..45
"Siguro dapat sumama na tayo sa apat, para mapabilis ang paghahanap kay Yuki?" ani Claude na napatingin kay Xiel.
"Oo nga dapat lang, maghahanap rin kami para mas mabilis."
"Alam mo ba 'yang mga pinagsasabi mo? Alam mo namang nasa panganib ang buhay n'yo, hindi ba? Kaya pwede ba, kahit ngayon lang manahimik ka muna d'yan!" singhal ni Claude dito.
"Aba't ako pa talaga! Ha! Grabe lang.." pamaywang niya. "Kaya naman namin ang sarili namin, e 'yung mga sarili n'yo nga hindi n'yo maalagaan e.. tsk." tingin niya kay Brent.
"Tumigil na nga kayo! Kalma lang, mahahanap rin si Yuki. Kaya kung pwede, parehas kayong manahimik. Parehas lang kayong maingay." sermon ni Jules.
"Tama.." habang hindi mapigilan ni Riez maipadyak ang mga paa n'ya at ngatngatin ang sariling mga kuko dahil sa labis na pag-aalala.
Hinawakan naman ni Brent ang kamay nito para pigilan. Napataas naman ang kilay ng dalaga pagtingin dito.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong niya.
"Itigil mo na 'yan, mauubos 'yang mga kuko mo, sige ka!?" ngisi nito. Hinigit naman ni Riez ang kamay niya at niyakap na lang ang sarili.
Napatingin naman si Xiel sa mga ito, pinagmasdan niya ang mga kamay at tila nakaramdam ng inggit. Umupo naman si Claude sa tabi ng dalawa nila Riez.
"Mas lalo lang akong nag-aalala kapag nandito lang ako at wala akong nagagawa." ani Claude.
"Ako rin, ikaw na lang kaya Brent ang magbantay sa dalawang ito?" suhestiyon ni Jules. Napatayo naman si Claude at sumang-ayon dito.
"Oo nga, tutal parang makikinig naman ang dalawang ito sa'yo. Ikaw na lang muna magbantay sa kanilang dala.."
"Ako talaga? Gusto ko ring maghanap.." tayo ni Brent.
"Pakiusap lang Brent, para rin mapabilis na lang ang paghahanap. Pumayag ka na, please lang." ani Jules. Nadagukan naman siya ni Brent.
"Bakit hindi na lang kaya ikaw?"
"Ikaw na, Brent. Kaya mo 'yan!" parang hanging nawala ang dalawa sa paningin ng tatlo. Nagkatinginan pa sila at napakamot na lang si Brent sabay upo.
"Huwag na kayong makulit, makinig na lang kayo sa akin." aniya at tumango naman ang dalawa. Nanahimik lang silang tatlo sa maliit na kwarto.
---
"Yukiiii.." tawag ni Kurt sa kakahuyan. Kaliwa't kanan niyang pinagmasdan ang paligid nang sa di kalayuan ay napansin niya ang mga nagpulasang ibon.
Agad niyang mabilis na pinuntahan ang lugar na iyon nang mapansin niya ang nakahigang dalaga. Mabilis niya itong pinuntahan at inalalayan.
"Yuki?" mahinang tapik niya sa pisngi nito. Madungis ang mukha nito, may dugo sa bibig at marami ring galos sa katawan.
"Yuki? Yuki? Gumising kaaa! Shit.." tinakpan niya ang tainga ng isang daliri at kinontak ang mga kasama.
"Ke..kurt?" unti-unting nagmulat ang dalaga at pumatak ang mga luha nito habang nauubo-ubo pa na may kasamang dugo.
"Yuki.. anong nangyari? Huwag ka ng magsalita, dadalhin kita sa school para magamot ka.." umiling naman ito. "Bakit ka umiiling, magagamot ka pa! Huwag kang susuko, okay? Laban lang!" ngumiti naman ang dalaga.
"Sal..salamat.." mayuming ngiti nito hanggang sa muli itong nawalan ng malay.
"Yuk..Yuki?" tumayo siya ang binuhat ang dalaga sa mga bisig. "Guys, nakita ko na siya kaso nasa kritikal na stage siya ngayon. Dadalhin ko na siya sa school, bumalik na kayo." at parang hangin siyang naglaho sa kakahuyan.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire