang katulad ng ganyan na maghabulan na parang bata. Nakakahiya na kaya!

"Uy hintay, nakakainis ka! Para kang walang childhood memories kapag ganyan ka!"

"Wala nga!" sambit ko. Wala naman talaga dahil wala rin akong maalala, kahit nga itsura ko ng bata ako. Nagkaamnesia ba ako o nabura ang mga alaala ko. Nakakapagtaka talaga.

"Aish! Edi gawin natin ngayon, kung wala talaga?"

"Ayoko! Ikaw na lang."

"KJ mo talaga. Gigil mo ako."

"Heh! Tumigil ka nga, pumasok na lang tayo sa room." pumasok na kami ng nasa likod na namin ang tatlo. Pawisan at ang babaho.

"Pinagod niyo ako, bwiset talaga kayong dalawa!" sigaw ni Claude.

"Ang saya naman hindi ba? Ngayon ko lang ulit nagawa 'to." sabi naman nung Brent.

"Oo nga, sayang lang wala si Lexie dito." ani ni Jules. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko, natigilan ako.

"Oo nga e. Upo na tayo, nandyan na ang adviser natin." aya ni Claude, tumingin pa sila sa akin bago sila umupo. Naguguluhan siguro sila sa akin kasi napatigil ako dito.

"Uy Xiel, bakit nakatayo ka pa d'yan?" tanong ni Ma'am. Tumango lang ako at dumeretso na sa upuan ko. Ano nga bang nangyari sa akin?

"Anong inisip mo?" Tanong ni Lianne, umiling naman ako.

"Wala. It just weird. I don't know why?"

"Wow! English, nose bleed ako." biro niya, nahampas ko nga siya sa balikat. Tahimik naman ang tatlo kaya nakinig na lang ako sa guro namin.

Sino ba 'yung Lexie na sinabi nila? Bakit para bang kilala ko siya?

Itutuloy.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon