Otso

192 9 0
                                    

Otso.

---

Xyrus point of view.

Habang hinihintay ko 'yung anim, nasulyapan ko na lang 'yung babaeng masungit na kaklase namin ni Dy.

"Hoy babae!" narinig kong sigaw nung lalaki na mukhang hindi gagawa ng mabuti. Katulad na katulad niya 'yung lalaking ipinilit na ipakasal sa tapng mahal ko. Tangna!

Agad siyang lumapit at tinapon ang mga notes kay Riezel. "Nandiyan lahat ng may assignment ko, pakisagutan!" utos niya dito. Bastos 'tong gagong 'to ah.

"Oo na!" bakit ka pumapayag? Hays. Mga tao nga naman, duwag. Naisip niya pang cheating 'yon, kung ako sa'yo huwag kang maging sunod-sunuran. Badtrip!

Humarurot na ang mga motor ng loko, lalapitan ko sana siya at pagsasabihan kaso nakangiti siyang inayos ang kanyang bag at nagsimulang maglakad.

"Bakit kasi ang babait nin--" biglang sumalpok sa mukha ko ang isang papel. Isang article tungkol sa patayan ang laman nito. Nakakapagtaka!

Tinignan ko muli si Riezel, medyo malayo na siya ng mapansin ko 'yung nakaitim na kapa. Bigla siyang naglaho kaya medyo nakatunog na ako.

Siguradong ang babaeng 'yon ang bago nilang biktima. Sinundan ko na lang siya ng hindi niya napapansin, ilang agwat din kami habang nasa likuran niya ako.

Tumingin ako sa langit. Napakalayo naman ng bahay nito, pagabi na. Talahiban pa at walang katao-tao ang daraanan. Ang tapang naman pala niya ngunit bakit nagpapauto siya sa lalaking 'yon?

May kinausap pa siyang matanda. Disinsana'y nagpasama na lang siya ngunit sabagay wala naman silang magagawa sa bampirang hayok na hayok na sa dugo. Tiyak ikamamatay nilang parehas.

Boglang umihip ang hangin. Nararamdam ko na ang gago, magpakita ka na.

"Sino ka?" sabi na nga ba. Nangisi na lang ako ng magpakita na siya kay Riezel. Tinanggal niya na ang hood niya at nakita ko na 'yung pula niyang mata at mga pangil. Naglalaway pa siya na animo uhaw na uhaw sa dugo.

Lumingon siya kaya agad akong nagteleport malayo ng kaunti sa kanila. Tiyak hindi ako nararamdaman nitong gagong bampira na 'to dahil sa babae lang nakatuon ang pansin niya.

"Sino ka? Huwag kang lalapit!" may rosaryo pa siya, ngunit kung walag basbas ay wala rin. Sa panahon din ngayon, hindi ko alam kung natalab pa sa amin 'yan. "Huwag kang lalapit!"

"Akin na ang dugo mo!" putangnang 'yan! Uhaw na uhaw ang gago. Tatakbo naman si Riezel ngunit wala na rin siyang magagawa, tila ba wala siyang alam sa mga katulad namin.

"Huwaaag! Huwaaag akoo!" upo niya sa lupa at pagmamakaawa. "Huwaaag akooo!" ginamit na ng mokong ang kanyang mga pulang mata para mahipnotismo ito. Tss.

"Ibigay mo na sa akin ang dugo mo."

"Oo.." talaga bang ibibigay mo sa kanya ang dugo mo? Tutulungan ko na nga siya. Agad kong hinawakan ang kamay ng mokong at itinapon ng malakas sa hangin.

"Don't touch her! Asshole!" agad ko namang sinambot si Riezel sa aking mga bisig at unti-unting inihiga sa lupa. "D'yan ka muna, Miss. I need to finish this."

"DAMN YOU! SINO KAAA PARA PIGILAN AKOOOO?" tila nagsusuper saiyan siya sa galit. Unti-unting lumabas ang mga litid sa mukha niya. Putangna! Mga old class of vampires.

Bakit nandito sila?

Naramdaman ko na lang ang mahigpit na pagsakal niya sa leeg ko. Itinaas niya na rin ako sa ere.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon