Dos

375 13 3
                                    

Dos

------

"Anong sabi?" bulalas ni Brent sa likod ni Xy. Nakatawag atensyon naman sa lahat.

"Ano 'yan Bro?" tanong naman ni Dylan.

"Search for the vampire princess daw mga 'tol."

"Huh? Kung ganon may kapatid ka Brent?" tanong ni Kurt dito, napahawak naman sa baba si Brent at tila napaisip sabay iling.

"Imposible, nag-iisa lang akong anak ng ina't ama ko. Dahil ayon na rin sa kanila, wala namang ibang anak bukod sa akin."

"May punto ka, pero sino 'tong prinsesang hahanapin natin? Ang alam ko rin naman prinsesa, ay isa lang." Nagkatinginan ang anim samantalang nakaupo't walang pakialam sa mundo si Alex.

"Si Lexie lang." ani Claude. "Pero imposible naman, patay na ang mahal ko."

"Mahal ko rin." Ani naman ni Brent. Nagthumbs up lang si Claude sa kanya sabay thumbs down at iling.

"Mahal nating lahat, mga baliw kayo. Ays. Paano naman mangyayaring siya ang hinahanap natin? Ang isipin niyo, marami talagang prinsesa dito hindi lang si Lexie. Huwag na kayong aasang buhay pa siya." singhal ni Xy.

"Para namang ayaw mo siyang makita sa sinasabi mong 'yan bro." saad naman ni Dylan.

"Hindi sa ganon, ayoko lang umasa. Dahil masakit."

"Hays. Nang dahil sa kanya nagkaroon tayo ng pakiramdamg magmahal ng totoo."  Ani Jules.

"Baduy." sabat ni Alex. Napatingin naman si Jules dito at ngumiwit.

"Oo nga e noh, kung hindi dahil kay Lexie, babaero ka pa rin sana Jules." tapik ni Kurt sa balikat nito.

"Good boy naman ako dati pa."

"In your dreams."

"Hindi naman masamang umasa, hindi ba?" ani Claude habang taas baba ang kilay at ngisi.

"Kayo ang bahala. Basta hindi na ako aasa dahil ayokong masaktan."

"Ang bitter mo na masyado, Xy." iling ni Alex sabay buhay ng TV. Hindi naman siya pinansin ni Xy at ibinigay ang papel kay Brent tsaka pumasok sa kwarto.

"Problema non?" saad ni Dy.

"Hayaan mo muna, hirap kasing mapait ka na pala. Hindi mo pa alam." ani Kurt.

"Isa lang naman ang sagot sa problema niya." nagtinginan silang lahat kay Brent. "Maligo siya. Simple."

"Sira!" sabay-sabay nila.

"Huh? Tama naman ako 'di ba?"

"Hays. Mali ka kasi Brent, " akbay ni Claude sa kanya. "Hindi lang basta maligo, dapat maghilod rin."

"Ah."

"Malala naaa.." Iling ni Alex.

"Hahaha.. Magsama kayong dalawa, isama niyo na 'to si Jules. Kayong tatlong itlog." saad ni Dy.

"Ang sama mo Dy, matino pa naman ako dyan sa dalawang 'yan." turo ni Jules sa mga ito.

"Hahaha.. I don't believe you Bro." taas ni Kurt sa kamay niya at lumabas na ng bahay.

Kinaumagahan. Sabay sabay silang ginising ni Xy para mag-enroll sa isang paaralang normal ang mga pumapasok.

Sabay-sabay silang nag-ayos ng sarili at kanya-kanyang suot ng makukulay na damit. Papasok sila sa mga hindi nila nakasanayan. Mag-iibang ugali, itsura, gawi upang hindi sila mapansin ng mga tao sa paligid nila.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon