Trenta 'y dozMaaga silang nagtungo sa paaralan kahit na tamad na tamad agad silang pumasok.
"Parang ayoko ng pumasok.." urong ni Kurt dahil sa nangyari kahapon na hindi niya talaga akalaing mangyayari.
"Bakit naman? Halika naaa.." hawak ni Riez sa braso niya at hila papasok sa gate. Naiwan namang nakatingin sa kanila ang lahat pati na rin si Yuki. May part sa kanyang nalulungkot na naiinggit at may part rin na masaya.
"Halika na, Yuki.." tawag sa kanya ni Xiel, lumapit naman siya dito at pumasok na sila sa gate ng sabay-sabay.
"Hindi ko akalaing magiging close si Riez art Kurt?" ani Dylan habang nakatingin lang sa dalawa.
"Ganyan naman talaga sa una, si Kurt lagi ang unang nagiging best friend ng lahat. Gaya ni Lexie, hindi ba?" turan naman ni Xyrus.
"May punto ka d'yan.. Dapat talaga makipagclose din ako e.." habol ni Jules sa mga dalaga nilang kasama. Napailing naman si Dylan.
"Pero sana piliin ni Kurt kung sinong gagawin niyang kaibigan."
"Wala namang masama sa pinili ni Kurt ah, mabait naman si Riez, hindi mo lang talaga napapansin Brad." tapik ni Xyrus sa balikat ng kaibigan.
Tahimik naman ang tatlo na nakasunod lang sa kanila. Dahil tinatamad ring pumasok si Brent at Claude dahil hindi nila alam kung paano pa haharapin si Lexie. Si Alex ay wala ring gana dahil wala namang magandang nangyayari.
"Xy, nakausap mo na ba si Queen?" lapit ni Shiloh dito. Napalunok naman ito at nakipagbulungan sa dalaga.
"Sira ka ba, hindi ba't iniwan kita doon kagabi." napakamot naman siya sa ulo.
"Umalis din ako, sabi niya kasi Get out! Kaya ayun.."
"Haaaays!" padyak ni Xy. "Lagot tayong dalawa.." parehas nilang sabunot sa sarili.
"Anong problema niyo?" tanong ni Brent na pumagitna sa kanila.
"SIKRETONG MALUPIT!" sabay pa ng dalawa at tuluyan ng umalis. Napakamot na lang siya sa ulo ng lapitan siya ni Claude.
Nakarating sila sa room at nakipagdaldalan sa mga bagong kaklase. Sa pagpasok nila sa gate ay matik na magbabago ang mga kasuotan nila.
--
"Naghahanap kami ng mga bagong kasapi sa club, gusto niyo bang sumali?" tanong ni Lexie sa mga kaibigan. Wala namang tumugon sa kanya kaya nakaramdam siya ng pagkabwiset.
"Halika na Ms. Lexie, mukhang wala namang nais na sumali sa section na ito." aya ng isang babae dito.
"Sandali Ms. Lim." patigil niya dito at mabilis na nagtungo sa harapan ng lahat.
"Hindi naman kayo kawalan kung hindi kayo sasali pero sana tumanaw naman kayo ng utang na loob sa akin?"
"I refused to join pa rin kahit pa sabihin mo pa 'yan. Hindi pa kami sure kung ikaw ba talaga ang kaibigan namin?" sambit ni Alex habang nakatungo sa arm chair nito. Napakagat labi naman si Lexie.
"Ha! Kung ayaw niyo, huwag niyo! Hindi ko naman kayo kailangan, nasanay na akong wala kayo!"
"Then Good. You may go out.." sagot muli ni Alex. Napatingin naman si Lexie sa anim pa pero walang tumingin man lang sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya at nalungkot.
Umalis na lang siya at sabay-sabay ang pagbuntong-hininga ng pito. Nag-aalalang tinignan lang sila ng mga dalaga.
Sinilip naman ni Hyacinth kung tuluyan na bang nakaalis ang club ni Lexie. Dahan-dahan siyang pumunta sa may front desk at sinulat sa black board ang A.C.E.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire