Vente SieteBored na bored na si Riez sa malaking bahay, nais niya sanang lumabas pero hindi niya alam kung makakabalik pa siya ng buhay. Alam niyang nasa gitna sila ng kagubatan at ayaw niya ng maranasan pa 'yung katulad ng dati.
"Oy! Saan ka pupunta?" tawag niya kay Kurt na palabas.
"Sa Green house ko, lalagyan ko ng abono ang mga bago kong tanim." napatayo naman si Riez mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Totoo? Ngayong gabi talaga? Hindi ba't kailangang maaga kapag naglalagay ng abono sa halaman?"
"Mas gusto ko sa gabi lalo na kabilugan ng buwan ngayon. Siguradong maliwanag sa green house ko."
"Naexcite naman ako sa mga nasabi mo, gusto ko sanang sumama. Kung maaari?" tumango naman ang binata sa nais niya kaya agad siyang lumapit dito.
Habang nilalakad nila ang pathway patungo sa green house na sinasabing iyon ni Kurt. Ay hindi niya mapigilang mamangha sa mga buko ng bulaklak na pabuka pa lang.
Nakarating naman sila sa green house at talagang namangha siya sa mga tanim. Maliliit pa ito pero alam niya na kung anong uri ito ng mga gulay.
"Bakit ka nga pala nagtatanim ng ganito?"
"Para pagkain niyo dahil hindi naman kayo umiinom ng dugo katulad namin. Atsaka nakasanayan na rin naming kumain ng pagkain ng mga tao dahil matagal-tagal na rin kami dito."
"Dahil kay Lexie?" Agad na tanong niya na tinugunan naman ni Kurt ng isang ngiti.
"Talagang mahal na mahal mo siya, ano?" dagdag niya pa. Napatango muli si Kurt.
"Sandali, kukunin ko lamang ang abono doon sa isang tabi." paalam ni Kurt. Tiningala naman ni Riez ang bubong na salamin, kitang-kita niya ang langit na punong-puno ng bituin. Tama nga si Kurt, kabilugan ngayon ng buwan na nagbibigay liwanag sa kanila kahit na wala silang dalang ilaw man lang.
Kumislap naman ang nag-iisang bunga mula sa isang halaman na ikinangiti niya. Dali-dali siyang lumapit dito at pinagmasdan ang kulay luntiang bunga ng halaman.
"Sili ba ito, Kurt?" sigaw niya pa sa binata. Agad namang lumingon sa kanya ang binata at tumango.
"Oo, paparamihin ko pa sana 'yan dahil nag-iisa pa lang 'yang tanim ko."
"Mahilig ka dito?" hipo niya sa bungang sili. Umiling naman si Kurt at napakamot.
"Pero bakit marami kang itatani.."
"Dahil 'yan ang paborito ni Lexie at Alyana, 'yang halaman na 'yan ang nagpapaalaala sa dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko."
"Naks! Kung ako sila, sobrang mata-touch ako. Ang special talaga nila, sana maging gano'n rin kami kaso mukhang imposible?"
"Bakit naman?"
"E tignan mo nga, ang init ng dugo sa akin ng Dylan na 'yun tapos wala pa ata akong makakasundo sa inyo kasi.."
"Bakit hindi mo subukan makipagclose sa amin gaya nitong ginagawa natin ngayon? Ang lahat ng imposible pwedeng maging posible."
"Totoo 'yan. Hindi nga ako dati naniniwala sa mga bampira dati pero nang makilala ko kayo, naniwala na ako tapos nagustu.." natigilan naman ang dalaga. "Nagustuhan kita kasi mabait ka."
"Hahaha. Hindi rin, kung alam mo lang marami din akong kalokohan sa buhay."
"Katulad ng pagbabasa ng nude magazines?"
"How did you know that?"
"Syempre lahat naman ata ng lalaki gano'n kahit na bampira kayo, lalaki pa rin kayo."
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire